Lakbayan ng Mzgsasaka para sa lupa at hustisya

laban sa hacienderong rehimen ni Noynoy Aquino

 

Day 1-2

 

■   Day 3      ■   Day 4

 

October 18-19, 2010

 

 

  Señor Haciendero effigy
   
   
/p

/p
Photos courtesy of  Tudla, KMP-National and KMP-SMR as indicated by the filenames
     
     
     
           

 

PRESS RELEASE
October 18, 2010
References:
Nestor Villanueva (09104552054) | Spokesperson | KASAMA-TK
Andrianne Mark Ng (09993696639) |Spokesperson | BAYAN - ST

Sa kabila ng banta ng super-bagyong Juan,
Lakbayan ng magsasaka inilunsad!

STA.ROSA, LAGUNA –Sa kabila ng bantang pananalanta ng bagyong Juan, magiting at walangalinlangang nagmartsa ang humigit-kumulang isang libong mga magsasaka upang simulan ang apat na araw na kilos-protesta patungong Mediola na tinaguriang “Lakbayan ng Magsasaka Laban sa Hacienderong Rehimen ni Noynoy Aquino.“

“Alam naming mas matindi pang mga bagyo ang daranasin ng mga magsasaka sa ilalim ng rehimen ni Aquino kung hindi kami kikilos ngayon,“ ayon kay Nestor Villanueva, tagapagsalita ng Katipunan ng mga Samahan ng Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK)

Ngayong araw, sa unang Lakbayan ng magsasaka sa ilalim ng bagong rehimen ipinakita ng mga grupo ang kauna-unahang effigy ni Aquino. Suot ang U.S. cowboy hat , hawak ang latigo habang nakatuntong sa arko ng “Haciendero Republic,” naninigarilyo at binansagang “Señor Haciendero,” ito ang sumisimbolo sa kasalukuyang katangian ni Aquino: ang bagong “tuta ng Estados Unidos, pasista at pahirap sa mga magsasaka.”

Tatahakin nila ang daan mula Timog Katagalugan tungong Kamaynilaan bitbit ang mga panawagan para sa pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa, karapatan sa panirahan, pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal at pagpapatigil sa militarisasyon sa kanayunan.

“Malinaw na ang Lakbayang ito ang tanging daang tatahakin ng mga magsasaka – ang mapangahas na daan ng pakikibaka para sa aming karapatan sa lupa at hindi ang huwad na ‘Daang Tuwid’ ni Noynoy Aquino. Ang unang isandaang araw ni Aquino ay walang ibinungang mabuti at sa halip ay lalong nagpahirap sa mga magsasaka,” saad ni Villanueva.

Kinukundena ng grupo ang kawalan ng administrasyon ni Aquino ng kaukulang aksiyon sa kabi-kabilang pangangamkam at pagpapalit-gamit ng lupa na sumisira sa kabuhayan ng mga magsasaka dahil na rin sa CARPER, ang huwad na batas sa reporma sa lupa.

“Repleksiyon ng hindi niya pagbanggit sa reporma sa lupa sa tatlo niyang talumpati ang kanyang kawalan ng kongkretong plano upang tugunan ang hinaing ng mga magsasaka,” dagdag ni Villaneuva na tinutukoy ang panunumpa, SONA at talumpati sa ika-100 araw ni Aquino na pawang walang-banggit tungkol sa reporma sa lupa.

Sa tala ng KASAMA-TK, di-bababasa pitong (7) mga hacienda sa Timog Katagalugan ang hindi pa rin ipinapamahagi sa mga magsasaka na may tinatayang kabuuan na 40,000 hektaryang lupain. Ang 7,100 hektaryang Hacienda Yulo na mas malaki pa sa Hacienda Luisita ay hindi pa rin ibinabahagi sa mga magsasaka, habang patuloy ang karahasang dinaranas ng mga residente nito sa loob ng Sitio Buntog, Brgy. Canlubang, Laguna sa pagpasok-labas ng mga militar.

Ayon kay Eric Laurel ng Samahan ng mga Mamamayang Nagkakaisa sa Buntog (SAMANA-Buntog), patuloy pa rin ang banta ng pagpapalayas sa mga residente nito kahit mayroon pang nakabinbin na apela laban sa panukala ng Laguna Estate Development Corp. at San Cristobal Realty Corp. na gawing golf course at subdibisyon ang lupain. “Nagbabalat-kayo ang pagbisita ng mga militar sa mga diumano’y medical mission o community program, na ang kasunod ay ang pagtatanong nila tungkol sa kung sino ang mga namumuno sa organisasyon at kung may mga dumadaang mga rebelde daw sa amin,” ani Laurel.

Bukod sa pandarahas ng militar at naka-ambang pagkawala ng panirikan at kabuhayan ng mga magsasaka sa kanayunan, kabi-kabila rin ang demolisyon sa Laguna at Cavite upang bigyang-daan ang itinatayong riles ng Philippine National Railways (PNR). Ayon pa sa mga residente na ni-rellocate sa Southville 7 sa Calauan, Laguna, madali silang nagkakasakit dahil sa kawalan ng tubig at maayos ng sewage system at mahigit 90% sa kanila ay walang tiyak ng hanapbuhay.

Samantala, may naitala nang 16 na kaso ng extra-judicial killings (EJK) kung saan lima dito ay mula sa probinsya ng Rizal at ang ilan ay pawang mga miyembro ng grupo ng katutubong KATRIBU partylist.

Naitala rin ang illegal na pagaresto sa tinaguriang “Lumban 3” na sila Darwin Liwag, pangalawang tagapangulo ng KASAMA-TK at pangkalahatang kalihim ng Pagkakaisa’t Ugnayan ng mga Magbubukid sa Laguna (PUMALAG), kasama ang dalawa nitong staff na sila Rey Malaborbor at Aries Suazo. Hanggang sa ngayon ay wala pang kasong nareresolba sa mga nabanggit na naitalang mga kaso ng pampulitikang panunupil.

“Sa patuloy na pagkakalugmok ng mga mamamayan sa kahirapan at karahasan, hindi natin kailangan ang retorika o kung ano pa mang pangako ni Aquino. Kaya’t inaasahan na ng mga magsasaka na hindi sa pagbunot sa ugat ng kahirapan ilalaan ang mahigit isang trilyong badyet ng gobyerno para sa 2011,” ani Andrianne Mark Ng, tagapagsalita ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST).

Kamakailan ay inaprubahan na ng House of Representatives ang P1.654 trilyong badyet para sa 2011 kung saan pinaglaanan ng P32.3 bilyong badyet ang repormang agraryo. Ani Ng, ang P32.3 bilyong budget na ito ay gagamitin lamang upang lalong yumaman ang mga panginoong maylupa tulad ni Aquino.

Sa apat na araw na Lakbayan, tanaw ng mga magmamartsa ang panunupil na gagawin ng mga elemento ng militar at pulis sa kanilang nagkalat na mga checkpoint sa rehiyon. Tingin pa nila, ang pagpapatupad ng election-gun ban ay maaaring gamitin ng mga militar at pulis upang sampahan ng gawa-gawang kaso at pigilan ang mga magsasaka na makarating ng Kamaynilaan.

”Gayunpaman, hindi kami matitinag sa pagbigwas sa administrasyon ni Aquino na nagpopostura lamang na maka-mamamayan. Sa simula’t sapul, ang kanyang tunay na boss ay hindi ang mahihirap kundi ang kanyang sariling angkan, dahuyang kapitalista at malalaking negosyante,” ani Villanueva.

Nakatakdang makatapak ng Kamaynilaan ang mga magsasaka ngayong gabi sa Muntinlupa na kung saan maglulunsad ng solidarity program sa pagsalubong ng mga maralitang tagalungsod. Kinabukasan ay tutulak ang Lakbayan ng Alabang upang ipagpatuloy kanilang mga panawagan. #

Para sa karagdagang impormasyon, kumontak kina Roge (09394635689) o Jonelle (09168785153)

 

 
     

Ang mga plakard na bitbit ng mga Lakbayani na nagsasaad ng kanilang mga panawagan ay mga bahagi ng isang buong imahe na nagpapakita ng daan-taong pakikibaka ng mga magsasaka laban sa pagsasamantala ng mga panginoong may-lupa. Hindi iba si Noynoy Aquino sa mga hacienderong patuloy na nagpapahirap sa kanilang kalagayan. - KMP caption

 

Isang pangkulturang pagtatanghal ang inihandog ng kabataan ng NCR sa mga magsasaka na nagmartsa sa pangalawang araw ng lakbayan. Sa pamamagitan ng isang awit na sila mismo ang gumawa, nagpahayag ng mainit na pagsuporta ang mga nagsitanghal mula sa NCR sa panawagang lupa para sa mga magsasaka. Sumalubong ang mga tinaguriang Lakbayani ng NCR sa iba pang mga Lakbayani mula sa Timog Katagalugan at Bicolandia sa Alabang, Muntinlupa City.

 

           
     
     
     

 

 

CONTACT PERSONS:

Field Media Liaisons: ROGE 09394635689 |JONELLE 09168785153

Media Center: JULIEN 09154315673 / 02-434-6957

 

OCTOBER 18-21

LAKBAYAN NG MGA MAGSASAKA PARA SA LUPA AT HUSTISYA LABAN SA HACIENDERONG REHIMEN NI AQUINO

 

Peasants will slam the Haciendero Republic of Noynoy Aquino after more than 100-days in office that has no clear plan on how to address the issues on land reform in the country but rather continues Gloria Arroyo’s state terrorism in addressing the peasants’ grievances.  

 

The marathon protest march dubbed as “LAKBAYAN NG MGA MAGSASAKA PARA SA LUPA AT HUSTISYA LABAN SA HACIENDERONG REHIMEN NI AQUINO” will start-off at Calamba, Laguna on October 18 and culminate in Mendiola Bridge on October 21. The march will pass through key offices and highlight local peasant issues calling for genuine agrarian reform and put an end to militarization in the region.

 

DAY-TO-DAY SCHEDULES AND MEDIA HIGHLIGHTS:

 

OCTOBER 18

Location: Laguna

 

9:00A.M. – 10:00A.M.          Send-off program at Crossing, Calamba City

Media Highlights:

·        Unveiling of “Señor Haciendero” effigy symbolizing Noynoy Aquino’s military rule as peasant exploiter in the country.

·        Peasants from Hacienda Yulo will join the march to Manila

·        Urban poor victims of demolitions such as Sitio Kabute in Calamba and Sitio Mulong in San Pedro will also merge with the protesters

 

OCTOBER 19

Locations: Alabang to Baclaran

 

9:30A.M.                      Manila entry and arrival at Alabang

with welcoming program

Media Highlights:

·        “Napasong Pangako”, 2-feet high plant-pots containing different crops will be smashed symbolizing the ambition of peasants to own their land still remain as an ambition because of Noynoy Aquino’s broken promises.

·        Peasants denounce the 20th Anniversary of CALABARZON project

 

4:30P.M. –  5:30P.M.   Cavite marchers merge with main contingent

via Zapote Road

6:30P.M.  –          7:00P.M.    Merging of NCR marchers with main contingent

at Baclaran Church

Media Highlights:

·        Peasants from Hacienda Yulo and indigenous people from Rizal will merge with the main contingent

·        Cultural night and candle lighting ceremony in honor of peasant victims of extrajudicial killings and other martyrs of Southern Tagalog

 

 

OCTOBER 20

Locations: Makati to Quezon City

 

5:00A.M. – 6:00A.M.  Peasants to attend morning mass at Baclaran Church

                                                offer prayers for land and justice  

9:00A.M. – 12:00N.N. Landlords and land developers’ office hopping

                                                Protests actions at Makati:

Cojuangco Building

                                                          Philippine Stocks Exchange

                                                          Yulo Office

Media Highlights:

·        Unveiling of “Yellow Ribbon-coated Chain” representing that behind the yellow-illusion is the hundred-years exploitation and persecution to peasants.

 

5:30P.M.                       Program at National Housing Authority via EDSA

6:30P.M. – 7:00P.M.    Arrival at Department of Agrarian Reform

                                                and start of Cultural night

Media Highlights:

·        Solidarity night Fiery October: Song, Dance, and Poetry for Land and Justice

·        “Pintang-iglap” performance at Solidarity Night

 

OCTOBER 21

Location:  Mendiola

 

9:00A.M.                      Start of march from DAR, Quezon City to Mendiola

11:00A.M.– 3:00P.M.  Program at Mendiola

Media Highlights:

·        Effigy burning of “Señor Haciendero”

 

     

Nagsama-sama ang mga magsasaka mula sa iba't-ibang parte ng Timog Katagalugan gaya ng Laguna, Cavite, Batangas, at maging ng Bicolandia, upang magmartsa patungo sa makasaysayang pook ng Mendiola. Ang apat na araw na Lakbayan ng Magsasaka para sa Lupa at Hustisya, Laban sa Hacienderong Rehimen ni Aquino ay porma ng maigting na pagkundena sa maka-hacienderong katangian ng kasalukuyang administrasyon at panawagan para sa tunay na repormang agraryo.

     

Bilang panangga sa patuloy na pagbuhos ng ulan, nagsuot ng mga plastic bag ang mga Lakbayaning hindi nagpatinag sa kanilang martsa upang ipanawagan ang tunay na repormang agrayo at ilantad ang katangian ng hacienderong rehimen ni Aquino  - KMP caption

           
           
       

Bitbit ang iba't ibang panawagan mula sa loob ng pamantasan patungo sa lansangan, nakiisa ang mga kabataan ng Timog Katagalugan, sa pangunguna ng Kabataan Partylist - UPLB, sa apat na araw na martsa ng mga magsasaka sa Lakbayan upang kondenahin ang hacienderong rehimeng Aquino sa pahirap na dulot nito sa mga mamamayan, higit lalo sa mga magsasaka.

=          
==          
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas - Shern Mindanao Region kicks off Lakbayan press conference
     

 

PRESS RELEASE
October 19, 2010
References:
Nestor Villanueva (09104552054) | Spokesperson | KASAMA-TK
Andrianne Mark Ng (09993696639) |Spokesperson | BAYAN - ST

‘Magsasaka sa kanayunan pinakakawawa sa hagupit ng panahon’
Bagyong Juan ‘di hadlang sa pagtutuloy ng martsa-protestang Lakbayan

Ipinahayag ng mga magsasaka mula sa Timog Katagalugan na hindi hahadlang ang bagsik ng bagyong Juan sa kanilang pagpapatuloy ng martsa-protesta na binansagang Lakbayan ng Magsasaka Para sa Lupa at Hustisya, Laban sa Hacienderong Rehimen ni Aquino.

“Sa paghagupit ng panahon, ang mga kapatid naming magsasaka sa Gitna at Hilagang Luzon ang pinakakawawa dahil sa masisisira nilang hekta-hektaryang ani. Sa kabila nito, lalo pa silang mababaon sa hukay ng utang dahil sa sistema ng kalakaran sa pagitan ng panginoong maylupa at mga ahente nito,” ani Nestor Villanueva, tagapagsalita ng KASAMA-TK. Saad pa niya, nananatiling 7 sa 10 mga magsasaka ang hindi nagmamay-ari ng lupaing kanilang binubungkal kaya’t sa panahon ng bagyo, labis pa sa “Signal No. 4 ang epekto sa kanila.”

Ipinanawagan ng mga militanteng grupo ang pagkundena sa kawalan ng kaseryosohan ng administrasyon ni Noynoy Aquino na tugunan ang hinaing ng mga magsasaka ukol sa tunay na repormang agraryo. Ani Villanueva, patuloy na nililihis at hindi tinutugunan ni Aquino ang pundamental na usapin sa lupa.

Kagabi, pagtapak ng mahigit 500 magsasakang nagmamartsa sa Muntinlupa ay sinalubong sila ng matinding hangin at ulan subalit hindi nagpatinag at sa halip ay tuloy-tuloy sila sa pagmartsa. Tulong-tulong ang mga magsasaka upang hindi mabasa, gamit ang kanilang mga plakard, streamers at tarpaulin bilang panangga sa ulan.

?"Kung kami'y lagnatin man at magkasakit sa pagmartsa namin sa ilalim ng ulan dito sa kalunsuran, wala ito kumpara sa karahasan at kamatayang dala ng mga elemento ng militar sa kanayunan. Tuloy ang aming martsa, tuloy ang aming laban hanggang Mendiola!" sabi pa ni Villanueva.

Sa rehiyon ng Timog Katagalugan, naitalang 5 katutubong magsasaka na ang pinsalang magmula nang maupo sa pwesto si Aquino. Patuloy din ang panunupil sa mga magsasaka tulad ng iligal na pag-aresto sa tinaguriang “Lumban 3” na sila Darwin Liwag, pangalawang tagapangulo ng KASAMA-TK at pangkalahatang kalihim ng Pagkakaisa’t Ugnayan ng mga Magbubukid sa Laguna (PUMALAG), kasama ang dalawa nitong staff.

Ngayon araw, nagmartsa ang mga magsasaka tungong Alabang at naglunsad ng programa sa ilalim ng ulan. Bitbit nila ang isang dambuhalang paso na sumisimbolo sa “Napasong Pangako” ni Noynoy Aquino sa mga magsasaka. Ang pagpapatuloy ng mga polisiya tulad ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) ay lalo lamang naglalaan ng puwang para sa land-grabbing at land use conversion.

Sa pagsunod din ni Aquino sa Oplan Bantay Laya sa kabila ng mga aral na naging daan lamang ang programa kontra-insurhensiya para sa libu-libong paglabag sa karapatang pantao sa panahon ni Arroyo ay malinaw na ipinakita ni Aquino na panunupil sa mga magsasaka ang pagpapakahulugan niya sa pagtahak ng “Daang Matuwid.”

?"Hindi kami matitinag sa paglunsad ng Lakbayan sapagkat ang kailangang managot at matakot sa bagyong ito ay ang administrasyon ni Noynoy na patuloy na binubusabos ang mga magsasaka at maralita. Sa mga susunod na panahon, hahagupit na ang bagyo ni Juan dela Cruz para sa tunay na repormang agraryo," sabi ni Villanueva.

Para sa karagdagang impormasyon, kumontak kina Roge (09394635689) o Jonelle (09168785153)

 

 

THUMBS DOWN. The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas - Southern Mindanao together with other peasant group leaders booed President Benigno Aquino the III regime because of it's anti-farmer and anti-lumad policies, and for being a puppet to United States. KMP-SMR will hold a 3 day mass movement, october 21-23, 2010 in southern-Mindanao in line with the celebration of peasant month this october.

Photos courtesy of KMP-SMR

 

           
     
           
           
Video
     
     
 
           
**          

 

 
 

Google