People's SONA 2009 in Amsterdam, The Netherlands

 

July 27, 2009

 

 

   
   
/p

/p
Photos courtesy of Rice and Rights Network
           
           

 

ENOUGH IS ENOUGH! ARROYO MUST GO!
 

On the occasion of Pres. Arroyo’s SONA on 27 July 2009, we declare our firm opposition to the scheme of Arroyo and her allies in Congress to convert congress into a constituent assembly (ConAss) to amend the constitution. Through the ConAss Arroyo hopes to prolong her hold on power, open the doors to further exploitation of the country’s resources by foreign vested interests, allow the basing of US troops on Philippine soil and remove the democratic provisions in the 1987 constitution won in the struggle against the Marcos fascist dictatorship.

Arroyo is dubbed by the latest Pulse Asia survey as the “most distrusted” among Philippine government officials. The people consider her as an illegitimate president having cheated in the 2004 elections with the help of generals whom she later awarded with juicy posts.

Her government was listed in the 2008 World Bank report as among the “most corrupt” in the world. Her husband, Mike Arroyo, and son, Mikey Arroyo are widely known to be involved in corruption scandals such as the Diosdado Macapagal Highway scandal, Fertilizer scam, hybrid rice program scam, Jueteng scandal, ZTE anomalous deal and others.

United Nations Special Rapporteur on Extra-judicial killings Professor Philip Alston recently censured Arroyo’s government for failing to put an end to extra-judicial killings. In his report to the 11th session of the Human Rights Council in Geneva , Switzerland, he further said that forced disappearances and illegal detentions remain all too common, as does the bringing of trumped up charges against Filipino activists and human rights abuse victims.

On June 10, tens of thousands gathered in Makati city to express their firm opposition to the Con-Ass resolution. Anti-Con-Ass rallies were also held in many cities across the country. A broad cross-section of Philippine society oppose the ConAss.

We, Filipino migrants in the Netherlands, express our unity with the Filipino people in their struggle against tyranny and oppression. Nine years of Arroyo is enough. Enough of nine years of high unemployment, high prices and low wages! Enough of nine years of shameless corruption! Enough of nine years of extrajudicial killings, disappearances, illegal arrest and detention and persecution of unarmed leaders and members of progressive mass organizations working for social change! We join our people in making the call: Tama na! Sobra na! Gloria, Tapos ka na!


Signatories:
Pinay sa Holland
Kabalikat
Migrante Sectoral Party – NL
Nederlands-Filippijnse Solidariteitsbeweging (NFS)
Migrante NL
Migrante Europe
 

     
           
 Petition signing and komiks leaflet distribution
           
=          
==          
           

 

Migranteng Pilipino sa Netherlands ayaw sa Cha-Cha
Ni Consie Taguba-Lozano
27 Hulyo 2009

Amsterdam, the Netherlands -- Sa pangunguna ng iba’t-ibang organisasyon sa ilalim ng Rice and
Rights Network, naglunsad kaninang hapon ng kilos-protesta ang mga migranteng Pilipino sa The
Netherlands bilang pagkondena sa State of the Nation Address o SONA ni Gloria Arroyo. Ang
kilos-protesta na ginanap sa Dam, sa sentro ng Amsterdam, at tumagal ng isang oras, ay simbolo ng pagpapahayag ng mga Pilipino ng kanilang disgusto sa pamumuno ni Arroyo at sa pagtutol nila sa Charter Change o Cha-Cha.
 

Ayon kay Rami Compra, Pangulo ng Migrante-Netherlands, tutol siya sa Cha-Cha sapagkat ayaw
na niyang manatili pa si Gloria sa pagkapangulo. “Walang nagawa si Gloria para sa mga migrante,” dagdag ni Compra. “Araw-araw, parami nang parami ang umaalis ng bansa dahil sa walang trabahong makuha sa Pilipinas.”
 

Para naman kay Rhys de los Santos, isang kabataan na lumaki na sa Netherlands ngunit aktibo sa mga isyu sa Pilipinas at myembro ng LINKAP, sumama siya sa rali bilang pakikiisa sa mga
kababayan sa Pilipinas na pinapahirapan ni Arroyo.
 

Gayundin, gusto nyang ipakita na ayaw niya sa Cha-Cha dahil papayagan nito na
mamuhunan at magmay-ari ang mga dayuhan ng 100 porsyento ng mga likas na yaman ng
Pilipinas.
 

Isa pang kabataan, ang 12 taong gulang na si Kyle Baleva, ay ayaw rin kay Gloria Arroyo dahil
korap ito. At magpapatuloy lamang ang pagiging korap ng gubyernong Arroyo, ayon sa kanya,
kapag naaprubahan ang Cha-Cha.
 

Si Baleva ay sumali kamakailan sa bantog na apat na araw na walkathon sa Nijmegen, The
Netherlands, tinaguriang The Walk of the World, para mangalap ng donasyong ibibigay sa mga
batang biktima ng paglabag sa Karapatang Pantao sa Pilipinas.
 

Ayon naman kay Maitet Ledesma ng Ibon-Europe at Pinay sa Holland, ang layon ng pangkating
Arroyo sa pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas ay para sa ganansya ng
mga dayuhan. “Wala nang matitirang Pilipinas para sa mga Pilipino,” aniya.
 

Matapos sumayaw sa saliw ng gangsa, mamahagi ng polyetong komiks at ang malakas na pagsigaw ng “No to Cha-Cha, Oust Gloria” ay mapayapang nilisan ng mga migranteng Pilipino ang lugar ng kilos-protesta.
 

Ang mga myembrong organisasyon sa ilalim ng Rice and Rights Network ay ang Kabalikat, Liga
ng Kabataang Pilipino (LINKAP), Dutch-Filipino Solidarity Movement (NFS), Migrante-
Netherlands, Migrante Sectoral Party at Pinay sa Holland.

 

     
     
           
           
           
**          

 

 
 

Google