At UP Los Baños:

Mga Iskolar ng Bayan walk out of their classes

to protest the large class policy

 

Laguna

 

January 29, 2010

 

 

 
/p

/p
Photos courtesy of UPLB Youth Lead
           
           

 

 

MANIFESTO OF UNITY AGAINST LARGE CLASS POLICY!
by Lead Formation (notes) Saturday, January 23, 2010 at 9:24pm
 

We, concerned students, faculty and staff, oppose the UPLB Chancellor’s Memorandum No. 001, which sets the full implementation of Large Class Scheme in all General education and foundation courses in UPLB.

We believe that:
 

1.Large Class scheme is a cost-cutting measure of the UPLB administration to augment the lack of government subsidy as we are to face a P12.7 B budget deficit for the academic year 2010-2011. In particular, the components in the university budget that is allotted for maintenance of university facilities (the Maintenance and other Operating Expenditure) decreased by P280 M, and the budget for the procurement of new facilities, chairs and apparatuses and building of new classrooms (the Capital Outlay) has not been allotted with even a single peso;
 

2.It is undemocratic and morally perilous for the sectors of scholars and teachers of the people, among others, to carry the burden of this lack of government budget. The implementation of Large Class Scheme proves that the increase in tuition practically did not augment the university’s lack of fund;
 

3.By asserting a higher government subsidy through the rechannelling of budget to education as a basic social service is the strategic solution for this lack of fund;
 

4.The Large Class policy is anti-student because it will cause the decrease in the quality of education. It will generally overhaul teaching approaches and lessen student participation in the absence of a critical discussion;
 

5.The Large Class policy is anti-faculty because it will indeed lessen the teacher’s units but increase their workload. The set criteria to qualify teachers of Large Classes will likely to cause mass-layoff; and
 

6.The Large Class policy is anti-academic freedom because despite being widely criticized, it has been decided upon unilaterally. The decision-making process is founded in unsubstantial and uncited study making such process undemocratic and not consultative. The policy is also unconstitutional because Chancellor Velasco by-passed the power of the UP Board of Regents, particularly Section 13-C of the UP Charter of 2008, which says that the BOR shall “approve the institution, merger or abolition of academic programs, upon recommendation of the University Council of the constituent university concerned, through the President of the University.”

Therefore, we demand that:
 

1.In principle, The Large Class Scheme should not be implemented. We demand that all pilot large classes should undergo a thorough empirical study to scientifically investigate on the effectiveness of the scheme;
 

2.Memorandum No. 001 should be immediately scrapped, thus, scrapping the full implementation of Large Class Scheme in all GE and foundation courses in UPLB on the first semester of AY 2010-2011. The decision stipulated in the memo should first be recommended by the University Council and approved by the Board of Regents (as stipulated in the UP Charter of 2008). Moreover, we demand that the policy should undergo due democratic consultation with the students and the faculty members;
 

3.Class sizes for all affected courses should revert back to the sizes approved by the UP Board of Regents.

NO TO LARGE CLASS POLICY IN UPLB!

PLEASE RETURN TO UPLB UNIVERSITY STUDENT COUNCIL OFFICE
ROOM 10, SECOND FLOOR, STUDENT UNION BULDING

FOR FURTHER INQUIRIES, PLEASE CONTACT LOVE CARLOS (09052125589)

 

     
     
           
     
     
           

 

UPLB students, teachers stage protests vs large class policy

By Clarice Colting-Pulumbarit, Maricar Cinco
Inquirer Southern Luzon
First Posted 15:24:00 01/29/2010

LOS BAÑOS, Laguna—Around 1,000 students and teachers from the University of the Philippines Los Baños walked out of their 7 a.m. to 12 noon classes on Friday to oppose the implementation of a policy increasing the class size of general education (GE) and foundation courses.

The protest was held as the UP Board of Regents discussed the issue in its meeting at the UP Diliman campus.

In a manifesto of unity signed by at least 3,500 individuals and read during the walkout, students and teachers called for the scrapping of the memorandum implementing the large class scheme.

Last Jan. 15, UPLB Chancellor Luis Rey Velasco issued a memorandum stating “a full scale implementation of conversion of all foundation and GE courses to large classes” effective first semester 2010-2011.

The policy would increase class size of the said courses, which include basic courses in math, history, language and communication, from the current 25-40 students to 120-175 students per class.

Since last week, students and teachers led by the multisectoral alliance Youth League for the Advancement of Democratic Rights (Youth Lead) have been conducting various forms of protest including a week-long silent protest and wearing of black shirts.

The memorandum drew the ire mostly of the junior faculty members (those who have yet to satisfy academic requirements for tenure) and the students who said the policy was “anti-student, anti-faculty, and anti-academic freedom.”

Maria Elena Carlos, Youth Lead coordinator, said the policy will cause a decrease in the quality of education as it will “generally overhaul teaching approaches and lessen student participation and critical discussions in class.”

“The policy will also lessen the teachers’ units while increasing their workload, aside from causing a possible mass layoff of teachers,” she added.

The faculty from the social sciences and humanities departments had submitted position papers against the large class policy for several semesters before the memorandum was issued.

“This monstrous size of classes will impede the learning of our students, especially in GE courses. We also believe that this scheme seriously curtails academic freedom, especially that of the instructors who will be relegated to personal assistants,” said Aileen Macalintal, instructor from the Humanities Department, in an earlier interview.

Velasco, in an earlier interview with the INQUIRER, said the objective of the scheme is to increase the university’s student intake per year.

“Every year, more than 1,000 students are in the wait-list. There are no more slots (so) we have to reject them,” he said.

He said the student intake has remained at 2,000 per academic year for the past seven or eight years.

The university aims to raise the number of students by 500 or 600 to hit its target student population of 15,000 by June next year.

UPLB has a present student population of 10,000 and has about 800 faculty members.

He dismissed fears the policy will cause layoffs as “the number one rule (of the scheme) is no retrenchment” (of the faculty).
 

     
     
           
     
     
=          
==          
     
     
           

 

Uplb Zoom Out:

Si Lt. Col. Vivian Gonzales at ang Militarisasyon sa UPLB
Wednesday, January 27, 2010 at 12:57pm
 

ALAM NYO BA...

·Noong panahon ng panunungkulan ni Fidel V. Ramos bilang pangulo ng Pilipinas, napagtibay ang Ramos-Abueva Accord na nagbabawal sa presensya ng militar sa loob ng UPLB. Ito ay para maiwasan ang pananakot, pagtotortyur at pamamaslang na naganap noong Batas Militar. Ngunit ngayon, simula nang maupo ang Office of the Student Affairs (OSA) Director na si Lt. Col. Vivian Gonzales, naging lantaran na ang presensya ng mga militar at pulis sa loob ng campus.

·Si Lt. Col. Vivian Gonzales ay reserved officer ng Armed Forces of the Philippines at kasalukuyang may hawak ng isang infantry battalion. Si Gonzales ay dati nang naupo bilang OSA Director noong 1995, sa panahon ni dating Chancellor Ruben Villareal, ngunit napatalsik sa pwesto noong 2000 dahil sa mga anti-estudyanteng pulisiya nito. Ang lakas ng malawak na hanay ng mga militanteng estudyante ang nagbunsod sa pagpapababa niya sa pwesto.

·Nang pamunuan nito ang Civic Welfare Training Service, muling tumingkad ang kanyang pangalan ng may 100 estudyante ang arbitraryong binagsak o nakakuha ng INC dahil sa gusot sa isang fund raising event.

·'Di pa man limot ng mga mag-aaral ang hagupit na dinanas noong unang pagkakaluklok ni Gonzales sa pwesto ay heto't muli siyang in-appoint bilang OSA Director ni Chancellor Luis Rey Velasco noong Enero 2009. Sa dalawang beses niyang naging OSA Director, matatandaan na ang paghirang sa kanya ay hindi nagdaan sa tamang proseso. Hindi kandidato si Gonzales sa pagka-Director noong 2009 ngunit sa kabila nito, siya pa rin ang naluklok bilang OSA Director. Hand-picked kumbaga.

·Sa dalawang beses niyang naging OSA Director, ipinatupad niya ang pinakamalulupit at pinaka-represibong pulisiya laban sa mga estudyante. Sinabi na kinakailangang 15 ang miyembro ng organisasyon bukod pa ang executive committee. Isa na itong banta sa mga progresibo at pulitikal na organisasayon na malayang makapaglunsad ng mga aktibidad. Ipinanukala din niya ang bagong Book of Student Conduct kung saan itinatadhana nito ang pagpapakitid ng karapatan ng mga estudyante sa pagpapahayag at pag-oorganisa at ang pagpataw ng mas mabibigat na parusa sa mga paglabag.

·Lantarang dinadala ni Gonzales ang kanyang mga alipores na militar sa UPLB at nagawa pang idaos ang pulong ng Laguna Peace and Order Council sa Makiling Ballroom Hall, Student Union (SU) Building noong 22 Hulyo 2009. Sa pulong na ito, siniraan ang mga lehitimong organisasyon katulad ng League of Filipino Students, Kabataan Partylist, at National Union of Students of the Philippines bilang diumano'y mga 'komunistang' organisasyon. Noong araw ding iyon, namataan na pagala-gala ang dalawang armadong militar sa SU Canteen.

·Sa panahon ni Gonzales, naging talamak ang paniniktik sa mga lider aktibista sa UPLB. Ang stratehikong pag-deploy sa Community Support Brigade o CSB at pagkalat ng mga surveillance cameras sa mga gusali sa loob ng campus ay stratehikong hakbang ng UPLB admin upang tiktikan ang bawat galaw ng mga progresibo at militanteng estudyante. Sa ilang pagkakataon ay tuwiran ang pangunguha ng litrato at video at pangunguha ng mga datos ng mga CSB tuwing may pagkilos sa campus. Taliwas ito sa kanilang terms of reference na limitado lamang pangunahin sa pagmonitor ng anti-smoking, anti littering at responsible pet ownership policy.

·Naitala ng Samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN) ang mahigit sa dalawampung insidente ng pagmamanman, panghaharass at ilang kaso ng presensya ng militar sa pamantasan. Isa na rito ang pagkuha ng litrato ng isang babae na sakay pa ng isang kotse sa cast ng Isko’t Iska 2009 sa kanilang practice sa harap ng SU Building noong 5 Setyembre ng nakaraang taon. Namataan muli ang babaeng kumukuha muli ng litrato sakay ng ibang sasakyan.

·Pinakamalupit nga ay ang red tagging sa hanay ng mga aktibista at iba pang lider estudyante noong Pebrero 13, kasabay ng USC elections kung saan may kumalat na black propaganda mula sa grupong Save the Youth Against Communism and Terrorism o SAY-ACT. Naulit pa ito noong ika-12 ng Oktubre ng nakaraang taon nang may 117 na mga pangalan ng estudyante at guro ng pamantasan ang binansagang mga terorista at komunista. Samantalang binansagan na mang rekruter umano ng mga miyembro ng CPP-NPA ang ilang lider aktibista. Ang mga ganitong hakbang ay lubhang nagsasadlak sa mga lider estudyante at aktibista sa kapahamakan ng pagdukot at extra-judicial killings ng mga militar.

·Maging sa mga klase ay di rin tinantanan ni Col. Gonzales ang paninira nito sa mga progresibong grupo na kung saan ay lantaran nitong binabanggit na mga terorista sila kasabay ng pagpapakita ng mga bandila nito.

·Upang lubusan pang idemoralisa ang kilusang estudyante sa campus, nagsampa ng kaliwa’t kanang kaso si Gonzales laban sa mga upisyal ng USC at SAKBAYAN sa Student Disciplinary Tribunal ng mga kasong discourtesy at misconduct.

·Bago magtapos ang 2009, lantaran na mang sinabotahe ang Fact Sheet, isang art exhibit ng UPLB Zoom Out na may temang human rights noong Disyembre 8 at 10, kasabay ng pagdiriwang ng Human Rights Week kung saan ay ninakaw ang ilang obra at mga kagamitan ng nasabing exhibit sa dalawang magkasunod na gabi sa kabila ng presensya ng blue guard at pagtago nito sa nakakandadong stock room. Hindi maitatangging may kinalaman dito ang mga CSB bunsod ng kanilang paniniktik sa venue at ang mismong pahayag ng duty guard na ‘baka tanggalin yan ng mga CSB, mainit sa kanila yan’. Malinaw, na sa ilalim ni Lt. Col. Gonzales ay hindi rin ligtas ang mga artista sa represyon sa UPLB.

·Pinakahuli naman sa represibong pulisiya nito ang pagbibigay ng listahan ng mga recognized orgs sa Barangay Batong Malake upang sila lamang ang payagan na makaglunsad ng mga aktibidad sa labas ng campus gayong labas naman ito sa jurisdiction ng OSA.


MILITAR AT CSB SA CAMPUS, PALAYASIN!
PATALSIKIN SI LT. COL. VIVIAN GONZALES!
ILANTAD AT LABANAN ANG REPRESYONG PULITIKAL SA UPLB!

Visit:
www.stopmilitarization.multiply.com
www.stop-uplb-militarization.facebook.com www.petitiononline.com/fascism/petition.html

 

     
     
     
     
           
     
     
     

 

Cris Lanzaderas:

Heed the Call of the Time: Unite for our Future, Struggle for our Right to Education
 

For three years under the President Roman-Dean Avila regime, the UP High School in Cebu has been subjected to threats of closure. Now, the Roman-Avila gang has recycled its attack on the High School- this time more serious and desperate. Avila has issued memoranda to the PED reflecting its intentions to close down the High School. Also, the acceptance of UP High HSAT applicants has been suspended.

Another railroading

This railroaded proposal is a clear violation of the new UP Charter which promotes “democratic governance in the University based on collegiality, representation, accountability, transparency and active participation of its constituents”. In line with this, Avila has proudly announced and argued in the Unit Wide Faculty Meeting last January 20 that he has the power to set the directions of the College, practically neglecting the collegial wisdom of the faculty assembly.

But then again we ask: If his proposal was so brilliant, why can’t the Dean and his allies be brave enough to present such proposal under public scrutiny?

Manifestation of state abandonment

Clearly, UP high is incessantly threatened to close because it is non-income generating and non-profitable; thus, considered a financial burden. It is a clear manifestation that the state is abandoning its responsibility to its constituents. While the state instead prioritizes debt servicing and military spending, it slashes budget allocation for education and other social services.

While students cry for “higher state subsidy” to solve the worsening budget cuts, the UP Administration slaps them with railroaded approval of Tuition and Other Fees Increase (TOFI) and memoranda to streamline programs; while fully embracing commercialization of education. However, there is a sad reality that seems to escape the admin: that concealed from their grand ideas of fostering UP Cebu as a constituent university, a sadder reality is faced by children who could have enjoyed a UP-quality education.

Development for Whom?

The college will then refocus on its academic programs and plans- consequently preparing Up Cebu’s programs to revolve within the framework of information technology and product design. The whole framework is reflective of UP taking the dangerous line of the making education a commodity wherein market (i.e. business) demand dictates the curricular programs of schools.

Exposing Fascism

As the students, faculty and alumni vehemently protest while practicing their legal and democratic rights to oppose these detrimental steps taken by the administration, they (Dean Avila) responded by releasing repressive memorandum and whimsical policies -such as permit for the usage of electricity and screening by Dean’s Office of all UP High activities- that blatantly violate academic freedom.

Clearly, the administration and the state are intimidated by our unity. They cower in our numbers and vehement and valid acts of opposition.

Engage the call of the times

The times call for unity in this struggle. UP Cebu High School had been the training ground for successful individuals in our country. Let not selfishness and fascism take over the unquestionable right of impoverished yet deserving students to acquire the best quality of education there is. The administration moves fast, and so must we. As Iskolars ng Bayan, let us show to the administration that UPians will never let themselves be suppressed by their inhumane strategies. Now is the golden time to come out of our comfort zones and condemn all anti-student policies. The fight is not just for the continued operation of UP High School but also for our democratic rights especially in accessible and quality education. Now is the time not to turn our backs and pretend everything is fine. Rather, with a unified goal and blazing passion for the benefit of all, let us once again prove that the true essence of being a UPian is to express oneself and defend the whole community, inside and outside of UP.

NO TO UP HIGH CLOSURE!
DEFEND OUR RIGHT TO EDUCATION!
FIGHT FOR HIGHER STAE SUBSIDY!
DEFY REPRESSION AND FASCISM IN THE CAMPUS!

 

     
     
           
           
     
     

 

TALA NG PAGKAWALA: Pagsabotahe sa FACT SHEET Human Rights Exhibit

UPLB Zoom Out Multimedia Collective
 

Tuesday, December 15, 2009 at 6:06pm
 

BUKAS NA LIHAM SA MGA ISKOLAR NG BAYAN AT MGA ARTISTA

TALA NG PAGKAWALA: Pagsabotahe sa FACT SHEET Human Rights Exhibit
UPLB Zoom Out Multimedia Collective

Hindi man naideklara ang martial law sa buong bansa at sa kabila ng pag-alis ng deklarasyon sa Maguindanao ay ramdam na ramdam ito sa loob ng UPLB. Ironikong maituturing na ang isang aktibidad na nagsusulong ng karapatang pantao ay naging biktima rin ng mga paglabag na ito.

Sa ikalawang pagkakataon noong Disyembre 09, ninakaw ang ilang paintings at gamit sa FACT SHEET: Human Rights Art Exhibit sa CAS Annex 2 Lobby. Hindi pa man natatapos ang araw ding iyon ay natagpuan ang mga nawawalang gamit sa tanggapan ng UPLB University Police Force.

Ang FACT SHEET, na tatagal sana mula Disyembre 08 hanggang 11, ay isang art exhibit na naglalayong tipunin ang mga obrang sumasalamin sa masalimuot na kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas-- ang dumaraming bilang ng pampulitikang pamamaslang at sapilitang pagdukot; pagsasampa ng gawa-gawang kaso laban sa mga pinakamasusugid na kritiko ng gubyerno kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga detenidong pulitikal; at kamakailan lamang, ang Batas Militar sa prubinsya ng Maguindanao. Sa pangunguna ng UPLB Zoom Out Multimedia Collective at ilan pang cultural groups sa loob at labas ng campus, inilunsad ang aktibidad na ito upang maipatambol, sa artistikong kaparaanan, ang matingkad na pambubusabos sa karapatang pantao at ang tumitinding pasismo ng Rehimeng US-Arroyo.

Ilang linggo bago ang nakatakdang opening ng exhibit, kumuha na ng permit ang UPLB Zoom Out upang magamit ang CAS Annex 2 lobby bilang exhibit area. Liban pa diyan, nagpadala din ng sulat ang grupo sa tanggapan ng University Police Force (UPF) upang hilingin na mabigyan ng proteksyon ang mga artworks lalo't walang bakod ang CAS Annex 2 at di sapat ang isang guard na rumoronda sa tatlong gusali. Sa kabila ng pagsunod ng UPLB Zoom Out sa mga rekisitos upang matiyak ang makinis na daloy ng aktibidad, tinangka pa din ng mga ahente ng militar na paralisahin ang exhibit sa pamamagitan ng pagkuha at pagtago ng ilang gamit at paintings ng FACT SHEET.

Gabi pa lang ng aming pagse-set up ng exhibit noong Disyembre 07, sinita na ang grupo ng isang guard (on duty sa CAS Annex) at sinabing ang ganitong exhibit, lalo't pulitikal ang tema, ay "mainit sa mata" ng mga CSB at iba pang ahente ng militar. Sinabi niya na di malayong kuhanin at sirain ang mga art works dahil sa pagiging progresibo ng mga ito. Tunay nga, dahil noong umaga ng Disyembre 08, nawala na ang backdrop painting ng FACT SHEET kung saan nakalahad ang dumaraming bilang ng biktima ng human rights violations sa bansa; at mga militanteng panawagan laban sa patuloy na pagyurak sa karapatang pantao ng mga Pilipino. Bagama't ganito ang nangyari, naging matagumpay pa din ang opening ng FACT SHEET Exhibit noong araw na iyon na dinaluhan pa nga ng ilang artistang lumahok sa exhibit at kinover ng midya.

Batid na maaring maulit ang nangyaring pagnakaw sa mga gamit, itinabi at ipinadlock ang mga kagamitan at paintings sa loob ng stock room ng CAS Annex 2. Ngunit kinabukasan hindi na makita ang tatlong paintings, mock cameras, flags, at ilan pang gamit na masinsing sinilid sa naturang stock room. Sa pagiimbestiga sa lugar kung saan itinago ang mga gamit, nakita ang mga bakas ng paa ng mga taong nagnakaw na dumaan pa sa back door ng stock room. Bilang paunang hakbang, nagtungo ang isang miyembro ng UPLB Zoom Out sa tanggapan ng UPF upang ireport ang nangyari. Ngunit iba ang tumambad sa kanya-- ang lahat pala ng nawawalang gamit ay nasa opisina ng UPF!

Coincidence o lantarang pagsabotahe? Isang pulis ang nagsabi na natagpuan diumano ang nawawalang gamit na pakalat-kalat sa likod ng SESAM building. Dagdag pa niya, sabay-sabay na nalikom ang lahat ng mga gamit, kabilang na ang backdrop na mas naunang nawala. Samakatuwid, kitang-kita ang paglulubid buhangin ng ahensyang dapat sana'y nagpu-protekta sa mga estudyante at sa mga likha nila.

Malinaw na ang pangyayaring ito ay panggigipit sa hanay ng mga makabayang artistang nagsisiwalat lang naman ng katotohanang malaon nang alam ng mamamayan--ang masahol na human rights record ng rehimeng US-Arroyo. Kagaya ng paniniktik sa national artist na si Bienvenido Lumbera ng mga ahente ng militar, ang mga manggagawang pangkultura at progresibong artista ay hindi rin ligtas sa bangis ng estado. Ang katotohanang inilalantad ng kanilang mga obra ay nagsisilbing banta sa gubyerno at sa mga alipores nito.

Ang pagsabotahe sa FACT SHEET exhibit ay hindi rin iba sa nararanasang represyon ng mga progresibong organisasyon at lider-aktibista sa loob ng campus. Ang presensya ng mga militar sa loob ng Unibersidad at pagta-tag sa ilang estudyante bilang mga myembro diumano ng New People's Army ay ilan lamang sa matingkad na patunay ng kontra-aktibistang dispusisyon ng UPLB admin. Pinatutunayan din ng pangyayaring ito ang kainutilan ng CSB at UPF na bigyang proteksyon ang mga estudyante at buildings sa loob ng campus, sapagkat sa kabila ng nagkalat na surveillance cameras at ang pinagsamang pwersa ng UPF, CSB at blue guards, heto’t dalawang beses nangyari ang pagnanakaw.

Minsan pa ay pinatunayan ng UPLB admin ang represibong pulisiya nito pagdating sa mga pulitikal na pagkilos sa loob ng kampus. Na sa halip na kanlungin ang mga estudyanteng nagsusulong ng karapatan ng mga mamamayan ay heto’t siya pa ngayon ang nakikipagsabwatan sa mga militar upang sagkaan ito. Ito ba ang sinasabi ng admin na ‘academic freedom’? Ang likhang sining ay sagrado sa mga artista, kaya’t ang pagyurak sa mga obrang ito ay arbitraryong pagtapak sa kanilang freedom of expression.

Sa kabila nito, masikhay pa rin ang UPLB Zoom Out, kaisa ang iba pang mga grupong pangkultura na ipursigi ang mga kahalintulad na mga aktibidad at gawing daluyan ang mga likhang sining sa pagsisiwalat sa kabulukan ng reaksyunaryong gubyerno at sa pagsusulong ng mga demokratikong karapatan at interes ng malawak na mamamayan.


ARTISTIKONG KALAYAAN, IPAGLABAN!
STOP CAMPUS RERESSION!
MARTIAL LAW NI GLORIA TAGOS HANGGANG ESKWELA!

     
     
     
     
           
     
 
     
     
           
           
**          

 

 
 

Google