satur4senator.ning.com
Join the cause! Bring the people's interest to the Senate

 

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

 

Book Launching: "Kung Kami'y Magkapit-Bisig"

Mga Tula sa Hacienda Luisita

ni Gelacio Guillermo

 

Video     Bonus Tracks

 

March 10, 2010

 

 

Gelas and Alice Guillermo
Gelas@70 Gelas and Alice with colleagues
/p

/p
Photos courtesy of JT and DD
           
           

 

With our Arms Joined Together

by Gelacio Guillermo


With our arms jointed together, do you not fear?
There are thousands and thousands of us answering
To the calls of our brothers sworn to our great creed.
Listen and shudder at the anger in our voice!

We come from all place where men still lead
Downtrodden live and die like famished dogs.
We come from the streets and slums of towns
And cities, from the factories that doom our days

To dull, mechanical labor, the whole of us silently
Bearing our souls’ anguish; our hearts seethe
With revolt against all forces that drag our creative life
Down the snare of death. We come from the den of rats.

You shall cringe as you watch us unfurl the banner
Of our brotherhood, mark the resolute ring in the army
Of voices joined together in one song, the song
Of the poor workers, the jobless, the starving,

The song also of men without homes and without land
In the country of their birth. With us have come
Our women and our innocent children and the ghosts
Of our fathers and the horde of dean men we have never known!

With our arms joined together, do you not fear?
 

 

Kung Kami’y Magkakapit-Bisig
salin ni Pete Lacaba

mula sa original na tula sa Ingles ni Gelacio Guillermo

Kung kami’y magkakapit-bisig, hindi ka ba nangangamba?
Libo-libo kami, milyon-milyon, tumutugon sa panawagan
Ng mga kapatid naming anumpa sa isang dakilang simulain.
Makinig ka’t manginig sag alit na umaalingawngaw sa aming tinig!

Kami’y nagmula sa lahat ng dakong ang tao’y nabubuhay
Na niyuyurakan at namamatay na tila asong gutom.
Kami;y nagmula sa mga kalye’t barungbarong nga mga bayan
At lunsod, nagmula sa mga mga pagbrikang nagtatakda

Na ang galaw ng bawat araw ay nakababagot, parang makina,
Habang dala-dala nimn ang pnagigipuspos ng kaluluwa,
Habang naghihimagsik ang puso laban sa lath ng pwersang
Humihila sa amin sa hukay. Kami’y nagmula sa lungga ng daga.

Mangingilabot ka kpag nakita mong iwinawagayway ang bandila
Ng aming pagkakapatiran, kapag narinig mo ang taginting
Sa mga tinig na pinagbuklod ng isang awit, ang awit
Ng dukhang manggagawa, ng walang hanap-buhay, ng nagugutom,

Ang awit ng walang tahanan at walang sariling lupa
Sa baying sinilangan. Kasama naming ang mga kabiyak
At walang-malay na anak, at ang mga multo ng aming mga ninuno
At ng kasa-laksang nangamatay na kailanma’y hindi naming nakilala.

Kung kami’y magkapit bisig, hindi ka ba nangangamba?
====
 

Gelacio Guillermo, manunula ng bayan, kabiyak ni UP Prof. Alice Guillermo, ama nina Bomen at Sofia, matalik na kaibigan ni Joma, mahal na guro ng maraming batang manunulat ay nagdiwang ng kanyang 70 taong kaarawan sa pamamagitan ng paglulunsad ng aklat na "Kung Kamily Magkakapit-bisig", Mga Tula sa Hacienda Luisita ni Gelacio Guillermo, Edisyong Makabayan.

Nag-alay ng mga kanta, pagbabasa ng kanyang mga tula at pagpupugay ang iba't ibang henerasyon ng mga kasama't kaibigan ni Gelas. At siyempre katabi niya si Alice sa buong gabi.

 

     
     
           
     
     

 

Cha Cha

“Great!” palatak ni Gary (Olivar).
“Great!” palatak din ni Ronaldo (Puno).
Tekateka. Magkaiba ang pinatutungkulan ng “great”
Ng talusaling at nabasted.
Kay Gary, “great” ang burda ng SONA ng Hatsing Glue
Sa Lunes,
Kay Ronaldo, “great” ang walong taong “progreso” ng bansa
Sa bilbord ng Hatsing Glue,
At may bonus pang isang taon (na lang, daw).
Facial retoke ang sa una,
Boobs augmentation ang sa huli.
Bakit ang salitang “great,”
Kapag isina-F/Pilipino, ay laging “dakila”?
Magduda sa salita kung mulang
Malakanyang.
Halimbawa, di ba
Ang “This nation shall be great again” ni Marcos
Ay katumbas ng “The great crime
Against the Filipino people”?
Sa walong taon, nahigtan
Ng Hatsing Glue ang rekord ni Marcos
Sa krimen, korupsyon at kasinungalingan,
Alam na natin.
And the worst is yet to come
Kung lulusot ang pakanang power grab
Sa makinasyon ng No El, Con Ass
At Cha Cha. Sa sistemang parlamentaryan,
Ang Hatsing Glue ang Prime Minister,
Libreng pakyawin ng mga dayuhang imbestor
Ang mga lupain, likas na yaman, masmidya,
Warm bodies in whole or in part,
Pawis, dugo, organs vital o private.
At ang U.S. of A.? Ang U.S. pa rin
Ang pinakamalaking trading partner ng bansa
Sa tipong “dyaryo, bote, garapa”
Kumpara sa hitech ng Japan, China,
South Korea at Taiwan.
Kulelat nang talaga ang Pinas.
Nambabraso si Hillary (Clinton)
Para sa doktrina ng boypreng ni Monica (Lewinsky),
Na ang U.S. of A. ang siya pa ring
Asia-Pacific power sa 21st century.
(Piksi ng anak ni Kim Il Sung:
“Ah, that not so intelligent woman.”)
At bago pa ang photo op
Sa White House ay pinuri na ni Barack (Obama)
Ang Hatsing Glue bilang majorette ng VFA.
Ano ang aasahan? Chinook,
Apache, Black Hawk, M1 Abrams,
Spy drones, R&R, body bags.
(Hinihintay ko ang larong golf
Nina Barack at Tiger (Woods).)
Salamat sa Abu Ghraib at Guantanamo,
Hindi isport, sa Merriam-Webster’s Dictionary,
Ang dating ng salitang “water-boarding.”
Lumang teknik sa tortyur ito: sa Pinas
Noong Philippine-American War
Unang sinubok ng Amerika
Ang galing ng water-cure;
Sa panahon ng martial law, pampapyok na NAWASA Juice.
Ipuslit sa Merriam-Webster’s
Ang calcorlator, sonar, trapo,
Fraudster, hamborjer, inteligensia
Bilang imbensyon ng rehimen
Sa pagkukorap ng salita.
Peks man ni Gary: “The President
Really doesn’t believe in loose language.”
Really? Sabi nga ng BBC, “Thank you very much,
In…deed.” Kung ganon, ano ang katotohanan
Sa “I will not run”, sa “I am sorry”,
Sa “I’m the best to lead”?
Opera bouffe ang kendeng ng Hatsing Glue,
Nakakatawa, nakakautot.
Bakit hindi imbitahin ang Hatsing Glue
Sa Comedy Central ni Jon Stewart?
Di bale, mayroon namang Juana Change.
Sabi ni Mae (Paner), “Humor
Is a very powerful tool. It makes you laugh
And think at the same time.” Sana.
Tingnan daw ng ganito,
Mungkahi ni Manuel (Buencamino)
Sina Norberto (Gonzales), Alex (Magno),
Prospero (Nograles), Fr. Romeo (Intengan) at mga kapara:
Ambisyosong mga uwang, singaw ng taeng matsing
Nagpipilit itulak ang tae paitaas
Pakabila ng burol. Mangyari man ang nais,
Sa suma’y ano ba ang pinagugulong?
Ebak.
Bongga ni Molly (Ivins): “Raise hell.
Think of something to make the ridiculous
Look ridiculous.”
Oo, pero, tekateka. Maaga pa’y
May pasubali na ang isang beterana
Ng Brigada Internacional laban kay Franco
Ng Espana noong 1930s.
Ani Dorothy (Parker): “Narinig ko ang isang nagsabi,
Kaya’t sinabi ko rin,
Na pinakamabisang sandata ang pagtatawa.
Sa palagay ko’y hindi ko talaga pinaniniwalaan iyon,
Pero ito’y madaling gawin at nakakapanatag
Ng loob, kaya sinabi ko.
Mabuti’t ngayo’y alam ko na.
Alam kong may mga bagay
Na kailanma’y hindi naging katawa-tawa,
At kailanma’y hindi mangyayari.
At alam kong ang pagtatawa’y
Maaaring panangga,
Pero hindi sandata.”

Sa Lunes, lulusob ang mga saka-saka
At nakatakong sa Batasan,
Nangunguna ang mga muog,
Maapoy ang retorika ng ahitasyon,
Mapula ang mga bandera, plakard, talumpati,
Natutupok sa bonfire ng efiji ang rehimen
Umulan man o umaraw.
Babala ni Leila (de Lima) sa PNP:
Bawal ang CRP, bawal ang watercolor.
Pati butcher?

25; 27 Hulyo 2009

 

     
     
     
     
     
     
           
           


Kokak

Dipa ne ning alte, Gloria
Prinsesita ng Pyestang Tugak sa Pampanga
Sa kakokokak sa Malakanyang nagdonya
Pekeng reyna'y tigre't santa kung umasta

Sa palasyo't kampo, sa batasa't korte
Nagpipista ang mga palakang mabuni
May palakang Defensor, may palakang Garci
May palakang Ermita, may palakang Bunye


May de Veneciang palaka, Tiglao na palaka
Palparang palaka, Miriam na palaka
Norberto at Raul, kambal-tukong palaka
Ramos na palaka, Atienzang palaka
Lomibao palaka, Saludo palaka
Pichay at Nograles, dos Prosperong palaka
Lagman palaka, Datumanong palaka

May palakang 880, kokak
May palakang 464, kokak
May palakang CPR, kokak
May palakang ANTI-TERROR, kokak
May palakang VFA, kokak
May palakang MTDP, kokak
May palakang E-VAT, kokak
May palakang CHA-CHA, kokak
May palakang EMERGENCY RULE, kokak

Kokak kokak kokak kokak

Parusa sa bayan ang kakokakang ito
Sa kumpas ng reynang hindi lihitimo
Para manatiling makairi sa trono
Pilantik ng dila'y latigo ng terorismo

May direct line daw siya sa kung anong dios
May santita't dos madres de todos los santos
Si St. Mike (Arroyo?), protektor sa unos
Bawat dasal kay 'Nyora Guada, ayós

Tanging dios lang daw at di kasaysayan
Ang makahuhusga sa kanyang kabanalan
Anong swerte ito ng mga gahaman
Sa impyerno'y may Palparan, sa langit may ka-hello-han

"Qng leon, qng tigre, eku tatakut, kekapa?"
Kaytaray ng pandakekang mukha nang piranha
Bayani raw siya, kaangkan ni Lakandula
Inaangkin pati malangis na Bolkiah

Kakokakan si Bush sa pananalanta
Ng sinumang maturingang terorista
"You're on my side or on the enemy's," anila
Sabay mudmod ng salapi o buga ng pulbura


"Hindi ako tatakbo," kokak. Sinungaling
"I am sorry," kokak. E di nabuking
"A strong republic, kokak. Berdugo ang dating
"Let's move on," kokak. Impeachment nilambutsing
"I'm the best to lead," kokak. At ang killing machine
Ay itinutok na sa syudad at bukirin

Kokak kokak kokak kokak

Dipa ne ning alte, Gloria
Sa bulateng tudtod, mabibingwit ka
May bird flue virus kang nakakahawa
Sa pugon ang bagsak mo't panambak sa kubeta

Tayo nang magsaya sa pista ng tugak
May betute, buro't taba ng talangkang masarap
Walang eme-emergency't palakang burikak
Si Satur sa kusina, bayan ang babanat

26 Oktubre 2005; 25 Pebrero 2006;
20 Hulyo 2006; 25 Agosto 2006
 

     
     
           
           

 

Atse Glue

"It is the glue that binds"
Ngisi ni Atse Glue
A, glue. May glue
Para sa bútas ng bubóng
Lámat ng túbo
Baság na plato
Bakbak na swelas
Bakling pustiso
Mahusay talaga ang glue
Sa halip itapon ang sirá
Pwedeng gamitin uli
Salamat sa glue
Pero ibang klase
Ang hanap na pandikit
Ni Atse Glue
Mahal, unang hulog pa lang
Sambilyong piso na
At nagmamadali
Daig pa si Mr Quickie
Isa o dalawang taon
Kailangang durog na
Ang kaaway
Dugo ng mamamayan
Ang gustong glue ni Atse Glue
Superdikit siya kay Palpara't
Kapara nilang durugista
"Durugin silang lahat!"
Pinanatang makabayan
Ni Atse Glue sa Isabela
Sa Isabela! Sa Forest Region!
Sa pinagtipunan ng lakas
Ng panimulang pwersa
Ng PKP-BHB
Sa pinagsanayan ng mga kadre't
Pulang mandirigma
Para magbukas ng mga bagong larangan
Sa buong bansa
Doon nakamit ang unang mga tagumpay
At natuto sa mga kamaliang
Pinagbuwisan ng buhay ng mga martir
Ay, Isabela! Ay, Forest Region!
Tinugis sila ng kung ilang oplan
Ni Makoy
Oplan Tag-araw, Oplan Aurora Borealis
Oplan Katatagan
Pero lahat ay nawalan ng saysay
Si Makoy ang nagbansag
Na 'communist terrorists'
Ang mga rebolusyonaryo
Tinugis sila ni Tita Cory
Ng kanyang Total War
Oplan Mamamayan
Oplan Lambat-Bitag
Habang nangangalumata sa gutom
Ang mga sakada
Sa kanyang Hacienda Luisita
Nambitag din si Ramos
Habang pinapausok ang pudpod nang tabako
Ng globalisasyon
Panggahasa sa buong bayan
Ang Visiting Forces Agreement
Ni Erap
Ang Bantay-Laya
Ay saturation bombing
Ng war on terror
Ni Atse Glue
Bersyon nya
Ng Infinite Justice
Ng pandaigdigang kriminal
Na Bush
"Turn the Philippines
Into a howling wilderness!"
Hatsing ni Atse Glue
Tipong Gen. Jacob Smith noong 1901
Bundok-bundok na patay
Dasal niyang pamana
Sa mga Pilipino
Si Atse Glue ang embedded presidenta
Sa humvee ng imperyalismong Kano
Doon siya dikit na dikit
Nanlalagkit sa dikit
Glue
Sa SM, may nabibiling papel
Na pinahiran ng pandikit
Ilalatag sa hardin, sa kusina
Sa panahon ng mga bangaw
Nagpipista sa tae
Ng aso't pusa
At mumu sa lababo
Mabibighani sa amoy ng pandikit
Aaligid, ilalapag ang paa
Isusubsub ang nguso
Papalag, pero hindi na makaalpas
Sa dikit ng bitag

Pinapalapot ni Atse Glue ang glue
Mula sa dugo ng masa
Napakamahal na pandikit
Para sa utak-pulburang presidenta
Pero yan ang order of battle nyang pandikit
Hindi na makakapalag
Sa sariling bitag
Si Atse Glue

20 Hunyo 2006
 

     
     
     
           
=          
==          


Human Security Act

Crime of Terrorism
Titina, my Titina
Buksan mo ang pamana
Upang aming makita
Ang tunay mong ganda

Ay, lintek! Human Security Act pala!

Tita-tita, my Titina
Burat ni Bush ang pamana
Fighting 69 sa pambobomba
Ang bombero't bomberita

Kilig sa durian si Titina!

Patigásin mga bugaw ni Titina
Pero mas matigas ang sa The Great White Fatha'
Kaya coupling for Christ na sila
Coupling pa rin bilang terorista

Sabay himod sa tumbong ni Santitong Papa!

Kung makapagsasalita sana
Ang pekpek ni Titina
Ano ang ibu-vulva nito/niya
Bilang kanyang pamana?

Anito/aniya: "Hoy, mga ineng, mga chicow
Magpakantot, magpachupa na kayow
That is the Great American Shock and Awe
Di ba 75% ng mga Filipinow
Atat maging cute pangong Amerikanow?
Kung hindi, kakanyunin ko kayow!"

Abot-Pacquiao lang ang tilin ng kanyang kultura!

Kinanyon de rapido ni Bush si Titina
Nang hawiin niya ang kortina
Ikinaway ang panyong nanggigitata
Sa dambuhalang tamod ni Dubya

Unprotected sex ang pagkanyod nila!

Iyon ang huling pagpapampam ni Titina
Nang muling makita, siya'y botoboto na
Ibinaon sa kangkungan ng herstorya
Pandagan ang kanyang pamana

They never learn, taksyapo, di ba?


Unlawful Demand
Ilabas si Jonas, buhay o patay
Hiling labag sa batas?
Palayain Tagaytay 5
Hiling labag sa batas?
Itigil extra-judicial killings
Hiling labag sa batas?
Itigil enforced disappearances
Hiling labag sa batas?
Kalayaan sa pamamahayag
Hiling labag sa batas?
Mapagpalayang edukasyon
Hiling labag sa batas?
Itaas ang sahod
Hiling labag sa batas?
Ibaba presyo ng bilihi't serbisyo
Hiling labag sa batas?
Igalang ang piketlayn
Hiling labag sa batas?
Isulong pambansang industrialisasyon
Hiling labag sa batas?
Ipatupad tunay na reporma sa lupa
Hiling labag sa batas?
Ibasura globalisasyon
Hiling labag sa batas?
Ibasura VFA
Hiling labag sa batas?
Ibasura 9372
Hiling labag sa batas?
Patalsikin Gloria
Hiling labag sa batas?

Batas sa batas
Ipaggitgitan batas ng paglaya

Fear and Panic
Noon, nanakot, nanggulo
Si Makoy
Sa pamamagitan ng 1071
Ngayon, nananakot, nanggugulo
Si Gloria
Sa pamamagitan ng 9372
Bakit?



Kasi, nasa kamay na ng mamamayan
Ang pagbabago ng lipunang ito
Anuman ang numero

11;19 Hulyo 2007
 

     
     
     
           
           


Sulat kay Antonio Zumel
(10 Agosto 1932-17 Agosto 2001)

Manong, hindi na bago sa iyo
Ang aking ibabalita: ang tagahatid ng balita
Ang siya ngayong laman ng mga balita
Kasunod sa Iraq ang Pilipinas
Sa bilang ng mga peryodistang pinapatay
Sa paggampan ng kanilang tungkulin
Bilang peryodista sa iyong panahon
Sa umpisa’y sa burgis na pamamahayag
At sumunod sa mga pahayagan ng rebolusyon
Sinuong mo ang mga panganib
Na kaakibat ng iyong tungkulin
Sa paglalantad ng katotohanan
Ipinaglaban mo ang mga karapatan
Ng mga unyonista sa pahayagang
Pinagsimulan mo bilang “printer’s devil”
At ng mga peryodista sa loob at labas ng Maynila
Na ginigipit ng mga warlord
At pamahalaan
Hindi bale kung objective o committed type
Ang peryodista, wika mo, basta’t ginigipit
Kailangang tulungan ng kapwa peryodista
Sa rebolusyon lubos mong inialay ang iyong buhay
At pagsusulat para sa kagalingan
Ng lipunan at mamamayan
Nakapagpapagaan sa gawain mo
Ang paggunita sa mga kabataang peryodistang
Nag-alay ng buhay sa rebolusyon
Hanggang ngayo’y tinutugunan mo
Ang kanilang ngiti ng iyong mapagkandiling ngiti

Manong, ngayo’y wala nang inaaresto
Dinidimanda sa korte o tinotortyur
Objective o committed type
Mang peryodista, basta’t nagsisiwalat
Ng katotohanan, simula bukas
Ay hindi na lalabas ang byline
Nanganganib sila laluna sa probinsya
At hindi lang sila
Iniisa-isa rin ang lider
Ng mga militanteng unyon, party list
Organisasyong masa, NGO
Na nakalista sa dokyung “Knowing your Enemy”
Ng AFP. Nasa order of battle ng gobyerno
Pati di armadong mamamayan!
Ikinatuwa pa ni Palparan
Nang tawagin siyang “butcher” ng Ang Bayan
Kung saan mo hinasa ang iyong pagsusulat
(Syempre, nauna pa’y sa Liberation din)
Para sa rebolusyon
Sa lansangan, korte at kongreso
Barbwayr at water canon ang B.P. 880, CPR
E.O. 464 sa tangkang hadlangan
Ang naghuhumiyaw na katotohanan
Parusa sa bayan
Ang VFA, ang MTDP, ang E-VAT
Ang panukalang batas laban sa terorismo
At iba pang utos ng imperyalismo
Sa presidenteng papet na’y ilihitimo pa
Siguro, bilang beat reporter sa Malakanyang
Sa panahon ni Diosdado Macapagal
“The poor boy from Lubao” kuno
Nakikita mo ang isang dalaginding
Na umaastang prinsesita sa palasyo
Ngayo’y ilantaon na siyang nagrereyna
Nang iligal sa salang pagsisinungaling
Pandaraya at pagnanakaw
Nagpapatuloy ang kampanyang “Oust Gloria!”
At patuloy pa rin ang kanyang astang astig
“I’m the best person to lead,” bulastog nya
Pero hindi na siya makakapag-“Wow!”
Sa kanyang huling hirit
Ang no-el at cha-cha

Isang bagay lang, Manong, ang ipapaabot ko
Tungkol sa cha-cha
Sa panukalang amyenda
Ng mga pugita ni Ate Glue
Ang praseng “kalayaan sa pamamahayag”
Ay inunahan ng qualifier na “responsable”
Mukhang walang sukat ipangamba
Hanggang lumabas ang tanong
“Responsable para kanino?”
Sa umiiral na sistema, sa gobyerno ba
O sa mamamayan?
Ang mga karapatan ng mamamayang
Ginagarantyahan ng konstitusyon
Ay hindi maaaring unahan ng pasubali
Kwalipikasyon o pagpapakitid
Na kakasangkapanin ng bangkaroteng rehimen
Ang tanging responsibilidad ng kalayaan
Sa pamamahayag, tulad ng anupamang
Kalayaan, ay para sa pagsusulong
Ng katotohanan sa kagalingan
Ng sambayanan
Tulad ng lagi’t lagi mong iginigiit

Kaya, Manong, tulad ng sa mahal mong mga peryodistang
Henry Romero, Antonio Tagamolila, Babes Calixto
Nona del Rosario, Jack Pena
Maging tanglaw ka sa ngayong mga peryodistang
Objective o committed type
Humahawi ng landas
Para sa katotohanan
Sa pagtatalo ng dilim at liwanag
Sila’y luwal ng iyong buhay at panulat

PS: Wala na si Nina Simone
At mis ko na ang Chima
Lumabas na ang libro mo, Manong
Otograp naman

Pebrero 2006
 

     
     
     
           
           

 

Ang Taktika ng Pagpatay

Ang taktika ng pagpatay
Ay pagpapasulong sa istratehia
Ng pagkubkob at paglipol
Ng rehimeng hindi na makapaghari
Sa dating paraan

Sampung taon, anila, ang kailangan
Para sugpuin ang subersyon
Mananahimik na ang bansa't
Patuloy na nakaluklok
Ang reyna sa kapangyarihan


Sa bukid at bundok
Ang pingkian ng armas at armas
Ngayon, maging sa lunsod at bayan
Pinupuntirya ang mamamayang
Tanging mga karapatan ang pananggalang

Ilang daan, ilang libo
Ang dapat patayin
Busalan, ikulong, bugbugin
Para tiyaking tagumpay
Ang kanilang istratehia't taktika

Bawat araw ay may dagdag
Sa bilang ng pinapaslang
Tayo'y nagdadalamhati pagkat sila
Ang tagabandila ng paninindigan
Ng mamamayan

May mga bagay
Na kailanma'y hindi kayang unawain
Nilang naghahahari
Kung bakit ang bawat paglilibing
Ay martsa ng diwang hindi mapapaslang

Kung bakit, sa harap ng panggigipit
Patuloy ang mamamayan
Sa paggigiit ng kanilang lunggati
Walang makapipigil sa daluyong
Ng lakas nila't pagkakaisa

Kung bakit hindi panukat ng lakas
Ang bunton ng kanilang pinapatay
O binabawian ng karapatan
Walang lakas ang rehimeng
Ang kaaway ay ang mamamayan

Binibilang natin ang bilang
Ng pinaslang ng rehimen
Sapagkat may dapat singilin
Tinutugis ng kasaysayan
Ang mga salarin

Binibilang din natin
Ang mga araw na itatagal pa ng rehimen
Pagkat ang taktika ng pagpatay
Na akala'y pansagip sa kanilang buhay
Ay kahinaang panghukay ng sariling libingan

Ang pagbuwag sa rehimeng bulok
Ay hindi na bago sa mamamayan
Binibigo nila ang istratehia't
Taktika ng kaaway
Ng istratehia't taktika ng kanilang matwid

At tayo'y pinasisigla ng kasaysayan
Sapagkat ating alam
Sa tinagal-tagal ng pakikibaka
Kung sino'ng susuko, sino'ng magwawagi
Sa malao't madali

8 Hunyo 2006
 

     
           
     
     
     

 

Gelacio Guillermo responds to Eugene Gloria’s Poem, “To Gellacio Guillermo in Iowa City.”

This is so interesting. This essay/letter was forwarded to me by two separate people, wanting to know what I thought of it. The truth is, I am having a little bit of a hard time piecing this story together. I do know for sure that Eugene Gloria did, indeed, write a poem entitled, “To Gellacio Guillermo in Iowa City.” This poem was published in The Literary Review in March 2000 (link here).

Gelacio Guillermo (note the correct spelling of the name) is a real person. He came across this poem in 2008, and now responds with very valid points:

Despite the mis-spelling proceeding from mispronunciation of foreign names so typical among North Americans, I thought I was being referred to in the poem and would like to take issue with you on the question of the poet’s responsibility when he takes on the life history of a dead or living person as subject for creative work.

The poem’s speaker is presumably a woman whom I believe Eugene Gloria “invented.” Gloria fabricates a background or position for her. She is Filipina in/from the Philippines, and part of this narrative takes place during Martial Law. She is the daughter of a colonel in the Armed Forces of the Philippines (AFP), which speaks to some level of privilege. In the poem, she brings up her own breaks with the church, and her rebellions, which I read as the reasons why she is compelled to express kinship with “Gellacio,” whom she imagines has gone to “the mountains,” implying he is a political insurgent. She is addressing her fabricated, imagined, romanticized, and sexualized version of “Gellacio Guillermo”: “Your brindled skin is sweating in Iowa sun, // your hair in a tight chingon, / you, barefoot and G-stringed like a Manobo / prince in St. Louis…”

I am wondering why she imagines him G-stringed, tribal, regal. In his letter response to the poem, Guillermo points to the term, “brindled,” and its etymology:

The “brindled skin” has a far earlier provenance: the black slaves during those centuries of slave trading were assessed, like livestock in the market, according to their animal strength and the gloss of their hide. “Brindled” originates from the late ME [Middle English] “brended,” a variety of “branded.” Vestiges of racist arrogance of the West die hard.


 

 

I am wondering if she is the one objectifying “Gellacio Guillermo” as this “barefoot and G-stringed  Manobo prince,” or if it is Eugene Gloria objectifying “Gellacio Guillermo” as he imagines a Filipino national/Filipino from the Philippines, or if it is either or both she and Eugene Gloria anticipating “Gellacio Guillermo’s” objectification by white middle Americans in Iowa.
 

The real Guillermo was indeed in Iowa; in his letter, he reveals that he spent six months (October 1970 to April 1971) on a writing fellowship at Iowa University’s International Writing Program. Guillermo then, was a writer; he was a Filipino writer in middle America. “Gellacio, / I am reading you in English,” the unnamed Filipina persona says. I am wondering why this is so remarkable; Filipinos in the Philippines have been writing in English and reading in English since the late 19th century/early 20th century.

I am wondering if Guillermo’s six months in Iowa University on a writing fellowship is comparable to the Philippine Reservation of the 1904 St. Louis World Fair, to which the speaker has made reference.

I am wondering why “Gellacio Guillermo in Iowa City” whom she believes has previously gone into the mountains has become her symbol of rebellion, and why she has come to need “Gellacio Guillermo in Iowa City” as this representative of the “salvaged.” I am wondering why she needs a representative of the salvaged at all. And here, do note that the “salvaged” in a Philippine (specifically Martial Law?) context are not the saved, but the dissidents drowned in the Pasig River and other bodies of water for their dissidence.

Mostly, I am wondering why Eugene Gloria created this unnamed Filipina persona to address this imagined “Gellacio Guillermo in Iowa City.” Guillermo points out: “I am named; why isn’t she?”

I want to go back to Guillermo’s original point in his letter: “on the question of the poet’s responsibility when he takes on the life history of a dead or living person as a subject for creative work.” Is Eugene Gloria’s poem “irresponsible”? Do we get away with not taking responsibility all the time, never expecting our poetic subjects to gain access to our work and have the opportunity to respond?

Maybe I understand the poem, but I suppose I don’t understand why the poem. And I don’t think I have answered any of my own questions about responsibility here.
 

     


Lady Macbeth:

Ikaw si Glamis, at Cawdor; at uupong hari
Tulad nang sa iyo’y ipinangako: ngunit
nababagabag ako sa iyong ugali;
Umaapaw sa gatas ng makataong kabaitang
Pumipigil sunggaban ang pinakamadaling paraan: ikaw
ay magiging dakila,
May ambisyon; kung ano ang pinahahalagahan
Iyong tutupdin nang buong taimtim, hindi mandadaya,
Gayunma’y mananalo kahit lisya; sa kalooban mo,
dakilang Glamis,
Ay may umaatungal, kailangan ngang tupdin mo, kung kalooban mo:
At iya’y itong higit mong kinatatakutang gawin
Kaysa hangaring biguin. Magmadali’t
Ititili ko sa iyong tainga ang aking damdamin;
Sa bagsik ng aking dila’y kakastiguhin
Ang lahat ng humahadlang na sumaiyo ang gintong koronang
Sa wari’y ipinuputong sa iyo
Ng tadhana’t pangitain.
--
Halikayo, mga ispiritung
Umaatupag sa mga pag-iisip ng nilalang, dito ako
hubdan ng kasarian,
At lipusin ako, mula anit hanggang hinlalaki,
Ng sukdulang kalupitan! palaputin ang aking dugo,
Busalan ang bungad at lagusan patungong pagsisisi
Nang sa gayo’y walang naninising hataw ng konsyensyang
Titinag sa aking malupit na layon, ni makipagtawaran
Sa layunin at ibubunga nito! Heto ang aking mga suso
At ituring na apdo ang gatas ko, kayong pumapatay na mga sugo
Saanman, kayong hindi nakikita’y naglilingkod sa tudyo ng kalikasan!
Halika, gabing pusikit,
At magpakasasa sa pinakamaitim na usok ng impyerno
Nang hindi mamalas ng aking patalim ang tarak nitong sugat
Ni makasilip ang langit sa kapal ng karimlan
Para maghumiyaw, Tigil, tigil!
--
Nalasing ba ang pag-asa
Sa iyo mismong inihanda? naidlip siya mula noon?
At ngayong magising, itsurang nagmamaang-maangan
Sa kanyang pagkukusang-loob? Mula ngayon
Ganyan ko tinutuos ang iyong pag-ibig. Takot ka bang
Nasa pagkatao mo kapwa ang kagitingan
At pagnanasa? Pasasaiyo ba
Yaong iyong pinahahalagahang palamuti ng buhay
At mamuhay na isang duwag sa sarili mong pagtingin,
Pinagsisilbi sa Baka sakali ang Hindi ko pangangahasan,
Tulad ng pusang duwag sa kasabihan?
--
Anong hayop, kung gayon,
Ang nag-udyok sa iyong ihayag sa akin ang planong ito?
Nang iyo’y gawin mo, pinatunayan mong isa kang lalaki,
At sa pag-angat mula sa noon mong pagkalalaki,
Mangyayaring ikaw na ang lalaking-lalaki. Noo’y di magkahinang
Ang panahon at lugar, gayunman, ikaw ang sa kanila’y naghinang:
Sila mismo ang sa sarili’y nagbuo, at ang ngayong kaangkupan nila
Ang lumuluray sa iyo. Nagpasuso ako, at alam ko
Kung gaano katamis mahalin ang sanggol na sumususo sa akin:
Habang ako’y nginingitian,
Sana’y hinaltak ko ang aking utong mula sa malambot niyang gilagid
At binasag ang bungo, kung tanto ko lang
Na ang iyong gagawi’y ganito.
--
Mahina ang loob!
Akin na ang punyal: ang natutulog at ang patay
Ay mga larawan lang: para sa paslit
Ang pagkatakot sa ipinintang demonyo.
--
Maglaho ka, mantsang kasuklam-suklan! maglaho, sundin
ang utos ko! – Isa, dalawa: ano pa’ng hinihintay, oras nang
gawin mo yon – Napakadilim sa impyerno! – Naku naman,
aking panginoon, hay naku! isang sundalo, at takot? Ano ang
ikakatakot natin kung may makabatid man, wala sinumang
lilitis sa aking kapangyarihan? – Pero sino’ng
mag-aakalang sagana sa dugo ang matanda?
--
Ano, hindi na ba kailanman
magiging malinis ang mga kamay na ito?
--
Naaamoy ko pa ang dugo: walang pabango ng Arabia
Aba-u ko pa ing dara: alang pabanglo ning Arabia
ang makapagpapabango pa nitong munting kamay. Ay, ay, ay!
ing mikapagpabanglu pa nining malating gamat. Ay, rugu!

--William Shakespeare
(1564-1616)

Salin ng piniling mga linya ni Lady Macbeth sa trahedyang “Macbeth” ni William Shakespeare. Sanggunian: The Complete Works of William Shakespeare (Cleveland & New York: The World Publishing Co., n.d.)
Tala: Ang tinutukoy na kasabihan: “Kumakain ng isda ang pusa, pero ayaw namang mga paa’y mabasa.” (Heywood’s Proverbs)

28 Hulyo 2006

GELACIO GUILLERMO – makata, kritik, editor, nakalista sa Poezie Centrum

IPASA
Enero 2010
 

     
     
     
           
     
 
     
     
VIDEO
 
   
Sino si Gelacio Guillermo?  
   

    NOM DE GUERRE

    NI GELACIO GUILLERMO
     

    “Bakit Amado Guerrero?” Ginunita ng Ambot,
    Tulad ng elepanteng hindi nakalilimot
    (Alam mo na, mula sa kantang may linyang
    ‘Like an elephant, I’ll never forget’)
    Pero hindi natuto makaraan ang apatnapung taon, ang iyong alik-ik,
    Na kakatwang sagot at di sagot: “Ang ibig sabihin niyon
    Ay Beloved Warrior.” Mandirigmang Minamahal.
    Paano nga ba ipaliliwanag na sa [...]

     

    KA BEL

    NI GELACIO GUILLERMO
    .
    Trabaho
    Bata pa si Pin
    Marunong nang magtrabaho—
    Magtanim ng kamote,
    Manghuli ng isda,
    Magluto,
    Maghugas ng pinggan,
    Mag-alaga ng mga kapatid.
    Ang batang si Pin
    Sa usapan ng matatanda’y
    Mahilig makinig.
    Panahon ng Hapon,
    Ang diyes anyos na Pin
    Kumilos na kuryer
    Ng mga gerilya.
    Kumusta na ang mga bata ngayon?
    Ang binatilyong si Pin
    Nag-enrol sa hayskul.
    Nagtrabaho bilang labandero,
    Nag-alaga ng baboy at manok
    Para mabuhay [...]

     

     

    SA MADALLING PANAHON

    NI GELACIO GUILLERMO
     

    Tserman Mao, may pariralang binigyan mo ng kahulugang
    Sa tingin naming mga ordinaryong taong
    Walang lenteng pansipat o kaya’y masyadong mababa
    Ang tinutuntungan ay magkasalungat.
    Ito ang pang-abay na “sa madaling panahon.”
    Mula sa kinatatayuan mo, siniguro mo,
    Halimbawa, ang tagumpay ng rebolusyong Tsino
    “Sa madaling panahon,” na ang binibilang
    Ay ilang araw, [...]

 
 
 
   
     
BONUS TRACKS
 
 
     
     
ELECTIONS 2010
           
           
 
     
       
   
 
   
   
   
 

Makabayan Senatoriable Ka Satur Ocampo's Online Q&A

   
   
Songs and campaign jingles
     
■    Satur Ocampo - Liza Maza Campaign Jingle ■    Satur Ocampo Jingle ■    Liza Maza Jingle
     
■    JIngle in Cebuano ■    Jingle in Ilongo ■    JIngle in Tagalog
     
■    Sasaturn na tayo

 

 
           
**          

 

 
 

Google