Walkout vs budget cuts for atate universities and colleges,

opposition to K12 plan

 

Cotabato City

 

Posted Oct. 11, 2010

 

 

 

Cotabato City – Naglunsad ng walk out protest ang mahigit-kumulang 100 estudyante ng Cotabato City State Polytechnic State College dito sa lungsod bilang pagkondena nito laban sa budget cut sa sektor ng edukasyon.

Pinangunahan ng Liga ng Kabataang Moro (LKM) at College Editors Guild of the Philippines (CEGP), isang organisasyon ng mga student publications at mamamahayag pangkampus ang nasabing protesta laban sa komersyalisasyon ng edukasyon at mungkahi ni Pnoy na bawasan ang badyet ng State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa sa susunod na taon.
 

-- From press statement of Kabataan partylist Cotabato City

 

   
   
/p

/p
Photos courtesy of Kabataan Partylist - Cotabato City
           
     
     
           

 

September 24, 2010
MEDIA RELEASE

Walk out vs. SUC Budget Cut

Cotabato City – Naglunsad ng walk out protest ang mahigit-kumulang 100 estudyante ng Cotabato City State Polytechnic State College dito sa lungsod bilang pagkondena nito laban sa budget cut sa sektor ng edukasyon.

Pinangunahan ng Liga ng Kabataang Moro (LKM) at College Editors Guild of the Philippines (CEGP), isang organisasyon ng mga student publications at mamamahayag pangkampus ang nasabing protesta laban sa komersyalisasyon ng edukasyon at mungkahi ni Pnoy na bawasan ang badyet ng State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa sa susunod na taon.

Sa pahayag ni Jona Marie Aso, Secretary General ng College Editors Guild of the Philippines – Cotabato Committee sinabi niyang, “Para sa taong 2011, ang ilalaan na budget ng Pangulong Aquino para sa SUCs ay mahigit kumulang sa P23.41 bilyon. Mas mababa ito ng P437 million kumpara sa budget ng taong 2010 at 2 bilyon na mas mababa kumpara noong 2009”.

Dagdag pa nito na sang-ayon ang pagbabawas ng pondo sa patakaran ng gubyerno na higit na ikomersyalisa ang edukasyon. Higit pang inaabandona ng gubyernong Aquino ang responsibilidad na pag-aralin ang mamamayan at ipapapasan ang pagbabayad ng mataas na matrikula at mga bayarin sa mga mag-aaral at mga magulang.

“Habang kinakaltasan ang budget sa edukasyon ay nakakapanglumong isipin na tumataas ng higit sa doble ang budget sa military, pambayad utang at korapsyon,” ayon kay Ms. Aso,

“Ang panawagang ito ay hndi lamang nakatuon sa interes ng masang estudyante, bagkus kasama sa budget cut ang mga guro. Sa katanuyan, sa proposed budget ng Aquino Administration, kasama na P23.41 billion ang budget para sa Personnel and Other retirement Benefits na dapat sana ayon sa General Appropriations Act ay hiwalay sa pondong ilalaan para sa SUCs,” pagtatapos ni Aso.

Sa pagtatapos ng programa ay iniwan nila ang hamon na itaas ang budget sa education, irechannel ang budget ng military, debt servicing, at takaw korapsyon na pork barrels sa pondo ng edukasyon.


For Reference:
Jona Marie Aso
09068557816/09394003581
 

     
           
     
     
     
=          
==          
     
 

Members of Liga ng Kabataang Moro in Cotabato City staged a picket rally in front of the

division office of the DepEd12. Dagdag Dalawang TAon sa Basic Education, October 4, 2010

     


October 2, 2010
NEWS RELEASE

Cotabato City – Idinaos ng Kabataan Parylist, sa pakikipagtulungan sa Liga ng Kabataang Moro at Sangguniang Panglunsod Committee on Education, ang isang consultation na may kinalaman sa proposal ng Department of Education na dagdagan ng dalawang taon ang basic education o mas popular sa tawag na K+12.

Sa loob ng limang oras na pakikipagdayalogo sa mga konsehal na dumalo na sina Committee on Education Chair at member na sina Councilor Abdullah Andang, Al hadj, Councilor Marino Ridao, Councilor Edwardo Rabago, at sa LKM Spokesperson na si Ibrahim Alano II, naipahayag ng mga representante ng iba’t ibang eskwelahan at barangay ang kanilang pagtutol sa K+12.

Ayon sa mga dumalo, hindi ang bilang ng taon ang dahilan ng mababang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Kundi ang matagal ng problema na hindi pa natutugunan, kahit nagpapalit palit na ng administrasyon sa Malacanang. Ang kakulangan sa classrooms, guro, aklat, at budget pang edukasyon na patuloy ng bumababa. Nakita ring problema ang korapsyon, at pag lalaan ng malaking pondo sa militar at bayad utang.

Sa lokal na datos, ipinakita ng Liga ng Kabataang Moro ang malalang sitwasyon ng mga eskwelahan ng Cotabato City kung saan karamihan sa mga mag-aaral ay nagsisiksikan sa loob ng isang classroom, may average ang teacher to student ratio na 1:65, paaralan na umaabot hanggang 3shifts, kakulangan sa libro at iba pAng facilities, at paniningil ng mga eskwelahan para sa operating expenses na sana’y sinasagot na ng gobyerno.

Nanawagan rin ang mga dumalo na sana’y sundin at isakatuparan ang UNESCO prescription na 6% GDP budget allotment para sa edukasyon . Nang sa ganun ay agarang masolusyunan ang mga nakitang problema ng kasalukuyang sistema ng edukasyon.

Sa pagtatapos ng consultation ay nabuo ang isang Alyansa Laban sa K+12, o ang No to K+12 Alliance – Cotabato Formation na naglalayong kalampagin ang kongreso at biguin ang proposal ng Department of Education na dagdagan ng dalawang taon ang basic education. ##
 

     
           
     
     
     
     
           
**          

 

 
 

Google