Pagpupugay kay Jerome Clark Barredo

1987 - 2010

 

November 4, 2010

/p

 

 

     
   
   
/p

/p
 
           

x

Pagpupugay sa'yo Jerome Clark Barredo!

by Robert Ray Villanueva Medrano

on Monday, November 1, 2010 at 1:33pm

 

Marahil ay hindi na naabutan ng mga bagong henerasyon ng mga PNUAN at mga aktibista sa normal si Jerome Clark Barredo o si Jero sa mga kasama. Pero hindi matatawaran ang kanyan mga kontribusyon sa paghuhubog sa kamalayan ng mga PNUAN. Sa bawat guhit, pagsulat at papinta, kagyat na napapatampok ang mga napapanahong isyu ng pamantasan tulad ng TUITION AND OTHER FEE INCREASES, PNU BUDGET CUT, CAMPUS REPRESSION at marami pang iba. Sadyang napakahirap para sa isang aktibistang 'visual artist' kung papaano maipaparating sa masang estudyante ang mga isyu pamamagitan ng mga likhang sining. Pero ito ang pinakamahusay na talento ni jero.Sining na nagmula sa masa, para sa masa.

 

Ipinanganak si Jero noong January 4, 1987. Mabait ang kanyang ina na nagpalaki sa kanya sa pamamagitan ng pag kakasambahay. Kahit hindi tapos sa pagaaral ang kanyang nanay, nagawa nitong igapang si jero at ang kayang tatlong step-sisters sa pag aaral. Ang kanyang ama naman ay iniwan sila noong sanggol palamang sya.

 

Simpleng bata lang si jero. Maliit at talentado. Bihira ang mga batang katulad ni jero na pinilit magpakabuti kahit walang gabay o nakagisnang Ama. Mahusay sayang magdrawing, tumugtug ng gitara at Kumanta ng mga Progresibong kanta tulad ng rosas ng digma at marami pang iba.

 

Kilala si jero sa kanyang mga signature lines tulad ng "Machura ka!, Chura mo Gurl! Astig! Sosyal! In fairness! T****** at Moda ka gurl!".

 

"Tol, papatak naman hindi pa kasi ako nagla-lunch" ito ang isa sa mga linya ni kulot o jero... Dahil sa batid naming mga aktibista na hindi sapat ang ibinibigay na baon ng aming mga magulang... sinisikap namin na sa kahit papaano ay mairaos ang araw-araw na pagpasok sa kolehiyo habang nakikibaka bilang mga lider-estudyante. Pinagkakasya namin ang mga papiso-pisong kontribyusyon ng mga kasama para makabili ng kanin at ulam at sama-sama kaming kumakain.Tulungan kami lagi sa lahat nga aspeto.

 

Matapos makagraduate, nakapagturo pa sya sa isang pribadong paaralan nang tatlong buwan bago siya tuluyang igupo ng kanyang karamdaman. Noong gabi ng October 27, 2010 tuluyan nang sumuko si jero sa ilang taong paglaban sa kanyang sakit sa spleen.

 

*Si jero ay naging visual , layout artist at staff ng THE TORCH PUBLICATION, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan Normal ng Pilipinas (2004-2007). Miyembro ng Campaign and Propaganda Commitee ng ANAKBAYAN-PNU (2005-2007) at STUDENT ALLIANCE FOR THE ADVANCEMENT OF DEMOCRATIC RIGHTS IN PNU (2005-2007). Nahalal na Legislator ng SG-Legislative Body 13th Student Assembly (2008-2009).

 

----------------------------------------

 

Bok Jerome Clark Barredo, Kaya mo yan! dito lang kami!

by Robert Ray Villanueva Medrano on Sunday, June 20, 2010 at 12:47am

Marahil ay hindi na naabutan ng mga bagong henerasyon ng mga PNUAN at mga aktibista sa normal si Jerome Clark Barredo o si Jero sa mga kasama. Pero hindi matatawaran ang kanyan mga kontribusyon sa paghuhubog sa kamalayan ng mga PNUAN. Sa bawat guhit, pagsulat at papinta, kagyat na napapatampok ang mga napapanahong isyu ng pamantasan tulad ng TUITION AND OTHER FEE INCREASES, PNU BUDGET CUT, CAMPUS REPRESSION at marami pang iba. Sadyang napakahirap para sa isang aktibistang 'visual artist' kung papaano maipaparating sa masang estudyante ang mga isyu pamamagitan ng mga likhang sining. Pero ito ang pinakamahusay na talento ni jero.Sining na nagmula sa masa, para sa masa.

Ngayon, si Jero ay may nilalabanang karamdaman.Siya ay may lymphoma (see http://en.wikipedia.org/wiki/Lymphoma). Nito lamang nakaraang lingo, tinangihan na siya ng kanyang mga doktor sa kadahilanang hindi na kayang lunasan ang kanyan sakit.Nagkaroon narin ng komplikasyon an kanyang mga organs.

Suportahan natin si Jero! Sa mga kasama, kaibigan, kaklase at nakakilala sa kanya, pwede nyo syang sadyain sa kanilang bahay sa marikina. Gayundin, maari din tayong magpost sa wall ng Facebook account ni Jero http://www.facebook.com/profile.php?id=569184797 upang kahit papaano ay maiparating natin na mahal natin sya at wag syang sumuko sa kanyang karamdaman.

*Si jero ay naging visual , layout artist at staff ng THE TORCH PUBLICATION, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan Normal ng Pilipinas (2004-2007). Miyembro ng Campaign and Propaganda Commitee ng ANAKBAYAN-PNU (2005-2007) at STUDENT ALLIANCE FOR THE ADVANCEMENT OF DEMOCRATIC RIGHTS IN PNU (2005-2007). Nahalal na Legislator ng SG-Legislative Body 13th Student Assembly (2008-2009).

 

     
     
           
   

 

No title ( jero wrote this poem)
by Roni Uy on Monday, November 1, 2010 at 10:03pm
Jero gave me this poem dated April 27, 2006

I was sitting on a bench
waiting...
Suddenly came a friend
asked me to sit beside me
She promised me
Then, she left.

I was alone again
On this very bench
waiting...

Then I saw someone
passed by I looked
and asked her to sit with me
Puzzled, then she left.

Now, I'm tired of this bench
waiting...

I was supposed to leave it
But...
I've seen you and abaft
came, and sat with me
in all else
Will you leave me again?
 

 
 
   
           
     
     
     
=          
==          
     
     
           

 

Paalam at Taas kamao para sayo Jiro, kulot!
by Joanna Rose Adenit-Rodriguez

on Saturday, October 30, 2010 at 10:44pm
http://www.facebook.com/notes/joanna-rose-adenit-rodriguez/paalam-at-taas-kamao-para-sayo-jiro-kulot/470788433208


Makulay at maaksyon ang naging buhay ni jiro sa PNU bilang isa sa mga nakasama niya sa pamantasan at masasabi kong kahit paano ay naging malapit na din kami. Visual artist ng The Torch Publication opisyal na pahayagan ng PNU si Jiro o Kulot. Miyembro din siya ng Anakbayan at SCM. Masikhay at agit siya sa pagkilos sa loob at labas ng pamantasan. No to tuition increase! Democratic freedom! Ang pagpasok ng militar sa aming pamantasan. Mga isyung kinaharap namin na kasama si Jiro. Lagi din siyang sumasama sa mga BMI o basic masses integration sa kanayunan para mas lalong malaman at intindihin ang tunay na kalagayan ng mga inaapi at pinagsasamantalan at dahil dun masasabi kong isa siyang tunay na manunulat at hindi desk writer lamang. Naging malapit kami nung magkasama kami sa isang Fact Finding Mission sa ST para sa mga extrajudicial killings na naganap sa rehiyon na yun.Nagtaghal kami sa mga manggagawa na nagpiket sa Nestle kumanta kami ng Anak ng Bayan at siya ang naggitara. Naalala ko pa nung magkasama kami sa isang pag-aaral, bilang pagtatapos, naghanda ako ng isang presentasyon kinanta ko ang Anak ng Bayan at siya ang naggitara. Kaya masasabi kong isa sa mga paborito niyang kanta ang Anak ng Bayan.

Makalipas ang mahigit dalawang taon nang muli kaming magkita ni jiro.Papasok ako nun sa trabaho ng biglang magtext sa kin si Katherine 'K' Vera at Robert Ray Medrano na pinapatawag daw kami ni Jiro. Importante daw at kelangan daw pumunta. Dahil sa pag-aalala pinagpasyahang kong magpalate sa trabaho at saglitin muna si Jiro. Nagulat ako nang makita ko ang kanyang itsura. Payat na payat at malaki ang tiyan. Di ko lubos maisip na sa napakaikling panahon ay ganun kabilis bumagsak ang kanyang katawan. Di ako halos makapagsalita. Niyakap niya ako at sinabihan ng I lab Yu Mama Jr.. Yun kasi ang tawag ng mga taga PNU sa akin, Mama jr.. Gusto kong mapaiyak sa kanyang sinabi kasi parang bang sinasabi niya na "aalis na ako". Hindi siya malungkot kung kaharap niya kami. Palagi siyang nagpapatawa.. Sinabihan pa nga ako ng imbis pa-vertical ang aking paglaki pa-horizontal pero agad naman niyang binawi na kahit nanay na ako ay maganda pa din ako.. Hindi pa din nagbabago ang kakulitan niya. Ganun pa din siya mahigit dalawang taon na ang nakalipas. Ngayong pinahinga muna ang iyong pagod na katawan. Asahan mong ipagpapatuloy namin at ng sambayanan ang ating mitihiing lumaya.

Pagpupugay sayo Kulot! I labee...

     
 
           

 

She said...

And as you sat by on that bench
where I found you
You looked deep into my eyes
And asked if I'll leave you like the others

A soft laughed escaped my lips
I thought it was a joke
But as you set your eyes into mine
I know you weren't joking at all

I sat beside you for comfort
You doubtfully gaze at me
Fear of rejection has eaten up your senses
Don't you have any faith in me?

I showed you the empty benches around us
Waiting to be occupied by me
I touched your hand and smiled
It is your bench I'll be staying in


Thank you jero

 

--------------------------------

 


 

 
 
           
     
 
  More of Jero's aret works
**          

 

  
 

Google