Iligan City and Valencia, Bukidnon:

Protest against Con Ass and Cha Cha

 

June 10, 2009

 

 

Nnoise barrage & ligthning rally against charter change

Liga ng Kabataang Moro Lanao Chairperson Aida Ibrahim against CHA-CHA

   
/p

/p
Photos courtesy of Rural Missionaries of the Philippines-Northern Mindanao Sub-Region (RMP-NMR)
           

 

NO TO CON ASS!
NO TO GLORIA'S CHA CHA!
A Statement of the National Clergy Discernment Group (NCDG)

As members of the clergy committed to our prophetic task and stewardship role among our people, we regard the Constitution of the Philippines as the embodiment of our nation’s aspirations. Its integrity must be respected and all the efforts to amend any of its provision must take into account the people’s participation through duly-constituted bodies and given the right and enough time to work on the desired amendments.

We denounce any scheme to have any part of it changed before the national elections 2010. We condemn the move of Congress that railroaded the passing of HR 1109. We question the self-serving interest of anti-people dynasties who are responsible for manipulating the charter changes to perpetuate themselves to power

 

We support the call of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) to protest all devious means to use charter change as an opening for our unmitigated sellout of the Philippine sovereignty and patrimony.

We reiterate the fundamental principle of respect for the dignity and sovereign will of the Filipino people and our commitment to serve the interest of the poor and marginalized among them.

Just as Jesus was the voice of the voiceless of his time, so are we to become for our people, NOW.

Reference:
Msgr. Manuel Gabriel (0920-9005073)
Convenor
National Clergy Discernment Group
10 June 2009

LFS-IIT Sec-Gen Jesson Bael against CHA-CHA
Bayan Muna Coordinator Kristian Mark Urbano against CHA-CHA
           
     

Bayan Muna Coordinator Kristian Urbano against CHA-CHA3

Anakpawis Lanao Sec-Gen Mancio Satura against CHA-CHA

Kabataan-Lanao Sec-Gen Klein Sobrepena against CHA-CHA

Tatay carlito with his 2 year old child light a candle against CHA-CHA

 

Kambal sa Uma ni Gloria, Glory against GMA's Cha-Cha

=          
==          
     
 
Noise barrage & lightning rally against cha-cha2 noise barrage  
     
           

 

Mga Artista ng Bayan, Kapit-bisig Laban sa ConAss!
10 Hunyo 2009
Concerned Artists of the Philippines (CAP)

KABABAYAN, BINABATI KITA! SA HARAP ng kakapalan-ng- mukha ng mga alyado ni Gloria Arroyo sa Kongreso na ilarga ang panukalang Constituent Assembly o Con-Ass para manatili sa poder ang pekeng pangulo at pati sarili nila mismo, hindi ka nanahimik, nagsawalang- kibo at tinanggap na lamang ito. Tumindig ka. Nagsabi kang “hindi na ito maaari; sobra na ang mga ganid na pulitiko”. Nagpasya kang kumilos. At ngayon, sama-sama tayong laksa-laksang Pilipinong nagkakaisa dito sa Makati , Cebu, Davao , Baguio at ilan pang mga lugar sa ating mahal na bayan upang protestahan at sipain ang ConAss..

Sa pagtipon muli natin ng makapangyarihang lakas ng sambayanan, nagpasya tayong simulan ang muling paglikha ng kasaysayan. Nagpasya tayong simulan na ang tuluyang pagwawakas ng isang rehimeng pahirap, magnanakaw, mandaraya, berdugo, sinungaling at sagarang tuta sa dayuhang imperyo. Kaisa kaming mga artista ng bayan sa makasaysayang paglalakbay na ito ng taumbayan tungo sa inaasam na panlipunang pagbabago. Kaming mga manggagawang pangkultura -- mang-aawit, manunulat, makata, pintor, potograpo, manlilikha ng pelikula, ilustrador, mga nagtatanghal sa entablado, telebisyon at pelikula, mga alagad ng sining at kulturang Pilipino – ay kasama ng malawak na masang Pilipino, ay hindi na papayag na muling manaig ang isang tirano sa ating bansa. Kaisa kaming lumalaban sa mga pagtangkang agawin muli ang mga demokratikong tagumpay ng bayan – gaya ng kalayaang makapagpahayag – na pinagbuhusan ng dugo, pawis, at di-matatawarang sakripisyo ng masang nakibaka. Kaisa kaming papalag sa maitim na balak ng mga dayuhang mandarambong na tuluy-tuloy nang lustayin ang likas na yaman at rekurso ng ating bansa para magkamal ng superganansya ang iilang superganid.

Ang marubdob na pakikiisa ng mga alagad ng sining at manggagawang pangkultura sa pagsisikap ngayon ng taumbayang gapiin ang pakanang Con-Ass ng rehimeng U.S.-Arroyo ay pagpapatuloy ng mayamang pamana ng paglilingkod ng artistang Pilipino sa sambayanan at sa dakilang pakikibakang bayan para sa tunay na demokrasya. Gaya ng pagsuong ng mga artista ng bayan sa paglaban sa diktadurang Marcos hanggang maganap ang EDSA Uno, sa paglaban sa tiwaling gubyerno ni Erap hanggang maganap ang EDSA Dos at ang patuloy na pagiit natin sa ating karapatan sa pamamahayag at kalayaang pansining. At tulad sa mga panahong ito, pati na ang mga nauna pang dakilang laban ng Pilipino laban sa kolonyalismong Kastila, imperyalismong Amerikano at pasismong Hapon, tumatalima din ang kasalukuyang henerasyon ng mga alagad ng kultura’t sining sa pakikipagbigkis sa taumbayan para bigyang-wakas na ang kasalukuyang madilim na kabanatang ito sa ating kasaysayan.

Kayat, kababayan, asahan ninyong sa mga susunod na araw, linggo at buwan, mamumulaklak muli ang mga tula , awit, pagtanghal, pelikula, sulatin, pinta’t litrato ng taimtim na paglaban. Pagyayamanin muli ang pamana ng kultura ng pagtutol ng ating mga ninuno. Pagsasaluhan muli natin ang mga likhang taglay ang palabang diwa ng bayang Pilipino. At dadagsa muli ang mga artista ng bayan sa lansangan kabisig ang sambayanan hanggang makamit natin ang isa na namang magiting na demokratikong tagumpay laban sa mga pwersa ng pagsasamantala’t pang-aapi. Kaya’t kababayan, halina, mag-isang palad nating harapin ang mga pagsubok tungo sa pagsalubong sa tunay na kalayaan para sa ating mahal na Bayan!

ARTISTA NG BAYAN! TAYO NANG LUMAHOK SA PAGHUBOG KASAYSAYAN! LABANAN ANG CHACHA! PATALSIKIN SI GLORIA!
 

     
No to Cha Cha rally
     
           
           
Anti Cha-Cha rally

in Valencia, Bukidnon

     
     
**          

 

 
 

Google