Pagpupugay kina Tanya at Ian:

Mga martir ng kabataan, mga bayani ng sambayanan

 

(A tribute to Tanya and Ian: Martyrs of the youth, heroes of the people)

 

Church of the Risen Lord, UP Diliman, Quezon City

 

January 22, 2010   Updated Feb. 7, 2010

 

 

■   A Poem for Kimay, Tanya and Ian by Prof. Noni Queano

 

■   Mga Iskolar ng Bayan, Mga Bayani ng Sambayanan

 

■   In Memory of Kemberly Kimay Jul Luna

 

 

 

 

   

 

 

Sa tarpaulin ni Tanya meron siyang quote na para sa akin ay nagbibigay ng laman at hugis sa salitang commitment o pananagutan: “Ngunit iba ang apoy na nasaksihan ko noong mga panahong iyon. Ito ang tipo na hindi mapapatay ng tubig. Dahil ang tubig ay tubig, ang pag-ibig ay hindi basta apoy.” Hindi ko minemorize yan. Sinadya kong isulat yan sa aking notebook para siguraduhing masasabi ko ito ng paulit-ulit, walang labis at walang kulang sa aking pinakamamahal at hinggil sa kadakilaang maaring maabot ng tao sa pagsusulong ng rebolusyong proletaryo.

 

 --- Mula sa artikulo ni Sarah Raymundo

 

May dalawang batang nag-uusap sa tabi ko. Nagpapalitan ng kwento tungkol kay Ian. “Na-hurt ako nung nag-LFS si Ian, grabe pa kasi ang loyalty ko noon sa Alay Sining, pero grabe, ang sipag-sipag niya kaya masaya na rin ako.” Hindi magpapatalo ang kausap niya. May ginawa silang case study tungkol sa sibuyas. Kinumpleto nila ang datos at pagsusuri. Inusisa nila ng mabuti ang kalagayan ng mga magsasaka. “Si Ian nga ang nagbigay ng title sa case study na yun: 'Kung Bakit Nakakaiyak ang Sibuyas.'

 

--- Mula sa artikulo ni Sarah Raymundo

 

/p

/p
           

 

25 January 2010



**NDFP RENDERS HIGHEST TRIBUTE TO TANYA DOMINGO,

IAN DORADO, KEMBERLY JUL LUNA AND IAN MADERAZO**
 


The National Democratic Front of the Philippines (NDFP) renders highest tribute to our young martyrs and heroes of the people: Tanya Domingo, Ian Dorado, Kemberly Jul Luna and Ian Maderazo. The NDFP conveys its deepest condolences to their families, their organizations, friends and classmates.

Tanya Domingo and Ian Dorado, Fine Arts students and cultural activists from the University of the Philippines were killed by soldiers of the fascist Arroyo regime on January 14 in Bulacan,
Central Luzon. Ian Maderazo of the University of the Philippines – Los Banos, scholar and student leader, was slain on January 9 in Macalelon, Quezon in Southern Tagalog. Kemberly “Kimay” Jul Luna, student leader of Mindanao State University – Iligan Insitute of Technology was killed on December 15, 2009 in Valencia City, Bukidnon in Mindanao.

They integrated deeply with the oppressed and struggling masses, joined the revolutionary mass movement passionately crying out the demands of the masses, used their talents and energy to serve the people, and made the decision to become freedom fighters in the people's armed revolution.

 

In the long revolutionary tradition of the youth, from the time of Emilio Jacinto in the Katipunan, to the youth in the First Quarter Storm, our beloved young martyrs have blazed the path forward for the Filipino people's struggle for national and social liberation. Our young martyrs' deep commitment and fiery passion to fight for freedom and liberation inspires the youth and the entire people to raise the level of the revolutionary struggle ever higher.

We salute our young martyrs. We pay the highest honor to Tanya Domingo, Ian Dorado, Kimay Jul Luna and Ian Maderazo! Let their total commitment and service to the people and the revolution be a bright beacon of inspiration to the youth in the Philippines and all over the
world!

**LUIS G. JALANDONI

Member, NDFP National Executive Committee**
 

           

 

Tanya at Ian: Proletaryado

(dahil maraming nalampasan at nahigitang buhay sina Tanya at Ian, unang-una na rito ang sa akin)

Kagabi, sa isang parangal para sa dalawang rebolusyonaryong napaslang, pinauna na ng dalawa nilang kaibigan na ang okasyon ay para sa pagalaala ng masasayang sandali sa buhay nina Tanya at Ian. Gusto natin itong maging magaan, sabi pa nung isa. Totoo, sino ba naman ang gusto ng heavy drama sa tunay na buhay? Kaya nga may showbiz hindi para takasan ang tunay na buhay kundi para pa magkaroon tayo ng kakatwang pagtanaw sa tunay na buhay, na kung maaari isipin na lang natin na iba pa ito sa heavy drama ng Maalala Mo Kaya o ng mga pelikulang "In My Life" at "Anak" ng Star Cinema.

Kaya naman ang pelikula at iba pang palabas sa telebisyon pwedeng iyakan pero ang mga trahedya sa totoong buhay, kailangan pagaangin. Hindi ito usapin ng kamalian o kawastuhan ng disposiyon. Tungkol (sana) ito sa pagluluksa. Kung bakit tila tayong mga naiiwan ay laging napapasukat sa ating mga sarili kapag may namamatay. Kung bakit kapag mandirigma ang namamatay, parang may daliring dumuduro sa 'yo nagtatanong “O, andiyan ka pala, ano na?” Hindi man sabihin nina Omeng at Arnold, alam ko ang ibig sabihin ng mga panakaw naming tingin sa isa't-isa habang nakikinig sa litanya ng mga bata. Ang gusto talaga naming sabihin sa isa't-isa, “O ano, buhay ka pa, pahiya ka 'no? beh.”

Sumbatan ito. Umaatikabo. Walang ibang marangal dito kundi ang dalawang mandirigmang nasa harapan natin na kahit ano pa ang sabihin natin, wala na silang maririnig mula sa atin. Kinakausap na lang natin ang ating mga sarili at kung anumang sila na bahagi n'un. Nung ikwento ng isang batang maikli ang buhok, maganda ang mukha, uso ang suot na jacket at tunog kolehiyala ang pananalita ang huling pagkikita nila ni Tanya, walang ibang magawa si Nonilon kundi magpunas ng luha at pagkatapos ay mag-usisa“Naging estudyante niyo ba si Tanya? Bakit hindi natin siya nakilala, ang husay niyang bata. Sayang!”

May pinabasang tula si Nonilon sa amin na alay niya kina Tanya, Ian at Kimay. Parang isang magulang na manghang-mangha sa ganda at katotohanang dala ng kanyang anak. Pero sa tulang ito, ang pagkamangha ay para sa ganda at katotohanan na nililikha ng mga kasama para sa rebolusyon (binubura ni Nonilon and salitang “children” sa kanyang borador at ginagawang “comrades”).

Sa huli nilang pagkikita, maiiwan ang kaibigan ni Tanya sa AS steps, habang si Tanya ay sasakay ng jeep patungong Mendiola. Mag-ingat ka sabi ng kaibigan. “May binilin siya sa akin tungkol sa kung ano ang gusto niyang ipalagay sa epitaph niya pag patay na siya. Pero sorry talaga kasi hindi ko maalala kung ano yun.” Humalagapak sa tawa ang lahat.

Bigla akong nainggit sa batang ito. Buong pagpapakumbaba niyang inamin ang ilang mga bagay hinggil sa kanyang sarili sa maikli niyang kwento: Na sa huling pagkikita nila ni Tanya, pinili niyang magpaiwan habang ang isa ay nagmartsa patungong Mendiola. Hindi man niya nabanggit, alam kong gusto niya ring ipaliwanag kung bakit siya ay storyteller ngayon habang si Tanya sa likod niya ay nasa kabaong. Sa huli, humahagulgol niyang sinabi na ikinararangal niyang mapabilang sa isa sa mga naging malapit na kaibigan ng isang katulad ni Tanya. Ng isang katulad ni Tanya. Ang lahat ng naging siya.

Hindi naman din laging bidang-bidang at bonggang-bongga si Tanya. Sabi nga ng coach niya sa gymnastics wala siya sa top 5 o 10 ng team. Pero alam ko rin na ang ibig niyang sabihin dito ay walang iba kundi ang kanyang pagkilala sa sukdulang kadakilaan ng mandirigmang si Tanya. Dahil kung hindi siya namangha sa rurok ng naabot ni Tanya bilang tao sa sandali ng kanyang kamatayan, bakit pa niya susukatin ang ibang kakayahan nito na tila 'di umabot sa rurok? Parang gusto pa ngang magpaliwanag si Coach sa sinapit ni Tanya. Hindi siya isa sa pinakamagagaling na gymnast pero determinado siyang matuto, kapag sinabi niya, sinabi niya, mahilig siyang magmatigas, lalo na sa kanyang mga limitasyon.

Gusto kong hanapin si Tanya sa mga larawang naipon ko sa strike ng Kowloon. Pinaranglan siya ng lider ng unyon kagabi. Kasama raw si Tanya sa mga gumuhit ng streamers, isa raw siya sa pinakamasisipag na nagbigay ng pag-aaral sa mga manggagawa sa ilang linggong pagtulog ni Tanya sa picket line. Pero hindi ko na lang hahanapin. Parang sapat na ang mga detalyeng nakalap ko tungkol kay Tanya sa kakapakinig sa mga parangal. Mahilig daw siyang mag-ingay- umawit, magitara, magtatakbo sa FA habang sinisigaw ang ganito “Malibog ako!” Paliwanag niya sa nag-usisang kaklase kung bakit niya ginagawa ang ganong bagay, “ang ibig sabihin ng malibog, passionate.” Nagtinginan kami Arnold, sabay banggit niya, “hindi ba malibog, lustful?” Oo nga, pero ano pa bang alam natin diyan, sila na yan.

Si Ian naman tila wala raw ibang alam sabihin kundi “Uy ayos 'to p're” kapag inaalok uminom ng mga seniors habang nasa classroom sa FA. Natuwa ako sa kaibigang ito ni Ian, kahit papaano may mga ganon pa rin palang estudyante sa UP. Akala ko kasi naubos na ang lahi ng mga patapon pero deep inside may direksyon, masyado nga lang deep, kasing deep ng unconscious na sobrang hirap lang i-access. Gen X sabi pa nga ni Douglas Coupland. Uso yun nung kolehiyo ako. Sabi pa nga nung propesor ko, bakit niyo dadalhin sa mga balikat niyo ang mundo? Bakit niyo gustong magbuwis ng buhay para sa bayan? Take it easy, you are young. Sabay may quote: “If at 18 and you are not a Marxist, you don't have a heart. But if at 40 you are still a Marxist, you don't have a brain.” Sabi ko na lang sa sarili ko noon, at least my heart ako, saka ko na lang poproblemahin ang utak ko, matagal pa naman yun. Pero ngayon na meron na lang akong pitong taon, wala akong ibang masabi kundi, “Utot mo, Professor. Utot mo, blue.” (hi Martial Law babies, gets?!)

Ang Ilonggong si Ireneo, tatay ni Ian, gulat na gulat din. Hindi siya makapaniwala na ganon pala ang anak niya. Sa bahay daw tahimik, halos di nagsasalita. Nakikinig lang ng musika. Pero kinabahan ako nung magsimula nang maging proud father si Mang Ireneo. Sabi nila nag ru-room-to-room daw ang anak ko, sabi nila magaling daw siyang magsalita at mangumbinsi, siguro nakumbinsi din siya ng mga magagaling na nag ru-room-to-room. RTR? Parang may kung anong kaba akong naramdaman, siguro nakapag-RTR si Ian sa isa sa mga klase ko dati. Gusto ko kasi yun, yung maging carenderiang bukas sa lahat ng gustong mag RTR. May nagpopromote ng bible study, at iba pang variety ng God mode, may biglang kumakanta at uma-acting bilang excerpt sa isang pagtatanghal, may nagbebenta ng tickets para sa concert, may nag-iimbita para sa forum, ED, rally, may naka-blue, may naka-yellow, may naka-red--sila ang paborito ko. Isa kaya doon ang sinsabing magaling mangumbinsi na si Ian? Hindi ko na alam, ang masasabi ko na lang, “I missed.”

5'8” ang tangkad ni Ian. Hindi ko alam kung bakit pati ito naitanong ko pa kay Evelyn. Siguro dahil mahirap kausapin ang isang ina na apat na taon nang hindi nakita si Ian at ganito pang dinatnan. Galing siyang Dubai, kasi sa kwento ni Ireneo, hindi raw nakahanap ng trabaho ang padre de pamilya rito sa Maynila, nagkakamot pa siya ng ulo at napapangiti habang sinasabi na “lumuwas-luwas pa kami rito.” Kung ganon katangkad si Ian, kayang-kaya naman pala niyang buhatin yung ka love team niya sa kanyang freshman block. Petite and pretty ang kanyang ka love team. Tawa ito nang tawa nung inaalala niya ang malupit na hirit sa kanya ni Ian nung mga bata pa raw sila (mukha pa rin siyang bata, akala niya lang siguro hindi). "Gusto ko ng Virgin Cola." Sumalo raw agad si Ian “Ako virgin pa.” Ang pinagsisisihan sa gitna ng pagtawa ng magandang batang ito ay kung bakit ba hindi siya pumayag na magpakarga kay Ian sa isang newspaper dance. “Kaya naman kita” bulong pa raw ni Ian sa kanya. “Sabi ko, 'Ayoko nga.' Ngayon, naku, sayang, sana pala nagpabuhat na lang ako.” Tawang-tawa kaming lahat.


Mga batang katulad nila ang may ganong kakayahang magpamalas ng nakakabaliw na “innocence” na kapag nasaksihan mo, hindi mo alam kung paano ka mananatili sa pagtawa para di ka mauwi sa paglulupasay at pag-iyak. Minsan gustong-gusto kong magpaumanhin sa kanila dahil walang ginawa ang mundong ito kundi ang nakawan sila ng pagka-inosente, ng kalma, ng tiwala, ng pagkakalagyan. Siguro sa bandang huli ng bawat lecture yun pala ang gusto kong sabihin, na pagkatapos ng lahat ng masasalimuot, matatayog at kumplikado, “pasensya na kayo pero sinasadya ito dahil meron ding nananadya.” Pero magagaling ang kabataan, wala kang dapat ipagpaumanhin.

Halimbawa, alam ng ka love team ni Ian na ang Ian na noo'y freshman ay yung Ian din ngayon na nasa kabaong. Yung niratrat ng bala sa mukha ng mga militar, na para bang di pa sapat ang mga balang pinadapo sa kanyang katawan, siya pa rin yung Ian na sayang, di siya nagpabuhat. Yung isa niyang kaklase na kasing cute at kasing arte niyang magsalita, umiiyak habang nagsasabing mahusay na estudyante si Ian, laging maagang magpasa ng plate, matiyagang gumawa ng plate, handang tumulong sa paggawa ng plate ng may plate. Dapat daw sana hindi mawalan ng saysay ang pagkamatay ni Ian. Sa unang ED nila, nakikinig daw siya ng mabuti habang si Ian ay paikot-ikot na nagi-skate board sa kanyang playground sa FA. Ngayon na humantong na sa ganito, dapat daw tanganan natin ang tinangan ni Ian. Bakit daw? “Dahil pag hindi... (hagulgol) 'tang ina lang, diba?”

Sabi ni Manolo, nakapagpaalam daw si Ian sa kanya. Matagal na yun. Halos dalawang taon na siguro. Wala na raw siyang nagawa kundi ang magpakumbaba at igalang ang isang ka-frat na nakitaan niya ng kahandaan, yung tipo na 'di marahil niya makita sa kanya o sa iba. May dalawang batang nag-uusap sa tabi ko. Nagpapalitan ng kwento tungkol kay Ian. “Na-hurt ako nung nag-LFS si Ian, grabe pa kasi ang loyalty ko noon sa Alay Sining, pero grabe, ang sipag-sipag niya kaya masaya na rin ako.” Hindi magpapatalo ang kausap niya. May ginawa silang case study tungkol sa sibuyas. Kinumpleto nila ang datos at pagsusuri. Inusisa nila ng mabuti ang kalagayan ng mga magsasaka. “Si Ian nga ang nagbigay ng title sa case study na yun: 'Kung Bakit Nakakaiyak ang Sibuyas.' “

Kung bakit ganon na lang kahusay magparangal ang mga estudyante sa kanilang mga kasamang napaslang ay mahirap ipaliwanag. Paano nga ba tayo lulugar kung napapaligiran ng kabataang nangungulila pero nagpupugay? Nakakainggit ang kanilang pagkakakilanlan. Parang may kung anong mapait na private joke na akala natin nakukuha na natin pero patuloy tayong tinatakasan. Pero alam rin nating wala naman silang sinasadyang ipagkait sa atin. Malamang tayo lang yun at ang ating mga ambisyon.

Hindi nila ginustong mamatay. Yan ang pinakadiin ni Omer. Tumungo sila roon hindi para mamatay. Gusto nating maging mas magaling, mas matalino, mas mahusay hindi lang para sa sarili. Aanhin mo nga naman yun kung hindi magkakaisa ang iba na, Oo nga, ano, magaling ka! Gusto nating maging mas mahigit sa kung ano tayo upang maibahagi natin ito sa iba, sa mundo. Ganyan, sabi ni Omer, ang tumutulak sa mga katulad ni Ian at Tanya upang lumayo para ibahagi sa pinakamasahol na pinagkaitan ang husay, ang galing, ang talino. At nagawa nila yun. Sa mga sketch pad ni Ian, hindi lang drawing niya kundi pati na rin ng mga batang tinuruan niyang gumuhit ang makikita.

Sa tarpaulin ni Tanya, meron siyang quote na para sa akin ay nagbibigay ng laman at hugis sa salitang commitment o pananagutan: “Ngunit iba ang apoy na nasaksihan ko noong mga panahong iyon. Ito ang tipo na hindi mapapatay ng tubig. Dahil ang tubig ay tubig, ang pag-ibig ay hindi basta apoy.” Hindi ko minemorize yan. Sinadya kong isulat yan sa aking notebook para siguraduhing masasabi ko ito ng paulit-ulit, walang labis at walang kulang sa aking pinakamamahal; at hinggil sa kadakilaang maaring maabot ng tao sa pagsusulong ng rebolusyong proletaryo.

 

Prof. Sarah Raymundo used to teach at the Sociology Department of the University of the Philippines at Diliman, Quezon City. See tenure case webpage

 

     
     
     
Bayan Secretary General Renato Reyes, Jr. in conversation with the mother of Ian Dorado
     
     
     

 

Facebook comments from their Fine Arts professor:

 

Leonilo Doloricon

Leonilo Doloricon

 

naging student ko yan si tania domingo, lagi syang absent lagi kong pinagsasabihan na pumasok siya sa klase para ma-eduka. ang hindi ko alam buong lipunan ang kanyang classroom...

 

Leonilo Doloricon

Leonilo Doloricon

 

si ian dorado naman brod namin sa UPAC...am proud of you ian!

 

 

   
     
Alumni of Alay Sining, the cultural group of which Ian and Tanya were members, dedicate songs for the two martyrs
     
           

 

The Beauty of Struggle
(For Tanya, Kimberly, Ian and all our young comrades and heroes of the revolution)
-  By NONI V. QUEANO/ 4 February 2010

The beauty of struggle is the beauty of mountains
Forests, rivers
Where dreams of freedom explode
In song upon the lips of our most beloved young comrades.
They drew with their hearts
Of fire and love on the people’s canvass

The most pure searing light that flashed on wasted faces
Of women and children;
The sheen on fallen workers’ blood;
Limned landscapes of ashen rains
Falling on bones, peasant huts, hovels;
Bodies tearing in hunger hues of bile green
Pale yellow, livid gray
And the unquiet night.

Truly were it but paint or poem or song,
A revolution would have been exquisite
As a white sea, a purple mountain, a violet sky,
And the dulcet smiles of Tanyas, Kimberlys,  Ians
And friends and heroes we fondly remember
Posing with the masses with their paintbrushes, pens, and guns.

But it is true.
The enemy prowls the night like ghouls
Spraying bullets on those who love most purely:
The poets and singers of the revolution
Who fought with us on the eternal day;
And it is true that we feel pain;
That we cry with raised fists to honor their memory.
That we will hold the gun with more passion and grace
Exquisitely as in a painting, song, or poem on the people’s canvass
Drawn by young heroes and warriors who’ll come after us
Signing the wind with love and fire,
Fighting unendingly,
Until the dawn of freedom.

 

(Prof. Queano teaches English literature at the University of the Philippines)

 

     
     
     
◄  Classmates and friends and org mates remember Ian and Tanya▼

 

Kowloon Union president remebers Tanya in the picket line    
     

 

Sunday, February 07, 2010

Heroes of Youth, or A Matter of Point of View


The great divide, nay, a chasm, between poverty and opulence both obtained in the urban centers like mega Manila and the rural areas is an encouragement for courageous and idealist youths to take up a different challenge in their own perspective.

But it is not the only factor or reason enough, there should be more which brings forth the "sudden" awakening of students into the political realities on hand, some embrace bold and daring decision that consumes their passion, effort and lives.

Later in their immersion and experience in the communities some "graduate" and rejoin the mainstream of the society. Others become political activists. Many do not finish their “apprenticeship” and community organizing task and join the countless batch of youths etched in an unwritten memorial of young martyrs and heroes of the people (bayani ng bayan).

One of whom is Kembery Jul Luna, an AB English student at Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT). She was found lifeless in the forest of sitio Bulacao of barangay Concepcion in Valencia city. A bullet pierced her chest and nape as a result of an encounter with the military on the 15th of December, last year.

We have to resurrect one poem of ours written for some dear friends who went ahead of Kemberly. Yes, we dedicate the same to her, too:
 

isang tanghaling tapat sa buhay ni cesar, rommel at mark
Dec. 12, 1994

walang atubili ang hatid ng mga kalatas
na balot ng bakal sa inyo dumatal
winarak ang utak tumarak sa dibdib
mga bisig dinipa sa langit
piping labi humalik sa mamad na lupa

sige, sa inyong paghimlay isalin ang pag-asa
damhin ang pag-usbong
ng bagong pakikibaka na inyong punla
gabayan ng alaala ang sunod na pagpula
sa dakong silangan
hayaan luksang parang ay lagumin
ng luntiang halaman hitik sa bunga
anihin ng karit pandayin ng maso
mga kamao ay itaas pamuli ng libong kasama.

tanghaling tapat na naman, cesar, rommel at mark.

 

From:

http://cbanga360.blogspot.com/2010/02/heroes-of-youth-or-matter-of-point-of.html

 

     
     
=          
==          
           
 Art work of Ian, UP Fine Arts student
     
     

 

KMU pays highest tribute to youth martyrs Ian and Tanya

Reference Person: 

Elmer "Bong" Labog, KMU Chairperson

 

Labor center Kilusang Mayo Uno pays the highest tribute to the latest victims murdered by the US-Arroyo regime’s army, and latest heroes of the toiling masses: UP students Ian Dorado and Tanya Domingo.

 

Ian and Tanya, who both studied at the UP Diliman College of Fine Arts, became campus activists and later on engaged in the peasant struggle in the countryside as guerillas of the New People’s Army. They were ambushed and tortured by government forces last Jan 15, along with five others, in the province of Bulacan.

 

We salute Ian and Tanya for dedicating their lives to the plight of the marginalized masses, for choosing the path to their emancipation and fighting for it using the noble form of armed struggle.

 

We express sympathy to their families who dearly love them, and assure them that the masses they have served and the comrades they have fought with share their deepest grief with the loss of such great revolutionaries. Though some may, until now, disagree to the form of struggle Ian and Tanya have chosen, no one could ever doubt their sincerity in serving the people till their last breath.

Their contribution in changing the system that murdered them will be forever remembered, and they will forever serve as an inspiration for the youth and the people to partake in fighting against an authority that murders people everyday with hunger, exploitation and oppression.

 

They are proof of the people’s willingness and readiness to fight, take-up arms if necessary, to institute genuine democracy and societal change. They disprove claims of the US-Arroyo regime that they have succeeded in weakening the rebellion. As long as our system perpetuates injustice, more and more Ians and Tanyas will join the people’s movement and contribute their lives to the fullest for its victory.

 

We vow to further advance the struggle of the masses in the name of Ian, Tanya, and all the martyrs of the people. #

           
           

 

Kung Sakaling Hindi Mo Sila Naiintindihan

Ni Stum Casia:


Kung sakaling mapadaan ka sa kanilang libingan, at hindi mo sila maintindihan; Si Kemberly, si Tanya, si Ian at ang mga kabataang nauna sa kanila at sa atin- isipin mo ang mga walang pakialam. Ang mga walang ginawa kundi magpaganda at magpalaki ng katawan. Ang mga inuumagang wasak sa gimikan at inuman. Ang mga maagang nabuntis at nagpabuntis. Ang mga abala lang na nangungulekta ng mga high end na sapatos, cellphone at kotse kotsehan. Isipin mo ang mga estudyanteng nagpupustahan sa bilyaran sa oras ng klase. Nagdo-DOTA. Ang mga nagsesex eyeball. Ang mga nagmomotel gamit ang monthly allowance. Ang mga ngasuicide dahel sumama ang girlfriend sa ibang lalake. Ang mga namatay sa gang war at ang mga nagpatayan dahel lang sa munting rason na nagkatinginan ng masama habang nanunuod ng karera ng scooter.

Kung nahihirapan ka pa ding maintindihan, isipin mo ang amerikanong si Jason Aguilar Ivler o Jason Ivler Aguilar whatever. Ang kanyang magilas na tangkang takasan ang NBI arresting team at ang humahabol sa kanyang batas.

Kung hindi mo pa din sila maintindihan, isipin mo ang Pambansang Lakbayan ng Mamamayan, irewind ang daang tinunton ng libong pares ng mga paa para ipagsigawan ang mga panawagang hindi magkasya sa streamer at banner at iparinig sa Maynila ang mga salitang katulad ng tunay-na-reporma-sa-lupa. Isipin ang pinagmulan ng mga hakbang na hindi natakot, hindi nagpaharang, napagod pero hindi huminto hanggang matagumpay na marating ang Mendiola.

Kung isang araw, maalala mo ang kanilang mga pangalan- Kemberly, Tanya, Ian, ang mga kabataang nauna sa kanila at sa atin at hindi mo pa din sila maintindihan. Isipin ang kanilang kasiyahan sa huling destinasyon ng kanilang paglilingkod sa sambayanan.

Paglilingkod na nagbigay ng pinakamatamis na kalubusan sa kanilang pinaikling pag-iral.
 

           
           
     
     
           
 Art work of Tanya, UP Fine Arts student
           

 

Apolitical Intellectuals

One day
the apolitical
intellectuals
of my country
will be interrogated
by the simplest
of our people.

They will be asked
what they did
when their nation died out
slowly,
like a sweet fire
small and alone.

No one will ask them
about their dress,
their long siestas
after lunch,
no one will want to know
about their sterile combats
with "the idea
of the nothing"
no one will care about
their higher financial learning.

They won't be questioned
on Greek mythology,
or regarding their self-disgust
when someone within them
begins to die
the coward's death.

They'll be asked nothing
about their absurd
justifications,
born in the shadow
of the total lie.

On that day
the simple men will come.

Those who had no place
in the books and poems
of the apolitical intellectuals,
but daily delivered
their bread and milk,
their tortillas and eggs,
those who drove their cars,
who cared for their dogs and gardens
and worked for them,
and they'll ask:

"What did you do when the poor
suffered, when tenderness
and life
burned out of them?"

Apolitical intellectuals
of my sweet country,
you will not be able to answer.

A vulture of silence
will eat your gut.

Your own misery
will pick at your soul.

And you will be mute in your shame.

--Otto Rene Castillo

(1936 1967)

 

Born 1936, Castillo was a Guatemalan revolutionary, a guerilla fighter, and a poet. In 1967, Castillo and other revolutionary fighters were captured; he, along with his comrades and some local campesinos, were brutally tortured and then burned alive.

 

     
     
           

 

Mandirigma I
 

May kasunduan akong pag-ibig sa kagandahan,
may kasunduan akong dugo sa aking bayan.
- Ian Dorado

Ngunit iba ang apoy na nasaksihan ko noong
mga panahong iyon. Ito ang tipo na hindi napapatay
ng tubig. Dahil ang tubig ay tubig, ang pag-ibig
ay hindi basta apoy.
- Tanya Domingo

Sa isang iglap, umitim ang mga ulap.
Mistulang sinadya upang walang repleksyon
ang pulam-pulang dugo na sumuot sa bitak-
bitak na lupa. Nanginig ang mga dahon
at yumuko ang mga puno.
Wala ang buwan sa mga sandaling iyon,
marahil natakot, marahil maagang nagdalamhati.
Napipi ang nag-iinat pang umaga sa pagkabigla.
Anong hingal, anong buntong-hininga,
anong mga salita ang naiusal pa kaya?

May ilang katanungan na hindi na humihingi
ng tiyak na kasagutan. Gaya ng maraming nasabi
tungkol sa inyong pagkawala. Sapat na ang pag-alaala,
ang pag-abang sa mga uusbong sa hinaharap.

Ngayon, maliwanag na muli ang kalangitan,
at mayabang na nakatindig ang mga puno.
Hugis karit ang buwan sa mga gabing ito
at koro na maririnig ang nayon at lungsod:
ang lahat ng inyong mga idinilig sa lupa,
ang pawis, ang dugo, ang mga itinanim
ninyong punla ng paglaya,
ito marahil ang siyang tunay—noon
hanggang habang panahon—na pag-ibig.



Paalam at tuloy ang laban, Tanya at Ian.

 

-- Ni Patrick Bautista

 

     
     
           
**          

 

 
 

Google