Harassment of participants

to the Interfaith prayer rally in Makati

 

February 29, 2008    Updated March 4, 2008

 

 

The De La Salle University buses

"Daang Hari, Molino, Bacoor..

This is where we really got hold up. They kept us there for almost an hour for no apparent reason."

 

The GMA administration tried to discourage people from participating in the Feb. 29 interfaith prayer rally. It resorted to several tactics, like the announcement of an intelligence report that other groups will bomb the gathering and create chaos.

 

The regime's police set up checkpoints and held for hours jeeps and buses carrying rally participants. One such incident happened in Cavite.

 

Students, teachers, administrator and religious from De La Salle University in Dasmarinas (Cavite)  were riding  two buses to attend the Feb. 29 interfaith prayer rally in Makati City. They were blocked 3 times by police and held for hours. When finally allowed to proceed, it was already late for the rally and yet they were still harassed in the highway by a vehicle driven by a police operative. Eventually they decided to return to their Dasmarinas campus since the rally was winding down..

 

Photos and text are from this blog:

http://jrocas.com.ph/archives/lasalle-dasma-blocked-at-daanghari-from-makati-rally/

 

/p
Google

/p
           

 

Interfaith rally: 3 Makati, pagharang at panggigipit sa mga taga DLSU-Dasmariñas
Posted by jhay in March 1st, 2008

Harap-harapang naranasan ng mga guro, administrador at estudyante ng De La Salle Dasmariñas ang sistematikong paniniil sa mga demokratiko at sibil na karapatang pantao ng walang kasing-sama na Administrasyong Arroyo at panggigipit nito sa mga tao o grupong tututol o magiging kritikal dito kanina sa Bacoor, Cavite.

Matapos ang isang misa sa aming pamantasan, tumulak kaming mga taga DLSU Dasma para makiisa sa Inter-faith rally sa Makati City lulan ang 2 school bus ng aming pamantasan. Puno kami ng pag-asa at gustong-gusto nang makiisa sa mga libo-libong Pilipino na nagtipon na doon, lalo’t higit ang aming mga kapwa Lasalyano mula sa ibang paaralan. Pero ito ay sinabotahe ng mga kapulisan ng Cavite na nasa pamumuno ni Col. Posadas.

Bandang 2:44 ng hapon nang kami nakarating sa SM Molino, sa Daang Hari, Molino, Bacoor nang kami ay harangin ng PNP checkpoint sa naturang lugar. Hinanap at kinuha nila ang lisensya ng aming driver at ang registration ng aming school bus. Pareho namang ligal at tama ang mga papeles at wala naman kaming mga nilabag na batas trapiko o iba pang batas, pero hindi kami pinaalis agad ng mga pulis.

Sa halip, ang mga guro, administrador at kahit La Salle Brother na nakikipagnegosasyon sa kanila ay hindi nila pinapansin, iniiwasan at deadma lang. Ngayon ko lang nakita na aming Dekana at La Salle brother, na lubusang ginagalang naming mga estudyante, ay nagmukhang tanga na kumakausap sa hangin dahil ang mga pulis sa SM Molino checkpoint ay hindi namamansin.

Tumagal kami doon ng halos isang oras, kaya naisipan ko nang magtext sa mga kakilala kong bloggers; Tonyo Cruz, Mong Palatino, Neil ng es2pido.com at Ederic ng Tinig.com at sinabing i-blog o twit man lang ang aming sitwasyon.

Sa tuwing magtatanong kami, ang idinadahilan ng mga pulis ay “hi-way law” daw. Ano yung “hi-way law” na iyon? Walang maisagot ang mga pulis at muli kaming hindi pinapansin.

Dahil kami ay halos 45 minuto nang hinaharangan sa Daang Hari, tumawag na kami sa mga kontak naming media, pati na rin ang hepe ng Cavite PNP na si Col. Posadas. Kahit na nagkakausap na si Col. Posadas at ang pinuno ng Daang Hari check point na si Col Quilinguen, hindi pa rin kami pinapadaan.

Nauubos na ang aming oras at nang nakikita naming binabali-wala ang aming mga pakiusap, tama at ligal na pangangatwiran, napagdesisyunan na naming doon na isagawa ang aming rali kung kinakailangan. Kaming lahat ay gumawa ng ingay, inilabas ang aming mga tarpaulin at hinimok ang mga dumadaang motorista na bumisina bilang suporta. Natutuwa naman kami at marami sa kanila ang tumugon. Ang mga ilang guro namin ay humaharang pa sa mga dumadaang sasakyan, truck man o kotse, upang dumami ang mga susuporta sa amin.

Nang lumalaki ang kaguluhan sa check point na iyon, napagpasiyahan nilang padaananin na kami, pero hindi sa Daang Hari. Sinabi nila na bumalik sa Aguinaldo Hi-way dahil doon daw talaga papapadaanin ang mga sasakyan at dagdag pa dito, may “operations” daw na ginagawa ang PNP sa ruta namin kaya bumalik na lang daw sa Aguinaldo Hi-Way.
Ang walang-habas at garapalang pagsisinungaling ni Col Posadas at Cavite PNP

Inakala namin na tuluy-tuloy na kami sa Makati nang pinabalik kami sa Aguinaldo Hi-way. At narinig namin sa DZBB ang pahayag ni Col Posadas na hindi dapat hinaharang ang mga papunta sa Makati. Ngunit sa kabilang banda, may kutob kami na naisahan kami ng mga pulis. Kaya namin tinahak ang Daang Hari sa halip na Aguinaldo Hi-way ay alam naming mas maraming check point dito at mabigat ang daloy ng trapiko.

Totoo ang aming hinala. Pinasalamatan pa man din namin ang mga pulis sa Daang Hari checkpoint, sumaludo pa kami at ngumiti sa kanila. Yun pala, mga ngiting-aso at buwaya ang mga ngiti nila sa amin.

Pagdating namin sa kanto ng SM Bacoor, sa Aguinaldo Hi-way, muli kami ay pinatabi at ininspeksyon ang mga papeles ng aming bus. Dahil may “assurance” kami mula kay Col Posadas na hindi na dapat kami harangin, ito ang aming naging sangkalan nang makipag-negosasyon muli kami sa pulis na huramang sa amin. Matapos ang halos 20-minutos ng negosasyon at paghihintay, sinabi nila na pwede na kaming makalampas. Ngunit, tulad ng panlilinlang sa Daang Hari, may inihandang surpresa sa amin ang PNP.
 

Nang matawid namin ang intersection sa kanto ng SM Bacoor, napansin namin na may puting Tamaraw FX na may plakang UDJ-927 ang tumigil sa aming harapan. Noong una, inakala namin na ang bulok at kakarag-karag na puting FX ay isa lamang sa mga ordinaryong motorista na naiipit sa trapiko.

Pero kakaiba ang ikinilos nito dahil kahit na lumuluwag ang kalsada sa harapan nito, hindi ito bumibilis, bagkos mabagal na tumatakbo sa harapan ng aming bus, kaya lalong bumagal ang aming takbo. Walang pinagkaiba sa pagharang na ginawa ng mga pulis.

Lalong lumantad na ang puting FX na ito ay asset o pakawala ng mga pulis dahil sa tuwing ang isa sa aming bus ay makakauna sa daan, ito naman ang uunahan nito at papabagalin ang takbo dahil mabagal siya aming unahan.

Lasing o tanga ang driver ng puting FX, dahil lagi siyang nasa gitna ng dalawang lane na okupado ng aming mga bus. Pero hindi lasing, tanga o bobong driver ang nagmamaneho nito. Sinasadya niyang dumikit, humarang at pabagalin ang aming takbo.

Sa ilang pagkakataon na sinubukan namin na ma-overtake siya sa daan, biglang bumibilis ang puting FX para makauna uli, at saka muling babagal siya para bumagal din kami. Ilang beses din naming sinubukan maka-una, pero sa bawat pagsubok namin, pilit niyang inihaharang ang puting FX, muntik na pa ngang sumabit o bumangga ang bus namin sa puting FX.

Dito na kami kinabahan, dahil may hinala kami sa kanyang palabas. Sadya niyang hinaharangan ang aming bus, at kapag nakipag-karera kami, gigitgitin nya kami kahit pa magkabanggaan ang aming mga sasakyan. Lalabas siya at aawayin ang aming driver na lalong magpapatagal sa amin sa Aguinaldo Hi-way.

Nasulyapan namin ang driver at isa pa niyang pasahero sa loob ng puting FX. Ang driver ay nakasuot ng t-shirt na may itim na “media vest” ang kasama naman niya ay malaking tao na ayon sa isa sa mga guro namin, ay ubod daw sila ng pangit. Walang duda, asset nga sila o sila mismo ay mga pulis.

The police put our lives in danger

Ito ang nasabi ng isa sa mga kasama kong estudyante nang muntik nang bumangga ang puting FX sa aming bus, sa kagustuhan nitong harangan at gitgitin kami. Kahit pa may masaktang mga estudyante, guro o La Salle brother ay gagawin nila, mapigilan lang kaming makarating sa Makati.

Ilan sa mga kamag-anak ko ay pulis, noon ay taas-noo ako sa pagsasabing may kamag-anak akong alagad ng batas. Mga taong nagsisilbi at pumuprotekta sa mamamayan. Pero sa aming karanasan kanina, ang mga pulis ngayon ay mga tau-tauhan na lamang ng kurakot, magnanakaw, mapaniil, at pasistang administrasyon ni Gloria “evil” and “bitch” Macapagal-Arroyo.

Bakit pilit nilang hinarahang ang 2 bus ng mga estudyante, guro at relihiyoso? Wala naman kaming baril, wala kaming armas, wala kaming bomba. Tanging mga sarili lamang namin ang aming dala. Magdadasal lamang kami sa Makati at hindi lulusob sa Malacañang. Pero bakit kami hinaharangan, ginigipit at nilalagay nila sa panganib?

DLSUD BusesTelling media about the evil White FX

Ngunit hindi pa iyon doon natapos. Alas-6 na ng gabi at dahil hindi na kami makakaabot sa Makati, napagpasiyahan naming bumalik na lang sa Katedral ng Imus o kaya sa De La Sale Dasmariñas. At para matapos na ang aming duelo, nilapitan namin ang puting FX at sinabing uuwi na lang kami. Sumagot naman daw sila ng “sige..” at kami ay pumihit na pabalik sa Dasmariñas.

Lalo lang kaming nalagay sa alanganin nang makita namin sa sumusunod pa rin ang puting FX sa aming bus! Dito ay talagang nagalala na kami. Sumuko na kami sa pagkakataong iyon pero naroon pa rin ang mga walang-hiyang pulis sa puting FX na nakabuntot sa aming bus.

Nang masalubong namin ang van ng FM radio station 101.9 at kahit alam naming hindi sila istasyong tagapagbalita, humingi kami ng tulong na bantayan ang puting FX at itimbre ito sa mga kakilala nilang mga media. Palagay namin ay naging epektibo ito dahil nang kami ay nakarating na sa Imus, wala na ang puting FX sa aming likuran.

Ang plano ng mga pulis ay sadyang i-delay ang mga papunta sa Makati na manggagaling sa Kabite. Dahil nang nakita ng ilan sa aming mga guro ang “checkpoint” sa Zapote-Bacoor junction, halos 50 pulis na may kasamang militar, na kumpleto sa gamit at matataas na kalibre ng baril ang nakarahang doon. Isa-isa nilang pinapadaan ang mga sasakyan kada-15 minutos.

Wala namang ginagawang “checking” ang mga pulis, hinihintay lang nila na makalipas ang 15-minutos saka nila pinapatuloy ang BAWAT sasakyan. Malinaw na paglabag sa mga alituntunin sa pagsasagawa ng “checkpoint.”
 

Nakakulong sa Bacoor

Ito ang sitwasyon namin kahapon sa Aguinaldo Hi-way, tama nga ang pangalan ng kalsadang ito, kapangalan ang isa sa mga pinakamalaking taksil sa kasaysayan ng sambayanang Pilipino. Dahil kami ay pinagtaksilan ng mga Pulis. Sila na nanumpang “to serve and protect” the people.

Kalokohan!!!

Nalilimutan nilang ang kanilang suweldo, mga gamit, baril, uniporme, sasakyan at gasolina ay nanggagaling sa mga buwis na binabayaran naming mga mamamayan.

Mas malala pa sa Batas Militar!

Ang aming mga karapatan sa pamamahayag, paglalayag, sa impormasyon at tamang proseso ay garapalan, harap-harapan at walang habas na nilabag ng mga tao mismong ang tungkulin ay proteksyunan at paglingkuran kaming mga mamamayan.

Ang mga instrumento ng estado para sa ikabubuti ng taumbayan ay ginamit ng Administrasyong Arroyo na walang kasing halang ang bituka, itim ng budhi at kasamaan ng kaluluwa. Ngunit kami ay nagtagumpay►

 

"All our papers, driver's license and bus registration are legal and valid. We committed no traffic violations but we were still blocked. When we asked the policemen why we were blocked, they said it's because of some "hi-way law". We asked what "hi-way law"? They simply started to ignore us again as if we were not there."

     

▲"Col Posadas, PNP chief of Cavite’s plan is to lure all anti-GMA vehicles into Aguinaldo h-way where it is blocked at St Dominic Hospital (Bacoor-Zapote junction) by a bus across the road."▼

 

From Inquirer editorial, March 4, 2008:

------

About 30 busloads of students from Cavite province were denied entry to Manila when they reached the Coastal Road. At the boundary of Cabuyao and Calamba in Laguna province, policemen stalled several hundred activists for more than five hours before allowing them to go on their way to Makati.

In Quezon City, police agents blocked about 400 University of the Philippines students and professors who were on their way to join the rally. In some places in Cavite, buses reportedly "broke down'' and effectively blocked the flow of traffic to Makati. But people were asking why, if the buses developed engine trouble, they were positioned across the road and not parallel to the road.

These are just some of the incidents reported on radio, television and in the newspapers last Friday and Saturday. These acts of the military and the police reduced the number of participants in the rally in the center of the Makati business district.

-----

Click here to read entire editorial

 

 

▲"This is the white Toyota Tamaraw FX that harassed our 2 buses by deliberately blocking our paths. There were almost 3 instances that our bus almost collided with it."

The students alerted this media van on the harassment
     

Iniisip ni Col Posadas, ng driver ng puting FX at ng mga pulis na huramang sa amin na nagtagumpay sila sa pagharang sa amin, dahil hindi kami nakarating sa Makati. Totoo yun, at inaamin naming may mga pagkukulang sa aming bahagi.

Pero, tagumpay pa rin kami dahil ipinakita ng mga taga La Salle Dasmariñas na ang mga Kabitenyo ay hindi lahat taksil, kampon ng kasamaan, abusado at kontra-mamamayan. Ipinakita namin na ang mga Kabitenyo ay matatapang at lumalaban para ipagtanggol at igiit ang ating mga karapatan, kalayaan at hindi titigil hangga’t hindi nakakamit ang katotohanan at hustisya.

Ipinakita namin sa buong Pilipinas, kung gaano kasama, kagarapal, mapanupil, abusado at kurakot ang Administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo. Nakakalungkot lamang na naging kasangkapan ng kanyang kasamaan ang mga pulis sa Kabite.

Hindi man kami nakarating sa Makati upang magdasal at makiisa sa paghahanap at pagtatanggol sa ating mga kalayaan, karapatan, katotohanan at hustisya, pero sa 2 checkpoints kung saan kami ay hinadlangan, inabuso, ginipit at garapalang nilinlang ng mga alagad ng gobyerno, kami ay lumaban sa kaya naming paraan, ang mag-ingay, ikwento at ipamalita sa lahat, na sobra at sukdulan na sa kasamaan, panggigipit at opresyon ang gobyernong Arroyo.

Sa harassment at paglalagay sa panganib ng aming buhay dahil sa puting FX, ipinakita namin na walang pakialam ang gobyernong Arroyo, kahit pa may masaktan o mamatay na sibilyan, kahit estudyante, manatili lamang ito sa kapangyarihan.
Tuloy ang laban

Inaakala siguro ng administrasyong Arroyo na dahil sa munting tagumpay na ito ay panghihinaan kami ng loob at susuko na ng tuluyan. Nagkakamali sila. Lalo na ngayon na naranasan namin ang lubusan at garapalang kasamaan nito, ipagpapatuloy namin ang paninindigan at pakikibaka para sa katotohanan at hustisya.

Sa bawat pagbabahagi namin sa mga kwentong ito, dumarami ang mga namumulat sa katotohanang ang administrasyong Arroyo ay administrasyon ng kasamaan, kasakiman, pagpapahirap, at opresyon. Walang pakundangang binabastos at tinatapakan ang mga karapatan ng mamamayan handang manakit at kumitil alang-alang sa pagpapanatili nito sa kapangyarihan.

Umaasa kami na ang rali kahapon sa Makati ay simula pa lamang, at sa mga darating na mga araw, dadami at lalong lalakit ang mga mobilisasyon na ito. Hindi kami titigil hangga’t hindi nakakamit ng sambayanang Pilipino ang katotohanan at katarungan.

Ang mga estudyante, guro, administrador at relihiyoso sa De La Salle Dasmariñas at ang mga kasamahan naminsa Kabite ay patuloy na maninindigan at susulong para sa katotohanan at katarungan. Nagsisimula pa lamang ang ating paglaban!

 COMMENTS POSTED BY READERS OF THE BLOG
           

 

19 Comments from Friends and Readers

iRonnie Said in March 1st, 2008 @11:53 am

their folly will be their downfall. God! I’m hating this administration all the more! grrr..


Ade Said in March 1st, 2008 @6:08 pm

Holy crap.


noemi Said in March 1st, 2008 @7:46 pm

I kept my patience with GMA the past years. I am fed up already. Enough is enough.


Bendz Said in March 1st, 2008 @10:15 pm

Manila should always put to mind that they are not the only people living in this country.


Carlo Said in March 2nd, 2008 @12:32 am

I was stuck in Daang Hari yesterday on my home from Festival Mall because of the checkpoint near SM Molino.

It’s been 8 years and that’s enough for her. I believe this is the time for change. Not just in presidency but on all aspects of this country.


angelber Said in March 2nd, 2008 @1:16 pm

Hi, I’m a Lasallian from DLSU-M, and I was in Makati last Friday. When all schools were still in Don Bosco, it was announced that you guys were blocked.. and let me tell you this, you guys encouraged us more to march and rally! Not only Lasalle schools but other CEAP schools as well.

I may not be proud of our PNP but surely I am very proud to belong in the Philippine Lasallian Family.

I really hope this true story of suppression of rights and abuse of power will inspire our fellow Filipinos to join us in our FIGHT against INJUSTICE done by this ADMINISTRATION.

Let us all be the CHANGE we want to SEE…

God Bless the Philippines!!


Carlo Said in March 2nd, 2008 @3:54 pm

High angelber.. good to hear someone from DLSU-M was there…. :) I am actually thinking what Manila is doing about this issue since I haven’t heard anything…


MisterVader Said in March 2nd, 2008 @5:14 pm

This guy from ADMU supports you all. May this be a catalyst for action to everyone.


jhay Said in March 2nd, 2008 @6:46 pm

@ iRonnie: Agreed. Our struggle will be a great story to tell those who remain undecided that now is the time to make a stand.

@ Ade: Crap it is, Holy? It’s the work of GMA!

@ noemi: I had enough when I heard of “Hello, Garci?” Way back in 2004.

@ Bendz: It proves that people throughout the nation want to know the truth and for justice to prevail. GMA’s resignation is the price to pay.

@ Carlo: You’re lucky you only got stuck in traffic. We were detained arbitrarily, harassed and lied to face-to-face by the police themselves!

@ angelber: This will not deter us Lasallians from Cavite to continue with the struggle for truth and justice. We may not have been able to join you in Makati but our experience proved that we didn’t have to. We will fight oppression and tyranny every where.

@ MisterVader: Many many thanks and we support you our fellow Ateneans as well. This is a battle we could only win if we are united.
MyAvatars 0.2
Carlo Said in March 2nd, 2008 @7:04 pm

Let’s all unite and let our voices be heard.


Sonnie Said in March 2nd, 2008 @8:14 pm

I was on first year college when I joined People Power 1. ‘Twas a great moment for Filipinos. We were applauded around the world. But the 2nd PP we were laughed at because we terminated the democratic process and the mob won the day. When ERAP was ousted, majority of Filipinos are still for him. But pareto principle is at work, the noisiest ones in Manila won the day.

And we are paying the price for that until this day.

Everytime the democratic processes was trampled upon, our nation suffered greatly:

Cory got the power by revolution, as a consequence, her administration was also rocked by rebellion.

Gloria was given power by snatching it from ERAP, and look what is happening to us now…

If and Gloria will be ousted by extra constitutional means, may the next generation have mercy on the present ones as we do not know what havoc it may bring to us.

 

 

disclaimer: I did not vote for GMA nor a fan of GMA. I want the truth and am also against corruption. But half truths (being presented by protagonists and being hailed as heroes) are also lies. And politicians have their own hidden agenda.

This is just my 2 cents

Neil Said in March 2nd, 2008 @11:07 pm

Walang hiya talaga ang mga alipores ni Arroyo. DI ko na alam. Parang halang na talaga ang bituka niya’t nagagawa niya ito sa sambayanan. Ilan pa kayang kasinungalingan ang sasabihin nila para kanilang pagtakpan ang kanilang pinaggagagawa? At ngayon, some of our people are even reluctant to respond about it.

Nakakainis isipin na ganito na lang tayo kung paglaruan ng kasalukuyang poder. Sa bawat salitang babanggitin nila sa media, wala na kong pinapaniwalaan. Wala nang naniniwala sa kasalukuyang pamahalaan maliban sa mga nagmamarunong na nagsasawa na sa mobokrasiya diumano o sa mga nakatanggap ng greeting card mula sa Malacanang noong Pasko. Nakakapang-init ng ulo. Pinamumukha tayong tanga.

Di ko na rin alam kung ano na talaga ang dapat mangyari kung susundin natin ang due process dahil mismo ang mga nagpapasinaya nito ay hindi rin kapani-paniwala. Gusto ko lang mawala sa telebisyon ang mukha ni Arroyo na patuloy na dinedepensahan ang kanyang posisyon sampu ng kanyang pamilyang pumapapel sa gobyerno. Kung maaari lamang na ang Chief Justice na ang humalili…

Uminit nga pala ang ulo ko nung ma-receive ko ang iyong text message. Ninais ko man na magblog tungkol dito, naging abala ako sa trabaho. Siguro bukas o sa makalawa, makakapaglahad ako ng aking saloobin.

Walang hiya talaga sila. -_-


Amos Said in March 3rd, 2008 @8:44 am

Mga kapatid na Lasalyano:

Huwag nating kalilimutan ang mga taong dapat na panagutin sa isang hindi makataong karanasan noong biyernes. Maliban kasi sa EVIL BITCH, ay mayroon pang mga pulitikong sagad-sagaran ang pagpapakatuta sa administrasyong pinamumunuan ng mga sinungaling, magnanakaw at mamamatay tao. Isa diyan ang gobernador ng Kabite na si Ayong Maliksi kasama ng kanyang mga alipores na kung saan ay nasa Malacanang noong panahon na hinarang ang ating 2 bus. Ito ay upang ipakita sa EVIL BITCH ang kanyang walang patumanggang pagiging himud puwet sa pekeng presidente.

Kung sakaling nakalusot ang ating bus ay magmumukhang kahiya-hiya ang gobernador, kung kaya’t para maipakita na suportado ng mga kabitenyo ang rehimeng US-Arroyo ay kailangang ipaharang ng himud puwet na gobernador ang ating bus sa tulong na rin ng PNP (at ng Mayor ng Dasmarinas?).

Huwag din tayong maging kampante sa loob ng ating pamantasan, sapagkat kung may tuta si Gloria sa kabite sa pangalan ng gobernador (na kung saan ay nahaharap din sa mga kasong pagnanakaw), ang gobernador din mismo ay may mga tuta rin sa loob din mismo ng ating pamantasan. Isa na diyan ang isang administrador at iba pa na dati nang nagpamalas ng kanyang o kanilang pagkatuta mula pa noong panahon ng Hello Garci…siya o sila ang ilan sa mga mayayabang na makikitid na may mga sinasabing masama sa La Salle Brothers mula pa noong manawagan ang La Salle ng GMA Resign at magbuo ng Bukluran Calabarzon.

Hindi kaya ang ilang mga taga-DLSU-Dasma rin ang nagsumbong sa gobernador ng Kabite at Mayor ng Dasma ng tungkol sa pakikiisa natin sa Prayer Rally sa Makati?

Kung nananawagan tayo na papanagutin si GMA ay kinakailangan din nating ipanawagan at papanagutin ang mga himud puwet at ahente ng sinungaling, magnanakaw at mamamatay tao na pangulo - ang gobernador mismo, sa kanyang pagiging traydor sa interes ng kanyang mga nasasakupan at ang ilan sa mga AdministrAdor ng Ating pAmAntAsAn na traydor din sa prinsipyo at mga pinapahalagahan ng Lasalyanong Pamilya.

PATALSIKIN AT PAPANAGUTIN SI GMA KASAMA NG KANYANG MGA GANID AT HIMUD PUWET SA KABITE!

 

Amos Said in March 3rd, 2008 @9:04 am

Kung kaya nila itong gawin sa atin, ano pa kaya sa mga simpleng mamamayan ng bansa?

Sabagay, nagawa na nga nila ito kay J-LO at pati na rin sa mga biktima ng Extra-Judicial Killings.

Wala na ngang dahilan pa para manatili ang isang pamahalaang walang pagpapahalaga sa karapatang pantao!


Schumey Said in March 3rd, 2008 @9:37 am

There was word late in the rally that some of you made it to Makati. I laud your group not that I am a fellow archer but because the youth is finally stepping up to plate and making a stand. It’s your future that’s at stake and I am glad you’re at the forefront of the fight.


tannyg524 Said in March 3rd, 2008 @11:09 am

Nakalimutan ng mga pulis na ito at sinumang naglilingkod sa pamahalaan na sumusunod sa maling kautusan mula sa itaas na sila mismo ay BIKTIMA. Hinahayaan nilang yurakan ng ilang makapangyarihan ang kanilang PAGKATAO’T DANGAL.


Pakiusap: Kayo po ay lingkod at pasahod ng mamamayan at hindi aso ng Malakanyang. Hindi lahat ng inyong angkan, kapamilya at mga mahal sa buhay ay pulis o militar. Isipin n’yo rin sila at sila’y mga simpleng mamamayan. . Baka makita n’yo isang araw sila naman ang humihiyaw sa galit sa kanilang sariling naranasan o di kaya kayo’y itatwa’t hindi kakilala dala ng kahihiyan. Kaya ko sinasabi ito kasi ako rin ay may mga kaibigan na nasa inyong kalagayan, kaya pag-isipan kung ang inyong pagsunod ay makakbuti ba sa inyong kaluluwa at sa bayan.
 

           
           

Home

Send us your feedback