People's SONA - 6

 

Metro Manila:  Part 1     Part 2    Part 3     Part 4     Part 5    Part 6

 

Iligan City      Cagayan de Oro City      Zamboanga City    Bicol

 

Canada    USA   Utrecht    CPSHR (Vancouver)

 

July 28, 2008

 

 

   
/p

/p
Photos courtesy of UP AWARE (UP Alliance Working for Arroyo’s Removal)
           
           

 

SONA NG BAYAN

 

Damang-dama mo pa ba ang kahirapan o namamanhid ka na sa tila kawalang lunas ng ating kalagayan? Sukang-suka ka na ba sa pagmumukha ng pinakabulok at pinakamabahong pangulo sa ating kasaysayan? Kaya mo pa bang pagtiisang pakinggan ang kanyang SONA na litanya ng pambobola't kasinungalingan?

Mantakin mong pampitong taon na ni GMA sa kapangyarihan! Totoo nga talagang mas humahaba ang panahon kapag naiinip at kapag nabubuwisit, lalung-laluna kapag tulad ngayon na nanggagalaiti na ang sambayanan. Walang kahit anumang konswelo de bobo sa mahahabang taon ng pagkapit-tuko ng pekeng pangulo sa pwesto. Patuloy niyang nilulustay sa pag-ja-junket at pagpapasikat ang pondong magagamit sana sa pagmatrikula, pambaon, pampamasahe, pang-aklat ng mga kabataan.

Binubulsa ang dapat mapunta sa naghihingalong serbisyong panlipunan at nagpapakasasa sa kinurakot sa kabang-yaman habang naghihigpit ng sinturon tayong wala nang mabiling bigas na karamihan. Naghehelikopter paparoo't paparito para gumawa ng kung anuanong ma-anomalyang transaksyon samantalang wala nang pambayad ang mga pasahero para sa apat na kilometro.

Umuupa ng mga mamamatay-tao at nagpapa-kawala ng mga sundalo upang mandahas, magkidnap at pumatay ng mga mamamahayag, abogado, aktibista at ordinaryong tao.

Isang daang taon na ang Unibersidad ng Pilipinas!

Pero imbes na isabuhay ang progresibo nitong tradisyon upang singilin at papanagutin si Arroyo at ang kanyang pangkat ng magnanakaw ay pinagpaparaya sila ng mga patakaran sa pagtaas ng matrikula at sagadsarang komersyalisasyon.

Tulad din ng pambansang pamahalaan ay walang transparency sa maraming antas ng pangangasiwa ng pamantasan at hinaharangan pa nga ang kasalukuyang pakikibaka ng mga unyonistang manggagawa, REPS, guro at mag-aaral para sa higit na demokratiko at makataong pamamalakad ng pamantasan.

Ginigiba ang mga bahay ng mga maralitang naninirahan sa kampus na walang maayos at makataong plano para sa kanilang pagtitirahan.

Pinahihintulutan ang lahat nito ng bagong UP Charter na pangunahing kasangkapan sa pagtransporma ng pamantasan patungo sa pagiging isang ganap na korporasyon. Ang UP ay hindi na isang serbisyo kundi isa nang tuwirang negosyo.

Maghihintay pa ba ng dagdag na mga taon ng pagtitiis? Ramdam na ramdam na ngayon ang trahedya ng Unibersidad at ng bansa. Sumama na sa dumadagundong na sigaw ng nagagalit na mamamayan.

SUMALI NA SA SONA NG BAYAN
Presyo ng langis, ibaba at kontrolin! VAT, tanggalin!
Isabansa ang industriya ng langis!
P125 ATB, nationwide, ipaglaban
P3,000 ATB dagdag na sahod, ibigay na!
Badyet para sa edukasyon, dagdagan huwag bawasan!
Patalsikin si Gloria!

Pahayag ng UP Alliance Working for Arroyo’s Removal (UP AWARE) Ang UP AWARE ay itinayo noong Hunyo 16, 2005 bilang alyansa ng iba't ibang progresibong samahan at indibidwal sa UP
 

Download statement

 

   
 
 
       
       

 

 
 

Google