Crispin 'Ka Bel' Beltran:

Outstanding Fighter for National Liberation and Democracy

 

Part I      Part II

 

May 21, 2008

 

 

Marchers accompanied Ka Bel's hearse from Plaza Salamanca to the Iglesia Filipina Independiente Cathedral

 

/p

Google

/p
           
 


 

Sa Pamilya, mga  Kasama at Kaibigan ni Ka Bel:

 

Kasama ang progresibong hanay ng mga migranteng Pilipino sa Europe sa pagluluksa ng pamilya, mga kasama at kaibigan at ng buong sambayanan sa pagyao ni Crispin 'Ka Bel' Beltran noong ika-20 ng Mayo 2008.

 

Hindi matatawaran ang mahigpit at walang pag-iimbot na pagyakap at pakikipaglaban ni Ka Bel sa interes ng uring manggagawa, partikular sa pagpapahalagang ipinakita nya sa mga migranteng manggagawang Pilipino.

 

Sya ay malaking kawalan sa militanteng kilusang paggawa sa Pilipinas, sa makabayang kilusang nagsusulong ng pambansang kalayaan at demokrasya, at sa makabayang kilusan ng mga migranteng Pilipino.

 

Sumasaludo at nagpupugay kami sa kanyang kabayanihan bilang isang tunay na lider ng uring manggagawa, isang huwarang makabayan, bayani ng sambayanang inaapi at internayonalistang nagsusulong sa iisang mithi ng uring inaapi upang mapalaya ang sambayanan at buong daigdigan mula sa pagsasamantala at pang-aapi.

 

Mabuhay si Ka Bel! Mabuhay ang uring manggagawa! Mabuhay ang makabayang migranteng Pilipino!

Isulong ang pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya!

 

 

MIGRANTE Europe

Amsterdam, The Netherlands

Postbus 15687, 1001 ND Amsterdam

The Netherlands

 

 

 

 


 

 
           

Home

Send us your feedback