Book Launching:

Husgahan Natin by Atty. Remegio D. Saladero, jr.

 

 

February 13, 2009

 

 

   
/p

/p
           

 

Makabuluhang libro hinggil sa labang legal ng manggagawa
posted 16-Feb-2009
www.pinoyweekly.org
Darius Galang

KUNG malas man ang Biyernes Trese, hindi ito naramdaman nitong nakaraang Biyernes.

Matagumpay na inilunsad kasi noong araw na iyon ang Husgahan Natin, ang koleksiyon ng mga kolum ni Atty. Remigio Saladero Jr. Napuno ang ikatlong palapag ng Popular Bookstore ng mga nagsipagdalo mula sa iba’t ibang grupo at paaralan, kasama na ang San Beda, UP Diliman at Manila, at mga kasapi ng iba’t ibang unyon, grupo ng manggagawa at makabayang mga abogado. Kasapi na rin sa mga nagsipagdalo ang ilang indibidwal.

Pinasinayaan ang paglulunsad ng Prometheus Publishing Corp, ang tagapaglathala ng Pinoy Weekly kung saan lumabas ang mga akda ni Saladero, kasama ng National Federation of Labor Unions (Naflu) at Free Atty. Saladero Et Al Coalition.

Nagpasalamat si Romeo de Jesus ng Prometheus at nailabas rin ang aklat, na naglaman ng mga akda ng manunulat sa anim na taon ng paglabas ng Pinoy Weekly. Nagbigay din ng mensahe si Atty. Cookie Diokno mula sa Free Legal Assistance Group o Flag. Nagkuwento naman si Atty. Noel Neri ukol sa kasalukuyang lagay ng kasong isinampa sa may-akda, na bagamat nabigyan na ng court order para makalaya ay may nakaabang pang kaso na ihahan laban sa kanya. Ipinaabot rin ni Atty. Neri ang isang mensahe ni Saladero para sa mga nagsipagdalo.

Pabirong nagsampit naman ng kanyang “pagkakainggit” si Atty. Neri Colmenares dahil aniya’y nakapaglabas na ng aklat si Saladero, ngunit naipahayag niya ang kanyang paghanga sa kapwa abogado matapos ipaliwanag ng bahagya ang writ of amparo. Sa kanyang “inggit,” naipahayag niya ang kanyang paghanga kay Saladero, na aniya'y naisa-aklat na ang esensiya nito bilang isang “people's lawyer.” Idinagdag pa niya ang kahalagahan ng piniling adbokasiya ng manunulat upang mapagsilbihan ang mga mamamayan.

Huli ngunit pinakamahalaga ang pahayag ni Tony Pascual, pangkalahatang kalihim ng Naflu, ukol sa aklat. Aniya, at paulit-ulit na namutawi rin naman sa lahat ng nagsalita, ang kahalagahan ng aklat. Aniya, mabisa ang aklat upang malaman ang mga karapatan ng mga manggagawa.

Sa kahabaan ng maikling pasinaya, nag-alay ng awit ang Tambisan sa Sining at si Bobby Balingit mula bandang The Wuds para sa Artists’ Arrest. Nag-alay rin ng isang tula si Axel Pinpin ng Tagaytay 5.

Sa huli, umaasa ang mga namuno upang mailimbag ang Husgahan Natin na magsisilbi ang aklat bilang gabay ng mga manggagawa upang malaman ang kanilang batayang mga karapatan sa kanilang paggawa.

Maaaring mabili ang librong Husgahan Natin: Mga isyu at kasong manggagawa sa Popular Bookstore sa Tomas Morato Avenue, Quezon City

Romeo de Jesus ng Prometheus Publishing Corp, book publisher
Lito Ustarez, KMU
Anakpawis partylist Rep. Rafael Mariano
           
     

Atty. Cookie Diokno, Free Legal Assistance Group o Flag.

Atty. Noel Neri, legal counsel Atty. Neri Colmendares of NUPL
=          
==          
     
Tony Pascual, NAFLU  
     

 

Atty. Saladero, anim na lider-aktibista sa Timog Katagalugan, nakalaya na
posted 09-Feb-2009

NAKALAYA na noong Pebrero 5, si Atty. Remigio Saladero Jr., chief legal counsel ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at kolumnista ng Pinoy Weekly, mula sa Calapan City Provincial Jail matapos ang tatlong buwan na pagkakakulong.

Kasama niyang nakalaya ang lima pang kasama niyang inaresto at ikinulong na sina Nestor San Jose, Crispin Zapanta, Rogelio Galit, Emmanuel Dionida at Arnaldo Seminiano, pawang mga lider ng makabayang mga organisasyon sa Timog Katagalugan.

Naganap ang mga pag-aresto sa pagitan ng Oktubre 23 hanggang Noyembre 6 noong nakaraang taon.

Samantala, nakalaya rin si Leonardo Arceta, lider-manggagawa sa Laguna, na dinakip noong lamang Lunes, Enero 2.

Matatandaang bahagi sina Atty. Saladero ng tinaguriang Southern Tagalog 72 (ST 72), mga lider ng mga organisasyon ng magsasaka at manggagawa sa Timog Katagalugan na sinampahan ng anila’y “gawa-gawang mga kaso” noong Oktubre ng nakaraang taon.

Kabilang sa mga kasong sinampa ang frustrated murder at multiple frustrated murder kaugnay umano ng kanilang pananambang sa kapulisan at pagpapasabog ng mga cell site sa Batangas at Mindoro.

Sa mga naunang pahayag ni Atty. Saladero, ilegal ang pagkaka-aresto sa kanila. Gayundin, depektibo ang mga kaso, maging ang paraan kung paano ito isinampa laban sa kanila.

Inilabas ng Mindoro Oriental Regional Trial Court ang release order ni Atty. Saladero at anim pang aktibista, tanghali ng Pebrero 5.

Sinang-ayunan ng nasabing korte ang pahayag ng abogado na hindi maaaring pasama-samahin ang iba’t iba pagkakasala, halimbawa ang frustrated murder at multiple frustrated murder, sa iisang kaso.

Kaya naman nagbigay-daan din ang korte sa sinampang motion to quash the information ng grupo nina Atty. Saldero.

Ayon sa Executive Vice President ng KMU na si Joselito Ustarez, titiyakin nilang “ganap na ang paglaya nina Atty. Saladero at maibabasura na ang gawa-gawang mga kaso sa kanila.” Bagama’t nakalaya na sina Atty. Saladero ay hindi pa rin binabasura ang mga kasong kriminal laban sa ST 72.

Ayon naman kay Joel Manglunsod ng Anakpawis Party-list, ang paglaya nina Atty. Saladero ay “tanda ng paunang tagumpay ng mga mamamayan laban sa terorismo ng Estado.” Gayundin, ani Maglunsod, “tagumpay ito ng mga nakikipaglaban para sa karapatang pantao.”

Kaugnay nito, maglulusad ang Anakpawis at iba pang makabayang mga organisasyon ng mas matinding kampanya laban sa Oplan Bantay Laya 2 na target umano ang mga legal na aktibista gaya nila.

Nananawagan din ang grupo sa paglansag sa Inter-agency Legal Action Group na siya umanong nasa likod ng “paggamit ng batas upang supilin ang nagtatanggol ng karapatan ng mamamayan at lumalaban sa mapanupil na gobyerno.”

Ayon kay Atty. Saladero, masaya siya ngayong nakalaya na sila at mahaharap na muli ang mga usapin ng mga manggagawa laluna sa kasalukuyang panahon na talamak ang tanggalan sa mga pagawaan.

Jeffrey Ocampo

 

     
Axel Pinpin and Buddy Balingit
     
Tambisan sa Sining
           

 

Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR)
Rm. 702 Culmat Building 127 E. Rodriguez Sr. Avenue, Brgy. Mariana, Quezon City
Telefax: 632.411.0256 email address: ctuhr.manila@gmail.com
www.ctuhr.org


PRESS STATEMENT
February 16, 2009
Reference: Daisy Arago, CTUHR Executive Director - , 09217158236
Maricel Saladero, FASC Spokesperson - 09084439039

Legal offensive strikes again, Atty. Saladero et al facing new murder charge, to seek writ of amparo

Barely a week after Atty Remigio Saladero Jr. and five other activists were released on February 5, from three month detention in Oriental Mindoro on charges of multiple murders and frustrated murder, another murder case welcome them, cutting the reunion with their families short and halting attempts of resuming their work in their organizations.

Maricel Saladero, Atty Saladero's wife and spokesperson of Free Atty Saladero et al coalition narrated that Atty Saladero was just beginning to review his unattended cases at his office in Quezon city, when a friend lawyer informed him that his name again appeared in a murder case, filed in Rodriguez, Rizal province, (Southern Tagalog region) tens of miles away from Mindoro. "We haven't thanked yet those who supported us in the campaign for his release and here is another case, Maricel lamented.

The case involved the killing of Ricky Garmino, 37 and member of Civilian Auxiliary Forces Geographical Unit (CAFGU)—a paramilitary group- in Rizal, allegedly by Narciso Antazo Aramil Command, also known as the CPP-NPA-Rizal Command on July 29, 2008.

Except for Arnaldo Seminiano of IBM-KMU, the other Mindoro detainees released on February 5 such as Nestor San Jose, diabetic Rogelio Galit, Crispin Zapanta and polio victim Emmanuel Dioneda, and the rest of 72 Southern Tagalog activists were implicated in the alleged Rizal murder case.

In a sworn statement dated July 30, 2008, at 2:30 pm, Adelia Garmino, victim's wife and complainant alleged that she saw her husband tied and being taken outside their house away by more or less 30 men in soldier's uniform and some were in civilian clothes. While her husband was struggling he was shot by men whom she alleged as New People's Army (NPA).

In a separate statement, a certain Braulio Tambong y Bustamante, alleged witness testified in a statement dated August 01,2008 that men and women who introduced themselves as soldiers went inside the yard and killed Ricky Garmino. When asked if he remembers or recognize any of them, he testified that he was able to recognize the perpetrators that include Atty Remigio Saladero because the victim, Ricky Garmino always mentioned their names and features to him during their conversation. He did not say that he had seen the accused before the incident, but was able to recognize their names and aliases at the time of the alleged crime.

Ronnie Garmino, the victim's brother and witness to corroborate the allegation of Adelia Garmino has a more fantastic memory. He testified that prior to the killing, the victim was visited thrice by some elements of the said NPA command and he was able to remember almost all of their faces. Ricky Garmino allegedly warned him that he would be sentenced to death due to his involvement in CAFGU.

He narrated that around 1:00 o'clock in the afternoon of July 29, he saw his brother who was tied up and being carried to a stream where he was hiding. He recognized the two men carrying his brother as Nestor San Jose and Romie Aguilar, and the one who shot Ricky at his left shoulder as Julio Atienza. According to Ronnie, there were about 20 NPA rebels who accompanied Atienza in killing his brother. He identified the 70 names and their alleged aliases, in the same order as they were written in the information for the Mindoro multiple murder and frustrated cases. The case is filed at the Rizal Provincial Prosecutor's Office, Pasig city, Metro Manila.

 

 

It could be recalled that prior to Mindoro multiple murders and frustrated murders case, Atty Saladero and 27 other labor, community, peasants and peoples organizations leaders were slapped with arson, destruction of property and conspiracy to commit rebellion in connection with burning of telecom towers allegedly by the NPA in Batangas on August 3,2008. The 27 were also accused in Mindoro case.

"For a fulltime lawyer, a columnist, resource person in paralegal training, a diabetic and survivor of two strokes, such allegations against Atty Saladero are incredibly unbelievable if not plain stupid. You see a pattern here, all the 72 accused except for two persons are the same accused in Rizal murder case. This is an incredible coincidence, if you can call it that. What is patent here, is a ridiculous desperation to persecute Atty Saladero and other activists, says Daisy Arago, Executive Director of the Quezon city-based labor rights organization, Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) and convener of Free Atty Saladero et al Coalition or FASC.

It is really absurd that human rights defenders like Atty Saladero and five others get arrested and detained for several months for trumped up charges, released on technical grounds only to be surprised by another murder case linked to an alleged NPA activity in another province and forced to live a life on the run. The government's use and abuse of the law may have spared the lives of the organizers, labor advocates and leaders of peoples' organizations –- the same group of people who were victims of extrajudicial killings-- to do their work in the midst of unemployment, poverty and hunger. This tactic, however is immobilizing them and this has to end immediately, added Arago.

Using the law to do illegal things

In a press conference held on February 6, 2009, a day after he was released from jail, Atty Saladero stated that "Ang ginagawa ng gobyerno actually ay nagpapakita kung paano gamitin ang legal na proseso para gawin ang ilegal na bagay (What the government is doing actually shows how the legal process could be used to do illegal things)."

"Hindi kami tatahimik lamang kundi mag-iisip kami ng paraan para huwag nang maulit ang mga ganitong sitwasyon (We will not just keep our mouth shut but will think of a way so that these situations won't happen again)," Atty. Saladero added.

Meanwhile, the day the Rizal murder case was known to Atty Saladero's colleagues, (Feb 11) police mobile patrol cars drove around Saladero's office at E. Rodriguez Avenue, Quezon city. Tinted vehicles without plate numbers and motorcycles frequented the area. Suspicious-looking men watching the entrance and clients going inside and outside the office were spotted. This reminded of the intensified surveillance placed on on Prolabor Legal Assistance Center or PLACE office on October 2006 and 2007 by suspected Army intelligence units. The suspicion was confirmed when a company guard arrested PFC Rommel Santiago, an army intelligence operative who followed PLACE clients from their office in Quezon city down to Taguig, a municipality around 30 km south of Manila, on October 6,2006.

Writ of amparo

"They will continue and will surely find way to detain them again," said Atty Noel Neri, Saladero's lawyer and colleague at PLACE said during the book launching of Atty Saladero's HUSGAHAN NATIN (literally means, let us judge) a compilation of his articles in Pinoy Weekly last February 13.

To seek protection from the court, Atty Saladero and his group of lawyers are filing a petition for writ of amparo at the Supreme Court, today, February 16.#

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
The Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) is an independent NGO
based in Quezon city, Philippines, engaged in documentation & monitoring of human
rights violations committed against workers. It conducts research, information and
supports advocacy campaign for workers' rights promotion and protection.
For more information, call or fax:632.4110256
or visit www.ctuhr.org

 

 

**          

 

 
 

Google