satur4senator.ning.com
Join the cause! Bring the people's interest to the Senate

 

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

 

 

Two on UPLB Chancellor Velasco:

 

■  Mga kaso ng represyon ng UPLB Chancellor Velasco - sinulat ng SAKBAYAN

■  Mga kasalanan ni Chancellor Velasco - sinulat ng dating editor ng UPLB Perspective

 

 

Posted: April 2, 2010

 

 

   
/p

/p
           

 

Sa pagmumuntik na iusal: KULANG PA ANG PINTURA
MGA KASO NG REPRESYON NI UPLB CHANCELLOR LUIS REY VELASCO

Intervention sa pagpili ngpatnugot ng UPLB Perspective (April 2006)
 

Sa kabila ng pangunguna ni Christian Ray Buendia (freshman noon) sa editor in chief examination para sa UPLB Persepctive, pinili ni Velasco ang pumangalawa sa eksamen, si Samuel Pasia na kasama ng chancellor sa isang fraternity. Idinahilan ni Velasco na rekumendasyon naman lamang umano ang kayang gawin ng adhc committee para sa selection process. Nasa discretion daw niya ang pagpili ng patnugot ng publikasyon. Aniya, hindi naman daw ignipikante ang lamang ni Pasia kay Buendia. Gayunpaman, nakasaad sa Revised Rules and Regulations governing the publication of UPLB Perspective, dapat piliin ng chancellor ang nanguna sa ekasmen, ang parehong irerekumenda ng selection committee.

Privatization of University Food Service (UFS) (July 2006)
 

Pinayagan ni Velasco ang pagkokomersyalisa ng UFS na matatagpuan sa Student Union (SU) building. Layunin umano nito na abutin ang kita tutustos sa depisit sa badyet ng UFS. Ang UFS ay maituturing na isang student service sa pamamagitan ng pagbibigay ng murang pagkain sa UPLB students.

Hindi pagresolba sa arbitraryong pagbabagsak sa 350 CWTS 2 students (June 2006)
 

Arbitraryong binigyan ni dating CWTS coordinator Vivian Gonzales ng grading 5.0 ang 350 students dahil umano sa kanilang pagsusumite ng “unsatisfactory group reports.” Nang idulog ito ni dating Student Regent Raffy Jones Sanchez kay Velasco, itinanggi ng huli ang papel nito sa pagresolba sa kaso sa dahilang ito raw ay di na saklaw ng kanyang pamumuno sapagkat magiging breech of academic freedom daw ito sa mga guro ng pamantasan.

Pagpapalit ng rut ng dyip (August 2007)
 

Pinayagan ni Velasco ng pagbabago ng ruta ng pampasaherong dyip na pumapasada sa UPLB campus. Anila, “dry run” lamang daw ang “rerouting” para raw gawing “smoke free at noise free” ang mga gusali sa paligid ng Oblation statue. Sa kabilang banda, lubos na nakaapekto ang polisiya sa mga tsuper. Sa kanilang ulat, nabawasan ng P200 hanggang P300 ang kanilang arawang kita. May ilan pang ibinenta na ang kanilang dyip dahil sa pagkalugi. Ilan sa dahilang tunuturo ng mga tsuper: pagiging magastos sa gasolina ang mga pasulong sa bagong ruta; lubhang pagbaba ng mga pasahero dahil sa pagbaba ng bilang ng mga pasahero sa bagong ruta. Ayon sa mga ulat, bahagi ang jeepney rerouting sa planong gawing eco-tourist spot ang UPLB.

Pagpapalayas sa mga ambulant vendors (August 2007)
 

Sa bisa ng pagpapatupad ng anim na memorandum (adopted mula sa mga nakaraang UPLB chancellors), pinalayas ni Velasco ang mga ambulant vendors sa UPLB campus. Sa mga ulat, “masakit sa mata” anila ang mga manininda at sila raw ay sangkot sa mga nakawan sa pamantasan, gayundin, bahagi umano ang eviction para sa ecotourism project ng UPLB.

Tambayn phaseout (2007)
 

Ipinagbawal ang mga tambayan ng mga student oganiztions na matatagpua sa hallways sa Institute of Biological Sciences Building. PInayagan ito ni Velasco sa mga dahilan tulad na fire hazard umano ang mga tambayan at harang daw ang ito sa daan kung sakaling magkaroon ng sunog. Ipinanukala ng Office of the Vice Chancellor for Planning and Development na magtayo ng ini park sa tabi ng building at doon na lamang daw tumambay ang mga organisasyon. Sa huli, lumalabas na ang tambayan phaseout ay bahagi ng relokasyon ng ga tambayan a mga mini parks bilang bahagi ng ecotourism project ng UPLB admin.

Pag-antala sa USC-CSC elections (Februry-September 2008)
 

Pitong buwang inantala ng UPLB admin ang eleksyon ng Konseho ng mga Mag-aaral dahil sa pagkuwestyon nito ng legalidad ng konstitusyon nito. Sa kabila ng paghiling na ituloy ang eleksyon upang magkaroon pa rin ng representasyon ang mga estudyante habang nireresolba ang isyu ng konstitusyon, biglang hugas-kamay si Velasco, nag-astang walang kinalaman sa pag-antala g eleksyon at dinala ang isyu kay President Roman.

Pagharang sa NBN-ZTE scandal Forum (January 2007)
 

Hindi inarubahan ni OSA director Severino Cuevas ang permit na idaos ang forum sa SU amphitheater dahil umano sa kautusan ni Velasco na hindi pwede si Lozada na maging speaker sa kampus. HInamon niya ang mga lider-estudyante at organisador ng aktibidad ng suspension kung itutuloy pa rin ito. Gayunman, natuloy ang aktibidad sa paggigiit ng Konseho ng mga Mag-aaral.

Pagharang sa Peasant mobilization sa UPLB (October 2008)
 

Hindi pinayagan ng UPLB admin sa kautusan ni Velasco na magdaos ng programa ang mga magsasaka ng Timog Katagalugan sa Carabao Park dahil wala uanong permit ang mga ito. Nang nakipagnegosasyon, ipinahayag pa ng mga administrador ang “You (student council) will face consequences” na animoy nagbabanta muli ng suspension. Tinatakot pa ang mga ito ng mga pahayag na “aya niyo yata grumaduate.” Gayunman, nailunsad pa rin ang programa.

Intervention muli sa EIC exam (April 2009)
 

Hindi pinili ni Velasco si Buendia, na noo’y magiikatlong termino na sana, bilang EIC ng Perspective. Bagkus pinili nito ang pumangalawa sa eksamen, si Arbeen Acuña, dahil nais umano ni Velasco na pagbigyan naman daw ang iba. Nag-demand ng paliwanag dito si Student Regent Banez ngunit hanggang sa ngayon ay walang tugon ang opisina ng UPLB chancellor.

Non-collection of student funds (May-October 2009)
 

Sa bias ng directive mula kay Gonzales, hindi kinolekta ng UPLB admin ang student fud para sa 1st sem AY 09-10. Sa serye ng ialogue, nangako si Velasco na kailangan lamang mag-ayos ng memorandum of agreement bago ang registration. Pero maanomalya ang sinseridad ng UPLB admin. Napag-alamang pagkatapos ng pangakong ito ni Velasco wala na sa Form 5 ang student fund. Ang sabi ni Assistant to the Chancellor Emmanuel Abraham, madali lang naman daw iyong ibalik basta mapirmahan ang MOA. Pero ayon mismo sa administrator ng Systemone mahirap daw itong gawin. Sa huli, hugas-kamay muli si Velasco at ibinabalik ang pagpapasya sa OSA.

Tangkang pagharang sa Isko’t Iska 2009 (August 2009)
 

Sa isang verbal na kautusan, pinag-utos umano ni Velasco sa building administrator ng DL Umali Auditorium ang pagpigil sa pagsasadula ng Isko’t Iska, isang dula ng freshman nagpapakita ng iba’t ibang isyu sa pamantasan. Idinadahilan ng istap ng auditorium na dahil kailangan daw magpa-alam ng USC sa OSA para sa permit na idaos ang aktibidad. Nakikitang dahilan sa panggigipit na ito ay ang tuwirang pagbatikos ng dula kay Gonzales at ang militaristang pamumuno nito sa mga organisasyon.

Tolerance sa pagsasampa ng mga disciplinary cases laban sa mga lider-estudyante (2009)
 

Sinampahan ni Gonzales ng disciplinary case ang mga lider-estudyante ng USC AY 07-08 at AY 08-09 dahil umano sa multiple violation sa USC constitution. Binigyan ng verdict ang USC AY 07-08 ng anim na buwang suspension. Hindi naging malinaw ang batayan ng pagkakaso at mayroong kwestyon sa tamang venue ng pagsasampa ng kaso dahil alinsunod sa USC constitution, mayroon itong disciplinary measures para sa mga erring officials; ibig sabihin, wala sanang jurisdiction ang SDT sa kasong ito. Naka-amba pa rin ang parehong kaso sa USC AY 08-09.
 

Samanatala noong Feb Fair inakusahan ni Velasco na illegal ang naganap na febfair dahil wala umano siyang approval nito. Dahil sa ganitong dahilan, binigyan ng 30-day preventive suspension ang mga miyembro ng konseho. Ngunit arbitraryong ipinarusa ang nasabing suspension sapagkat kasama sa mga nakatanggap nito ay mga dating miyembro ng konseho at kasalukuyang tagapangulo ng SAKBAYAN, si Leo XL Fuentes.

Red-tagging (February 2009-February 2010)
 

Naging talamak ang pagbabansag sa mga lider-estudyante at mga progresibong organisasyon bilang mga kasapi umano ng Comnit Party at rekruter ng New People’s Army. Paratang ang mga ito mula sa di kilalang grupong Save the Youth Against Communism and Terrorism na itinuturing ang mga CPP-NPA at ang mga legal na progresibong organisasyon bilang mga terorista. Nang dumulog ang samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN) ng kondemnasyon at tulong ang mga lider-estudyante sa pagtinging ang nasabing red-tagging ay magpapahamak sa kanilang buhay at maninira ng academic discourse sa pamantasan, tumanggi si Velasco na magkaroon ng partisipasyon sa pagpigil sa mga ito dahil bahagi lamang diumano ang pagpapakalat ng mga pulyeto at sulat ng academic freedom sa pamantasan.

Militarization (February 2009-present)
 

Naging lantaran ang paglabas-masok ng mga miyembro at ahente ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamantasan. Hindi pinigilan ni Velasco ang nasabing akto gayong paglabag umano ito sa Ramos-Abueva Accord, isang kasunduan bawal ang mga militar UPLB kung wala silang adyenda ng pag-aresto at iba pang papayagan ng UPLB admin. Nakaupo rin ang isang reserved colonel, sa katauhan ni Vivian Gonzales, sa OSA. PInayagan din ni Velasco na idaos ng OSA ang isang forum na nakapaketeng Centennial youth forum ngunit sa esensya ay isang counter-insurgency program na tuwiran ding nagbansag sa mga legal na organisasyong masa tulad ng LFS, Anakbayan, CEGP at NUSP bilang mga komunistang organisasyon. Gayundin, naganap noong Hulyo 2009 ag pulong ng Laguna Peace and Order Council, kung saan kabilang si Gonzales, sa Student union Building. Napag-alaman sa BOR meeting na hindi ito alam ni Velasco. Sa nasabing pulong, binansagan ang progresibong organisasyon at partylist bilag supporter ng CPP-NPA. Dito rin binanggit na magtatlaga ang AFP ng mga intelligence agents sa Lakbayan ng mamayang na ginanap noong Hulyo. Maging ang Community Support Brigade (CSB) ay pinaghihinalaang pinamumugaran na ng mga intelligence agents ng mga militar at naniniktik sa mga aktibista at nangunguha ng video at larawan tuwing may rali.

Iba pang panggigipit:
 

■  Hindi agad pagbigay ng consent sa FebFair 2009, iantala nang inantala hanggang last minute ng araw bago ang unang araw ng programa ng Fair
 

■  Hindi pagbibigay ng student residency kay Student Regent Banez
 

■  Pagtolerate sa OSA memo no. 1 na nagbibigay ng teknikal na hitsura ng pagkontrol sa mga organisasyon
 

■  Pagpapatupad ng full implantation ng large class sa bia ng OC’s memo no. 1 series of 2010 nang walang demokratikong konsultasyon

Hindi pa kasama rito ang pamumulitika sa All UP academic Employees Union, ang arbitraryong promotion guidelines at iba pang kaso ng pamumulitika.

Samga petty talks namin ng mga kapwa ko aktibista (tsikiting patrol daw o kaya barbarian. well, marmaing salamat sa bansag. Love it :D), mga guro at mga manggagawa ng UPLB, naisip naming magsagawa na lang kaya ng military tactic, encircle the admin tas pasabugin opisina ni Velasco, o kaya naman i-deflate ang gulong ng sasakyan niya, o kaya magsuot ng ala-Jimmy Santos at masasayaw ng "no more lonely rice" tuwing flag ceremony, o kaya marami pang ibang korning protesta o "creative (wow) na protesta.

See? buti na nga lang nagtimpi ang mga estudyant ng UP Diliman eh at pintura lang ang binato (hey, mahal din ang pintura ha.) Buti na lang hindi inabot ng UPLB delegates ang komosyong iyon, kundi uuwi si Velasco na parang nilapa ng aso (oo, asong ulul, yun naman para sa mga edukadong liberal ang mga aktibista).

 

SAKBAYAN ang signatory. Ito yung alliance ng mga kabataan sa UPLB.

 

 

     
     
     
     
     
     
           
     

 

Mula sa dating Editor-in-Chief ng UPLB Perspective.

 

Paglilinaw sa kung sino si Chancellor Luis Rey Velasco.
MGA KASALANAN NI CHANCELLOR LUIS REY VELASCO

Matapos ipagwagi ng No to Third Term Coalition (NTTC) ang pakikibaka laban sa diktador na si dating UPLB Chancellor Wilfredo David noong 2005, nailuklok ang noon ay nagpoposturang maka-estudyante na si Cahncellor Luis Rey I. Velasco. Subalit iilang buwan pa lamang nang ito ay maupo, ay sinimulan na ni Velasco ang panunupil sa hanay ng mga mag-aaral, guro, kawani at iba pang sector sa komunidad ng UPLB.
Marso 2006 Hindi niluklok ni Velasco ang nanguna sa UPLB Perspective Editor-In-Chief (EIC) examination na si Christian Ray Buendia.

Abril 2006 Pinasara ng administrasyon ni Velasco ang University Food Service at sinimulang isapribado ang Student Union (SU) Building, na kalauna’y inilagay na sa pangangasiwa ng Business Affairs Office (BAO). Maraming kawani ang na-dislocate sa ibang opisina. Tumaas din ang presyo ng mga pagkaing mabibili sa SU, sapagkat hindi na ito subsidized.

Disyembre 2006 Si Cancellor Velasco ang masugid na tagapaglako ni UP President Emerlinda Roman ng komersyalisasyon sa UPLB, sa porma ng Tuition and other Fee Increase (TOFI). Sa kabila ng kawalan ng demokratikong konsultasyon at malawakang pagtutol sa iba’t-ibang sector ng pamantasan sa ilalim ng UPLB STOP TOFI, pinapalabas ni Velasco na pumapayag ang komunidad sa TOFI.

Pebrero 2007 Sinimulan ng administrasyon ni Velasco ang pagpapanukala ng Large Class Policy, na hinarap ng pagtutol sa hanay ng kaguruan at mag-aaral. Mula noon ay pinanatili ni Velasco ang kawalan ng konsultasyon habang pinapatupad ang nasabing polisiya.

Hunyo 2007 Sa diwa ng pagkokomersyalisa at planong eko-tursimo sa UPLB, ipinagbawal na ni Chancellor Velasco ang mga ambulant vendors. Pinagbibintangan na ang presensya ng mga manininda ang dahilan ng pagtaas sa kaso ng nakawan, sa kabila ng hindi ito napapatunayan. Isa pang dahilan ng administrasyon ay masakit daw sa mata ng mga turista ang mga manininda. Hindi pinanghahawakan ni Chancellor Velasco ang mga kaisahan sa mga dayalogo at pinapahuli pa din ang mga nasabing manininda. Nawalan ng hanapbuhay ang mga manininda na nagsimula pang magbenta noong 1970’s at sa kasalukuyan sila ay namumulot na lamang ng basura.

Hulyo 2007 Inantala ni Chancellor Velasco ang pagluluklok sa EIC ng UPLB Perspective sa pamamagitan ng pag-aantala sa pagbuo ng EIC examination committee.

Agosto 2007 Bilang parte ng planong eko-turismo at sa kabila ng kawalan ng konsultasyon, binago ang ruta ng pampublikong mga sasakyan. Nagbunga ito ng 200-300 piso na kabawasan sa kita ng mga drayber. May mga drayber na ang napilitang ibenta ang kanilang mga jeep dahil hindi na kumikita. Sinalubong ito ng pagtutol sa hanay ng mga mag-aaral at drayber.

Pebrero 2008 Unang tinangka ni Velasco na ipailalim sa BAO ang FebFair upang ikomersyalisa at pagkakitaan. Hindi pinirmahan ang memorandum of understanding ng USC, pinabago ang lay-out ng field at inantala ang pagkakabit ng kuryente. Kauna-unahang pagkakataon na nanghingi ng Financial Report ng FebFair si Chancellor Velasco, kahit na wala ito sa kanyang saklaw sapgkat autonomus ang USC. Naging tuntungan ito sa mga sumunod na panggigipit sa Febfair.

Marso 2008 Pinagbawal ni Chancellor Velasco ang pagpasok ni Jun Lozada sa pamantasan. Sa pakikipag-usap sa kanya ng noong konseho ay namababato ng papel si Velasco at nagbabanta sa mga myembro ng USC na “you will face consequences” (habang nanduduro). Pinagbawal din nito ang pagpasok ng ibang sector katulad ng manggagagwa, magsasaka at maralita sa mismong aktibidad. Gayundin, ang pagrarally ay pinagbawal din ni Chancellor Velasco at nais pa nitong panghimasukan ang prgorama at isama ang kinatawan ng Malacanang.

Marso 2008 Kinasuhan sa Student Disciplinary Tribunal (SDT) ang noon ay USC Vice-Chairperson na si Charisse Bernadine Banez ng administrasyon ni Chancellor Velasco sa pangununa ng mga Colleg Secretaries.

Marso-Setymebre Inantala ni Velasco ang USC-CSC elections dahil sa pagkwestyon sa ligalidad ng
2008 konstitusyon ng konseho. Dahil natatalo sa debate ang mga argumento ni Chancellor Velasco, personal na itong nang-aatake sa mga lider-estudyante, pinagsabihan sa cellphone ang noon ay USC Chairperson na si XL Fuentes na “nakakalalake ka na!”.

Oktubre 2008 Tinangkang ipagbawal ni Cancellor Velasco ang pagpasok ng martsa ng mga magsasaka ng timog katagalugan. Sa katunayan ay pinagbantaan ng administrasyon sa pamamagitan ni Dr. Elpidio Agbisit sina Charisse Banez at XL Fuentes na kung itutuloy ang pagiit na papasukin ang mga magsasaka ay gigipitin ang graduation ng dalawang estudyante.

Pebrero 2009 Tinangkang muli ng admin na ikomersyalisa ang Febfair. Ginipit ang USC sa usapin ng Fair at ginagamit ang usaping teknikal upang makapanlito sa hanay n mga mag-aaral. Inantala ang pagkakabit ng kuryente at iba pang mga panggigipit sa hanay ng USC.

Upang gawing sistematiko ang panunupil sa pamantasan, itinalag ni Chancellor Velasco si Col. Viavian Gonzales mula sa Armed Forces of the Philippines bilang OSA director. Sa kasalukuyan si Col. Gonzales ang nagpapatupad ng mga anti-estudyanteng polisiya sa pamantasan katulad ng OSA memorandum #1, pagkakaso at pagsuspindi sa mga lider-estudyante. Hinahayaan lang din ni Cancellor Velasco ang pagpasok ng mga military sa pamantasan.

Mayo 2009 Hindi kinulekta ng administrasyon ni Chancellor Velasco ang Student Fund sa pamamagitan ng Memorandum ni Col. Gonzales.

Mayo 2009 Hindi muli iniluklok ni Cancellor Velasco ang nanguna sa EIC exam ng UPLB Perspective.

June 2009 Ipinagbawal ng administrasyon ni Velasco ang paglulunsad ng tradisunal na ALMUSALAN para sa mga bagong Iskolar ng Bayan.

Agosto-kasalukuyan Hindi pinapakinggan ni Cancellor Velasco ang panawagan ng mga iskolar ng
2009 bayan na patalsikin si Col Gonzales at magkaroon ng re-orientation ng OSA tungo sa isang demokratikong tanggapan.

Enero 2010 Naglabas ng memorandum para sa Full-Implementation sa Lare Class Policy, sa kabila ng kawalan ng konsultsayon at malawakang pagtutol.

Pebrero 2010 Ginpit na naman ang FebFair at muling tinangkang pigilan, ikomersyalisa sa pamamagitan ng BAo. Ginamitan din ni Velasco ng taktikang panghahati ang hanay ng estudyante ng pinili lamang nito ang bibigyan ng kuryente. Matindi rin ang inawag pananakot ng administrasyon sa USC at sukdulang binigyan sila ng administrasyon sa pamamagitan ng OSA ng preventive suspension. Tinatakot ang mga sponsor na kakasuhan at iba pang intriga.

Sa hanay ng kaguruan naging tampok ang pagkiling ni Chancellor Velasco sa iilan sa pamamagitan ng mga arbitraryong pamantayan sa renewal.

Ginagamit din ng adminsitrasyon ang taktikang pangmamanman sa mga lider-estudyante sa tuwing mobilisasyon. Mula ng nagkaroon ng Community Service Brigade(CSB) sa pamantasan, wla ng pagkakataon na hindi sila nagmamanman sa mga rally, kumukuha ng larawan at nagmamanman sa mga kilalang lider-aktibista.

Hindi rin talaga prayoridad ni Velasco ang pagpapaunlad sa pag-aaral sa pamantasan, tampok ang kanyang plano ng pagkomersyalisa, paglalagay ng mga parke, banga, at iba pang wala naming direktang kinalaman sa instruksyon

Note:
Ito ay iilan pa lamang sa mga kasalanan ni Chancellor Velasco sa kilusang kabataang-estudyante at sa mamamayng Pilipino.

 

 

     
▲ From TIEG Facebook
     
           
     
     
ELECTIONS 2010
           
           
 
     
       
   
 
   
   
   
 

Makabayan Senatoriable Ka Satur Ocampo's Online Q&A

   
   
   
Songs and campaign jingles
     
■    Satur Ocampo - Liza Maza Campaign Jingle ■    Satur Ocampo Jingle ■    Liza Maza Jingle
     
■    JIngle in Cebuano ■    Jingle in Ilongo ■    JIngle in Tagalog
     

 

satur4senator.ning.com
Join the cause! Bring the people's interest to the Senate

 

■    Sasaturn na tayo

 

           
=          
**

 

 
 

Google