KADAMAY urban poor forum:

Pagbangon mula sa unos, at hamon ng KADAMAY sa mga presidentiables

 

CSWCD auditorium, UP Diliman campus

 

Nobyembre 22, 2009

 

 

           
     
     
   
/p

/p
 
           
           

 

 

 

Saturday, November 21, 2009

Mahigit 100 lider-maralita, nakatakdang pagkaisahan ang Disyembre 3 kilos-protesta bukas


Urban Poor Forum: ‘Pagbangon Mula sa Delubyo’
Mahigit 100 lider-maralita, nakatakdang pagkaisahan ang Disyembre 3 kilos-protesta bukas

MEDIA ADVISORY / NEWS RELEASE
Nobyembre 21, 2009

Mahigit 100 lider-maralita ang nakatakdang magtipon bukas, sa gaganaping urban poor forum na pinamagatang ‘Pagbangon Mula sa Delubyo’, upang pagkaisahan at pormal na itakda ang pambansang koordinadong protesta ng maralita sa Disyembre 3.

Matatandaang unang ipinanawagan ito ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), pambansang alyansa ng mga maralitang-lungsod, noong Nobyembre 6 upang igiit ang “trabaho, kabuhayan, tirahan, at hustisyang panlipunan” makaraan ang trahedyang hatid ng sunod-sunod na mga bagyo, at upang “idiin sa pamahalaan ang mga kagyat at pangmatagalang demands para sa pagreresolba ng kahirapan, na siyang tunay na nasa likuran ng matinding pinsala at pagkawala ng buhay sa nagdaang mga kalamidad.”

Isang hamon din ang ipaparating sa mga ‘presidentiable’ na gawing sentral na agenda sa kanilang pagtakbo ang mga panawagan ng maralita, at kung hindi ay huwag na umano silang “umasa” sa suporta ng sektor.

‘Pagbangon Mula sa Delubyo’
Magsisilbi din ang forum bilang pagbabalik-tanaw ng maralitang-lungsod sa pananalanta ng bagyong ‘Ondoy’, sa “kapabayaan ng pamahalaan na nagbunsod sa matinding pinsala at sa nananatiling kasalatan ng mga hakbang para sa pagbangon ng mga nasalanta.”

Kabilang sa mga paksang tatalakayin ay ang palyadong ‘urban planning’ ng gubyerno at ang kwestyon ng pagiging sanhi diumano ng pagbaha ang mga maralitang komunidad sa gilid ng mga floodways at waterways (Engr. Ramon Ramirez, AGHAM); usapin ng pautang at Official Development Assistance (ODA) mula sa ibayong dagat, kaugnay sa paggamit dito para sa relief at rehabilitation; programang balik-probinsya ng pamahalaan para sa mga nasalanta; emergency employment, at iba pa.

Sa pagtatapos ng forum, tatatakan ang resolusyon para sa Disyembre 3 protesta, at magsasagawa ng torch parade ang higit 300 katao na inaasahang dadalo tungo sa Commonwealth Avenue (cor. Tandang Sora), upang magdaos ng noise barrage at anunsyo sa madla para sa Disyembre 3.

Kalahok din sa aktibidad ang mga lider-unyon sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno at mga lider ng Anakpawis Partylist, na sila ring mamumuno sa gaganaping Disyembre 3 pambansang koordinadong protesta. ##

_____________________________________________________________________
MEDIA ADVISORY

URBAN POOR FORUM
Pagbangon Mula sa Delubyo: Ipaglaban ang Trabaho, Kabuhayan, at Hustisyang Panlipunan!
3/F Bulwagang Tandang Sora, College of Social Work and Community Development (CSWCD), UP Diliman
Bukas, Nobyembre 22, 10 AM – 5 PM

Photo-Op (10 AM): Hamon sa mga ‘Presidentiable’
Hahanay ang mga lider-maralita at tatanganan ang mga malalaking placard na may larawan ng mga ‘presidentiable’, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:

(Noynoy) DI KA MAG-IISA… ‘PAG MAY REPORMA SA LUPA!
(Fernando) BAYANI KA… ‘PAG MAY TIYAK AT DISENTENG PANINIRAHAN!
(Gibo) GALING AT TALINO… SA PAGTUGIS KAY ARROYO!
(Chiz) BAGONG PAGBABAGO… ‘PAG MAY BATAYANG SERBISYO!
(Villar) SIPAG AT TIYAGA…SA PAGLIKHA NG TRABAHO!
(Erap) PARA SA MAHIRAP… ANG MURANG BILIHIN!

... bilang hamon sa mga ito na gawing sentral na agenda sa kanilang pagtakbo ang mga panawagan ng maralita.

Rally (6 PM, pagkatapos ng forum): Torch Parade tungo sa Commonwealth Ave (cor. Tandang Sora)
Noise barrage at panawagan sa madla na lumahok sa Disyembre 3 pambansang koordinadong protesta, isasagawa ng higit 300 katao mula sa forum.

For further details, please contact Jon Vincent Marin, PIO, Kadamay 0910.975.7660

 

 

     
Mga lider maralita at mga kuwento at ulat hinggil sa mga nasalanta ng bagyyo at baha
     
     
           
     

x

Thursday, November 19, 2009

 

‘Hanggang kailan mauulit ang mga ganitong eksena?’

Pahayag hinggil sa marahas na demolisyon sa Baclaran noong Nobyembre 18, 2009

Buong galit na kinundena ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang naganap na marahas at madugong demolisyon sa Baclaran kahapon, kung saan 12 katao ang sugatan kabilang ang pitong Muslim na residente at isang pitong taong gulang na bata, at hinamon ang pamahalaan kung kailan nito mawawakasan ang matinding suliranin ng mga maralita sa paninirahan.

“Hanggang kailan mauulit ang ganitong mga eksena, ng karahasan sa demolisyon at mala-hayop na trato sa mga maralita?,” ani Leona ‘Nanay Leleng’ Zarsuela, tagapangulo ng grupo. “Napakahirap bang unawain ang problemang ito? Ganito na ba ka-walang puso at utak ang gubyerno, na kaya nilang ganituhin ang mga naghihikahos na nga sa buhay, at hindi nila naiisip na kagagawan din nila at pagkukulang kung bakit marami ang napipilitang maging iskwater?

“Napakahirap bang maglaan ng maayos at disenteng tirahan, isang makataong programa ng pabahay, kaysa itaboy na lamang ang mga maralitang-lungsod na parang aso?” dagdag pa niya.

Ayon din sa lider, matagal at paulit-ulit na rin nilang idinudulog, ipinapanawagan, at isinisigaw sa lansangan ang pangangailangang ito subalit nananatiling bingi ang gubyerno, maging ang mga lokal o pambansang pamahalaan.

Panawagan ng grupo, agad imbestigahan ng Commission of Human Rights (CHR) at Kongreso ang naturang insidente, at panagutin ang mga awtoridad na may utos at pakana dito. Samantala, dapat din umanong i-‘blacklist’ ng taumbayan ang lahat ng upisyal na may kinalaman sa marahas na demolisyon, upang hindi na maihalal sa nalalapit na halalan (para sa mga pulitiko) o masibak sa tungkulin ang mga namuno sa operasyon.

Dagdag pa, idiniin ng Kadamay ang pangangailangan sa isang “kumprehensibong” programa ng pabahay para sa mga maralitang-lungsod, na makapaglalaan ng “disente at tiyak” na paninirahan para sa mga ito. Nakaugat din umano ang usaping ito sa malawakang kawalan ng trabaho at kabuhayan sa bansa, na siyang nasa likod ng matinding kahirapan at pagkatali ng marami sa ‘informal’ o ‘illegal’ settling.

“Ang pinakamalaking krimen sa lahat ay ang pagbubulag-bulagan ng gubyerno sa realidad na ito, na pawang pananagutan din niya ang itinuturing niyang malaking ‘problema’ ng squatting. Itaboy mo man sila nang itaboy, hanggang sa puntong sasaktan at dadahasin mo na sila, subalit nananatili silang mahirap at wala pa ring pagpipilian kundi ang manirahan sa mga ipinagbabawal na lugar. Paano masosolusyunan ang problemang ito?,” ani Nanay Leleng.

Kaalinsabay naman ng insidente ang pagtulak ng mga maralitang-lungsod ng Timog Katagalugan dito sa Maynila kaugnay din sa mga isyu ng demolisyon at pagpapalayas sa kanilang rehiyon, bagay na nagpapatunay sa “lawak at saklaw” ng problemang ito, ayon sa grupo. Nakatakda ngayong araw ang protesta ng Kadamay-Laguna sa tanggapan ng Housing and Development Coordinating Council (HUDCC), matapos magpalipas ng gabi na naka-vigil sa harapan ng National Housing Authority (NHA).

Matatandaang ang Kadamay-Southern Tagalog ay ang grupong nagprotesta laban kay Vice President at HUDCC Chair Noli De Castro sa isang forum na dinaluhan nito sa UP-Los Baños, at siya namang tinawag na ‘KSP’ at ‘mga tamad’ ng huli. ##

For further details, please contact Jon Vincent Marin, PIO, Kadamay 0910.975.7660

 

     
     
           
     

Arnold Padilla, BAYAN PIO:

Pangekonmiya at panglimpunan epekto ng Ondoy at Pepeng

RC Asa, KMU PIO:

Mga hakbangin ng rehimen kaugnay ng kalamidad

Natalie Pulvina, AGHAM:

Krisis ng klima sa Pilipinas

=          
==          
     
 

Ramon Ramirez, AGHAM:

Mga teknikal na isyu kaugnay ng bahay

at trahedya dulot ng bagyong Ondoy

Vincent Marin, KADAMAY PIO:

Ulat hinggil sa mga protestang pagkilus ng KADAMAY:

Randy Evanglesita, Anakpawis PIO:

Ulat hinggil sa relief operations

           

x

Friday, November 6, 2009

Kadamay, nanawagan ng pambansang koordinadong protesta sa Disyembre 3

 

Para sa ‘Trabaho, Kabuhayan at Hustisyang Panlipunan’ pagkaraan ng mga trahedya

Humugos sa lansangan sa iba’t ibang mga lungsod sa kapuluan, upang ipanawagan ang Trabaho, Kabuhayan at Hustisyang Panlipunan.

Ito ang ipinanawagan ngayon ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), pinakamalaking alyansa ng maralitang-lungsod sa bansa na magdiriwang bukas ng ika-11 anibersaryo ng pagkakatatag, sa lahat ng pormasyon at tsapter nito sa iba’t ibang mga siyudad at rehiyon, lalo umano ang mismong mga biktima ng mga nagdaang trahedyang hatid ng bagyong ‘Ondoy’ at ‘Pepeng’.

Ang petsa: Disyembre 3, na pumapatak sa taunang ‘Urban Poor Week’ ng pamahalaan.

“Hindi pwedeng palagpasin ang yugtong ito ng ating kasaysayan nang walang malakihan at matinding paniningil sa gubyerno, para sa kriminal na kapabayaan nito sa mga maralita na lalong umigting at tumingkad sa nakaraang mga trahedya,” ani Leona ‘Nanay Leleng’ Zarsuela, pambansang tagapangulo ng Kadamay. “Higit pa, ibinunsod ng mga trahedyang ito ang pangangailangang idiin sa pamahalaan ang mga kagyat at pangmatagalang demands para sa pagreresolba ng kahirapan, na siyang tunay na nasa likuran ng matinding pinsala at pagkawala ng buhay sa nagdaang mga kalamidad.”

Narito ang pangunahing mga panawagang ilalatag sa nasabing protesta:

· Kagyat na tirahan para sa mga nawalan ng tahanan at nasalanta sa nakaraang mga kalamidad, na: 1) malapit sa lugar ng trabaho o kabuhayan ng komunidad; 2) tiyak at disente sang-ayon sa mga makataong pamantayan; at 3) hangga’t maaari ay ibigay nang libre;

· Kagyat na trabaho o kabuhayan sa mga nasalanta, at, sa maikling panahon, sa kalakhan ng mga maralitang-lungsod, na: 1) may ganap na ambag sa matagalang pag-unlad ng bansa, ayon sa balangkas ng pambansang industriyalisasyon, kaiba sa inilalaang ‘emergency employment’ ng pamahalaan; at 2) tiyak at may nakabubuhay na sahod o kita;

· Kagyat na pagpapalawak sa mga serbisyong panlipunan, kabilang ang assistance sa mga biktima ng kalamidad, serbisyong pangkalusugan at edukasyon, at;

· Pagpapanagot sa mga matataas na opisyales ng gubyerno na may direktang saklaw sa relief at rehabilitation ng mga nasalanta, kabilang na ang Pangulong Arroyo, Bise-Presidente at HUDCC Chair Noli De Castro, NDCC Chair Gilbert Teodoro, DSWD Sec. Esperanza Cabral, MMDA Chair Bayani Fernando, at ilang pinuno ng lokal na pamahalaan gaya ni Pasig Mayor Bobby Eusebio (kaugnay sa handling ng mga evacuees ng ULTRA), sa mga kakulangan, kapabayaan, at mismong pang-aabuso sa mga maralitang biktima ng trahedya.

Itinatag ang Kadamay noong Nobyembre 7, 1998, sa pamumuno ng ngayo’y chairman emeritus ng grupo, ang kilalang lider-maralita na si Carmen “Nanay Mameng” Deunida. Sa kasalukuyan, higit 800 samahang maralita sa mga pangunahing lungsod sa bansa, kabilang ang Kalakhang Maynila, Baguio, Cebu, at Davao, ang napapailalim dito. ##


For further detals, please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO 0910.975.7660

 

Kaliwa, Nanay Leleng Zarsuela, KADAMAY chair
     
           
     

Torch picket rally pagkatapos ng buong araw forum

Tandang Sora/Commonwealth Avenue

     

x

Wednesday, November 18, 2009

 

Mula Central Luzon hanggang Southern Tagalog: Mga isyu ng maralita, patuloy na umiinit tungo sa Disyembre 3 pambansang koordinadong protesta

 

Kadamay-Laguna, nagvigil sa NHA; tutulak sa HUDCC ngayon

NEWS RELEASE
November 19, 2009

Matapos makiisa ang mga kasapi ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), grupo ng mga maralitang-lungsod, sa multi-sectoral na caravan tungo sa Hacienda Luisita sa Tarlac, ang mga kasapi naman ng Kadamay-Southern Tagalog (ST) ang nagtungo dito sa Metro Manila upang isiwalat ang mga isyu ng demolisyon at dislokasyon sa kanilang lugar.

“Trabaho, kabuhayan, serbisyo, at tiyak at disenteng paninirahan, hindi demolisyon at dislokasyon!” Ito ang mariing panawagan ng mahigit sa 200 miyembro ng iba’t ibang lokal na samahan ng maralita mula sa lalawigan ng Laguna na nagsimula ng kanilang dalawang araw na protest-caravan patungong Kamaynilaan kahapon, at kagabi ay nagsagawa ng vigil sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City.

Igigiit ng grupo ang dayalogo sa mga pinuno ng NHA ngayong umaga, at tutulak naman mamayang hapon (1 PM) tungo sa tanggapan ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) sa Makati, upang magkaroon ng hiwalay na dayalogo doon.

Pagpapalayas
Sa pangunguna ng grupong KADAMAY–Laguna (Kalipunan ng Damayang Mahihirap-Laguna), iginigiit ng mga nagpoprotesta na itigil ng pamahalaang Arroyo at mga lokal na pamahalaan ang pagpapalayas sa mga mamamayan sa tabing riles at baybay lawa.

Ayon kay Jaime Cabuslay, pangkalahatang kalihim ng KADAMAY-Laguna, tuluy-tuloy ang pagpapalayas sa mga nasa tabing riles na ipinapatupad ng pamahalaang Arroyo bilang bahagi ng proyektong Philippine National Railways Modernization and Rehabilitation project.

Sabi pa niya, marami ang napapalayas dahil sa panlilinlang ng pamahalaan. “Nangangako sila na kumpleto sa pasilidad at serbisyo ang mga relocation site, na mayroong naghihintay na trabaho dito. Ito ang iskema nila para boluntaryong lisanin ng mamamayan ang kanilang tirahan. Subalit sa halip na relokasyon, malawakang dislokasyon ang tunay na nangyayari dahil ang mga mamamayan ay lalong nawawalan ng trabaho at kabuhayan, at tiyak na paninirahan.”

Relocation sites
Ayon kay Cabuslay, kalunus-lunos ang kalagayan sa mga relocation site na kadalasa’y dating mga tambakan ng basura kung hindi man katabi nito, o di kaya naman ay dating palaisdaan o palayan kaya naman ang kalupaan ay lumulubog. Wala o di kaya ay kulang rin umano sa suplay ng tubig at kuryente, habang walang pasilidad para sa trabaho, edukasyon at pangkalusugan.

“Nagiging pugad ng epidemya, kriminalidad at mga sakit ng lipunan ang mga relocation site dahil sa malubhang kalagayan ng mga ito,” pahayag pa niya.

Militarisasyon
Kinundena din ng mga nagpoprotesta ang nagaganap na militarisasyon sa mga tabing riles at relocation site na ayon sa kanila ay ginagamit upang supilin ang paglaban ng mamamayan. Naniniwala ang grupo na sa Calamba City ay binigyang pahintulot na ng punong-lungsod nito na si Mayor Chipeco ang deployment ng 202nd Infantry Batallion ng Philippine Army sa ilang barangay dito upang takutin ang sinumang tututol sa ginagawang pagpapalayas sa tabing riles.

Lawa ng Laguna
Samantala, kabilang din sa mga nagprotesta ang mga naninirahan sa baybayin ng Lawa ng Laguna na nangangambang palayasin din upang bigyang daan ang mga makadayuhang proyekto ng pamahalaan. Ayon kay Cabuslay, matagal na ring nais palayasin ng Department of Environment and National Resources at (DENR) at Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang mga naninirahan dito at ngayon ay ginagamit lamang na tuntungan ng mga ito ang pagbaha sa lawa matapos ang sunud-sunod na mga bagyo.

Ang protest-caravan ay bahagi ng paghahanda para sa “Linggo ng Maralitang Tagalungsod” na gaganapin sa rehiyon ng Timog Katagalugan mula November 23 hanggang 30, at sa pambansang koordinadong protesta ng maralita sa Disyembre 3. ##

For further information, please contact Jon Vincent Marin, PIO, Kadamay 0910.975.7660

     
     
           
     
     
     
VIDEO CLIPS
           

Saksi: KADAMAY militants deliver funeral wreath to Veep Noli's ...

21 Set 2009 ... Kapuso, GMANews.TV is the official news website of GMA-7, the Philippines' no. 1 television network. It contains the latest breaking news ...
www.gmanews.tv/.../saksi-kadamay-militants-deliver-funeral-wreath-to-veep-nolis-house -

 

 
     
   
     

BONUS TRACKS

Lunch break: rice and GG in plastic bags

           
     
     
           
**          

 

 
 

Google