Lester Barrientos of the Southern Tagalog Cultural Network: Artist, Martyhr

Killed during an AFP military operation in violation of the Christmas ceasefire truce

 

Mindoro

December 23, 2010

/p

 

 

     

Kung Maari Sanang Dayain Ang Mata

ni Axel Pinpin


Kung maari sanang dayain ang mata
at sarili at ang unawa
na ang mga salitang bumulaga sa abiso
ay Koronel, Kapitan o Sarhento
at hindi ang pamilyar na Lester;
...nang sa gayo’y sinusulat ko sana ang tulang ito
sa itim na dugo ng buwitreng nagsasundalo
at hindi sa pulang dugo ng kabataang
naglingkod para sa Bayan.

[Sa alaala ni Lester Barrientos ng Southern Tagalog Cultural Network)

 

 

   

newsinfo.inquirer.net

CITY OF CALAPAN, PhilippinesA cultural worker, who was supposed to visit his father on Christmas, was killed in a military operation in San Jose town, Occidental Mindoro, on Thursday, according to the youth group Anakbayan.

 

 

pinoyweekly.org

Progressive news magazine in the Filipino language with news and analysis, feature and investigative stories, and multimedia content.

 

 

 

/p

/p
 
           
     

 

 

ANAKBAYAN

TIMOG KATAGALUGAN

 

PRESS RELEASE       

December 25, 2010               

 

References:

Neil John Macuha (contact # 09993850584)

Deputy Secretary General, Anakbayan-TK

Glen Malabanan (contact # 09298079415)

Deputy Secretary General, Karapatan-ST

                                                                               

Youth cultural worker slain in Mindoro military operation,

Groups condemn military’s violation of ceasefire

 

On the eve of Christmas day, youth groups and human rights advocates led by Anakbayan Timog Katagalugan and Karapatan Southern Tagalog condemn the Armed Forces of the Philippines (AFP) based in Mindoro for violating the ceasefire with the New People’s Army (NPA) that led to the slay of a youth cultural worker.

 

A son’s Christmas visit

Stephen Lester Barrientos, 19-years old and a member of the Southern Tagalog Cultural Network was killed by the AFP’s 80th Infantry Batallion (I.B.) when the military launched an offensive operation within San Jose, Occidental Mindoro last December 23.

 

Barrientos -or more fondly called by his friends as “Lester”, was set for a Christmas visit for his father in the same area and day.

 

“He was happy because of the ceasefire. Before he left for Mindoro he was excited and even confident that no harm will happen in his visit because of the declared ceasefire,” Neil John Macuha, Anakbayan deputy secretary general said.

 

Macuha said Lester even told them he would bring back a pasalubong when he got back from his trip –only to find out he wouldn’t even make it in time for Christmas with his father.

 

Anakbayan-TK slammed the military for not adhering to the protocol for ceasefire. “Why must the youth be a victim of the killings from the military themselves, aren’t they supposed to protect us?” he added.

 

“Act of Betrayal”

In a press statement, the Lucia de Guzman Command (LGDC)-NPA Mindoro said that the 80th I.B. made an “act of betrayal” when they launched an offensive operation at an NPA team stationed in Brgy. Bayotbot midnight of December 23.

 

The NPA were forced to flee to avoid any victims of crossfire from civilians in the area. The military also illegally arrested 3 civilians in the said operation.

 

Considered as one of the longest Christmas truce in Philippine history, the AFP and NPA have agreed to observe a ceasefire from December 16, 2010 to January 3, 2011 as part of a confidence-building measure before peace talks resume in the first quarter of 2011.

 

The LGDC-NPA Mindoro branded 80th I.B. Lt. Col. Roger Percol’s statement of “respect for the ceasefire” as a “big fraud and only propaganda” because in truth, offensive military operations continue in the province. They condemned the AFP for not holding their part of the truce.

 

A dedicated cultural worker

Since November 2006, Lester became a fulltime member of the cultural group Southern Tagalog Cultural Network (STCN) after dropping out of the Batangas State University due to financial difficulties. The STCN hones its members on the fields of theater, dance and music concerned in depicting the plight of the youth and others sectors of Philippine society.

 

“He was a dedicated cultural worker –his youthfulness vibrant in every street play he was involved in. His death is not only our loss but of every youth and cultural worker. He lived a life of selfless sacrifice –making sure that everything he offers can allow people to understand and engage them more to join struggle,” Macuha said.

 

Lester was an active part of many cultural performances in Southern Tagalog as well as in the National Capital Region including Daluyong (Anakbayan-TK’s 10th Anniversary Cultural Play), Gawad Eden Marcellana, Arangkada (Aral at Sining ng Kabataan sa Kalsada) as well as in the Lakbayan peasant marches and Labor Day commemorations. He was also involved in cultural workshops and street plays at picket lines, protest camps, far-flung rural areas and urban poor communities.

 

His last performances were during the November 30 No to education budget cut mobilization at Crossing, Calamba City and the December 9 and 10 Human Rights Caravan from Quezon Province to Mendiola in commemoration of the 62nd International Declaration of Human Rights.

 

“We demand justice!”

“We demand justice to what happened! It is apparent that the military is not serious in its ceasefire. The 80th I.B. should be punished for their ceasefire violation,” Macuha stressed.

 

Meanwhile, Glen Malabanan, Karapatan-ST deputy secretary general said that the human rights group regrets to account another record of extrajudicial killing under Aquino’s administration –this one even right before Christmas.

 

Lester is the 23rd victim of extrajudicial killings in Southern Tagalog under the first 6 months of Noynoy Aquino. Karapatan denounces Aquino’s policy of continuing Gloria Arroyo’s Oplan Bantay Laya which paved the way for countless human rights violations in the country.

 

“The year 2010 will already end and yet here we see more killings where military elements are the culprits. Will 2011 be any different or will the peace talks only serve as a cloak to hide Noynoy Aquino’s bloody plan for the people?” Malabanan said. #

For more details, contact 09993850584 or 09298079415.

 

 

 

 

In a street performance on the 100th day of PNoy
     

NEWS REPORTS:

 

  • Groups condemn military's violation of ceasefire | Remate

    25 Dis 2010 ... Stephen Lester Barrientos, 19-years old and a member of the Southern Tagalog Cultural Network was killed by the AFP's 80th Infantry ...
    www.remate.ph/?p=15193

    Get more results from the past 24 hours

  •  

    Pinoy Weekly | Kabataan, napaslang sa paglabag ng AFP sa tigil-putukan

    25 Dis 2010 ... Lester Barrientos (gitna, naka-puti), miyembro ng Southern Tagalog ... Occidental Mindoro si Stephen Lester Barrientos, isang 19-gulang na ...
    pinoyweekly.org/.../kabataan-napaslang-sa-paglabag-ng-afp-sa-tigil-putukan/

  •  

    philippines | Tumblr

    Isang cultural worker si Stephen Lester Barrientos. 19-year old na siya. Mula nung ma drop siya sa Batangas State University, naging full time na si Lester ...
    www.tumblr.com/tagged/philippines/page/2/2449521846

  •  
               
         
               
       
               
    =          
    ==          
         

     

    From the Facebook posting of Jun Saturay

     

    Lester was like a son. He played together with my children, the children of many... others like us. His parents were fellow activists whom I work closely with. A few months ago, his older brother, Cristopher, was killed by soldiers. Today, I received news that he too had been killed. Lester and Christopher were in their early 20s.

    I have lost count of how many of my friends have been murdered by the tyrants. Many of them were like my own family... Bong, Erwin, Choy, Eman, Leima, Eden, Juvy, Speed and Manuela... far too many to list all names...

    I grieve but I have stopped mourning.

    I remember the Swedish migrant and labor activist Joe Hill who was executed in America. On the eve of his execution, he sent a message to his comrades. "Don't mourn," he said. "Organize!"

    That I shall do. I promise, Lester.See More
    By: Jun Saturay

    ------------------------------

     

    Liham kay Lester Barrientos, martir na manggagawang pangkultura, martir na anak ng bayan
    by Jun Saturay on Tuesday, December 28, 2010 at 3:03am

    Mahal naming Lester,

    Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo. Parang sasabog ang dibdib ko sa galit...

    Ang dami ko sanang gustong sabihin sa iyo, kaya lang hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na muling mag-usap at magkamustahan... Halos sampung taon na mula nung huli tayong nagkita... mula noong naghati tayo sa kaning lamig at sardinas sa isang plastik na plato noong nasa campout tayo sa DAR... tapos nagkantahan tayo kasama pa ng ibang miyembrong KWERDAS NG BAYAN... Ang bata mo pa noon pero ang sipag mo na sa paggampan ng mga gawain...

    Naaalala ko pa na tuwang-tuwa kami nang unang tumuntong kayo sa entablado sa Mendiola bilang Lupon ng Pinagkaisang Tinig ng Mindoro Oriental o LUPIT-MO --- mga "batang paslit" na umaawit ng makabayan at rebolusyonaryong awit. Ikaw yata ang pinakabata sa grupo. Oo nga, kasama mo pa si kuya Tope... ang lupit!!!

    Nang makita ko ang mga larawan at video ng mga huling pagtatanghal ninyo nitong nakaraang taon, hindi ako halos makapaniwala na ikaw na nga iyon! Ang husay ng iyong pagkilos at makatotohanan ang paglalarawan mo ng paghihirap at paglaban ng sambayanan.

    Galak na galak kami na nagpatuloy at nagpakahusay ka sa gawaing pangkultura!

    Tapos, natanggap namin itong balita ng ginawa nila sa iyo...

    Basag daw ang mukha mo may tama ng bala bahagi ng panga...

    ...siguro gusto nilang pigilin ang malakas mong pagsigaw ng "Makibaka, huwag matakot!" pag nagtatanghal kayo sa lansangan...

    ...siguro ayaw nilang makilala namin ang iyong luray na katawan kasi alam nilang lalong magliliyab at mag-aalab ang apoy ng rebolusyon sa lahat ng nakapanood ng mga pagtatanghal ninyo...

    At may tama ka raw ng bala sa balikat at dibdib...

    ...siguro umaasa sila na mapipigil nila ang paglalarawan mo ng binabalikat na hirap ng sambayanan...

    ...siguro gusto nilang pigilin ang pagtaas mo ng kamao mo sa huling bahagi ng dula....

    ...siguro akala nila na sa pagtigil ng tibok ng puso mo ay mamamatay ang mapanlabang diwa sa masa na buong puso mong minahal...

    Pero nagkakamali sila.

    Mas maraming magtataas ng kamao at sabay-sabay na sisigaw ng "Makibaka! Huwag matakot!"

    Lalong naukit sa puso at isipan ang ala-ala ni Lester habang nagtatanghal sa lansangan: si Lester habang nilalarawan ang kahirapan ng masa... si Lester habang nakakapit-bisig sa isang eksena tungkol sa mga manggagawa sa piketlayn... Si Lester habang nakataas-kamao at sumisigaw ng "MAKIBAKA! HUWAG MATAKOT!"

    Lester, hayaan mong sabihin namin ngayon na mahal ka namin at magsisilbi kang inspirasyon sa patuloy na paggampan namin sa gawaing pangkultura!

    Humahanga at nagpupugay sa iyo,

    Dokjun

    ---------------------------------------

    Paglabag sa Tigil-putukan sa Mindoro
    Ka Higom Maragang

    Spokesperson
    Lucio de Guzman Command
    New People's Army-Mindoro
    Disyembre 24, 2010

    Mariing kinokondena ng LGDC ang tahasang paglabag na 80IB PA na nakatalaga sa Occidental Mindoro sa 19- araw na tigil putukan.

    Patraydor na sinalakay ng mga elemento ng 80IB ang isang tim ng NPA na nakahimpil sa isang bahay sa So. Upper Balading, Bgy Bayotbot, San Jose,Occidental Mindoro alas 12 ng hatinggabi ng Disyembre 23, 2010.

    Napilitang umatras ang mga NPA upang maiwasan ang pinsala sa mga masa sa lugar.

    Hinuli ng mga militar si Christian Bascos, 26 taong gulang at residente ng Magsaysay, MOC na dumadalaw sa kanyang kasintahan at 2 pa niyang kasamahan na dumadalaw din sa kamag-anak at nagpapaggamot.

    Isang malaking kasinungalingan at propaganda lamang ni Lt. Col Roger Percol, Bn Cmdr ng 80IB ang diumano'y pagrespeto nila sa CF habang tuloy naman ang paglunsad ng offensive military operations.

     

         

     

    Sumpa Na Naging Sumpa [HQ]

               
               

     

     

    National Democratic Front of the Philippines
    Negotiating Panel

    CONDOLENCE ON THE MARTYRDOM OF COMRADE LESTER BARRIENTOS
     

    30 December 2010

    We in the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Negotiating Panel convey our most heartfelt condolence to the family of Stephen Lester Barrientos, a valiant martyr of the Southern Tagalog Cultural Network, and to all his comrades and friends. We join you all in grieving the loss of this young and militant cultural artist who fell victim of the AFP's offensive military operation on December 23, 2010 in San Jose, Occidental Mindoro.

    We vigorously condemn this gross violation by the AFP of the concurrent unilateral Christmas ceasefires declared by the Government of the Republic of the Philipines (GRP) and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

    May the ultimate sacrifice and martyrdom of Stephen Lester Barrientos, his spirit of dedication and enthusiasm for the people's struggle for national and social liberation, give us additional strength and inspiration to carry forward the cause he lived and died for.

    On behalf of the NDFP Negotiating Panel:

    Luis Jalandoni
    Chairperson, NDFP Negotiating Panel

     

    ----------------------------------------------------------

     

    CPP blasts AFP ceasefire violations in Mindoro
    By CPP Information Bureau
    25 December 2010

    The Communist Party of the Philippines (CPP) today blasted the
    Philippine Army's 80th Infantry Batallion assigned in Mindoro for its
    sheer disregard of the current ceasefire agreement between the armies
    of

    the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) and the
    Government of the Republic of the Philippines (GRP).

    In their agreement, a ceasefire between the New People's Army and the
    military, paramilitary and police forces of the government began from
    the first minute of 16 December 2010 to the last minute of 3 January
    2011.

    The CPP said that the 80th IB's commanding officer never meant what
    he said when he declared that his unit would respect the ceasefire
    agreement.

    "Instead, Lt. Col Roger Percol treacherously deployed his forces to
    strike against a unit of the NPA that was visiting a house in Sitio
    Upper Balading, Bgy. Bayotbot, San Jose, Occidental Mindoro. At
    midnight last Thursday, forces of the 80th IB assaulted the house. To
    avoid the residents being hit in an exchange of gunfire, the NPA
    forces did not retaliate and simply took cover and immediately left
    through gaps in the encirclement operation."
     

    In another ceasefire violation by the 801st IB, Christian Bascos, an
    NPA member who was visiting his girlfriend, was arrested together with
    two of his comrades who were also planning to visit their families and
    have medical checkups.

    "They thought that the other side would really keep their word and
    respect the terms of the ceasefire," the CPP said.

    Reference:
    Marco Valbuena
    Media Officer
    Cellphone Numbers: 09156596802 :: 09282242061
    E-mail:cppmedia@gmail.com <mailto:cppmedia%40gmail.com>

    --
    For multimedia, archived materials, and other information, please visit the
    following websites:
    www.ndfp.net

    www.philippinerevolution.net

     

    -------------------------------------------------------------------

     

    Alaala ni Lester
    by Mitchy Mallorca Saturay on Thursday, December 30, 2010 at 5:39pm

    Nang nalaman namin na may malala akong karamdaman, hindi ako umiyak.Naisip ko, kakayanin ko ito. Subalit ngayon,ilang araw nang hindi mapigilan ang aking pagluha, mula nung nabalitaan namin ang pagpaslang kay Lester ng mga militar nung bisperas ng Pasko.

    Naalala ko, nang ibinalita ng doktor sa amin ni Jun na hindi pa tiyak kung gaano kalala ang kalagayan ko,tinanong ko si Jun, "papaano kung ilang buwan na lang ang itatagal ko?". Ang sagot niya,"Walang problema, kung masasabi mo na ang buhay mo ay well-lived, at lumipas ang panahon nang wala kang pinanghihinayangan,ok lang.Tandang-tanda ko, sa pagkabanggit ni Jun kung "well-lived" ba ang buhay ko, ang unang sumagi sa aking isip ay yung mga panahong kasama ko ang cultural group ng ST(Southern Tagalog).Napangiti ako dahil walang kapalit ang mga panahong nakasama ko sila sa mga palihan, pag-eensayo, pagtatanghal at pag-martsa sa kalye. Mula sa protest camps at mga kalye ng Mindoro, mga piket lines sa Laguna,ang taunang street play na "kalbaryo", at sa mga mass actions sa Manila,kasa-kasama ko silang lumilikha at nagpapalabas. Kasama lagi si Lester.

    Nung panahong iyon sa Mindoro, isa si Lester sa pinakabata sa Kultural, malakas ang boses kapag umaawit at maliksi. Laging nakikipaghabulan sa aming mga anak at ang pahinga ay ang malambing na pagyapos kay Tiya Janet o kay Tiyo Noel.Nang mabuo namin ang STCN kasama si Kakay,Marlon at Luz,isang tampok sa unang palabas nito ay ang flag dance na binuo nina Lester,mga kapatid niya, ang anak naming si Nwel at mga mahuhusay na kabataang kagaya nila. Ang flag dance na ito ay isa na marahil sa pinakamagandang nakita ko, kongkreto ang mensahe at punong-puno ng apoy ang mga galaw at ekspresiyon ng mga mukha.

    Napatingin ako kay Jun, "palagay ko naman, well-lived life",sabi ko.

    Nung magkita kami ni Nwel nung bisperas ng Pasko, agad niyang sinabi."Nanay,may mensahe po sa inyo si Lester".Sa isang iglap,parang huminto ang pagtakbo ng utak ko. Akala ko sinasabi ni Nwel na may mensahe sa akin ang pagkapanaw ni Lester.O,mali ba ang balita na pumanaw na siya dahil nakapag-usap pa sila? Hindi,nag-chat daw sila nung isang linggo. Nuon lang ulit sila nakapag-usap pagkaraan ng maraming taon. At ang mensahe, sabihin sa akin na "buhay pa ang STCN."

    Kahit sa huling mga araw ni Lester, nakuha pa niyang magpaabot ng isang balita na alam niyang makakapagbigay ng lubos na kasiyahan sa akin. Damang-dama ko na buong pagmamalaki niyang sinabi yun.Ang sinabi niya ay isang inspirasyon at sa isang banda, ay napakalaking hamon.Nais ko siyang kamayan ng mahigpit at sabihin sa kanya "Isa ka sa mga dahilan kung bakit buhay pa ang STCN.Hinahangaan kita.Dadalhin namin ang iyong mensahe sa lahat ng mga susunod pang pangkulturang gawain.Maraming salamat,Lester."

    Nais kong yakapin ng mahigpit si Tiyo Noel at Tiya Janet, Kathleen at Fray. Walang naaksayang panahon sa buhay ni Lester. Hanggang sa huling sandali, ang ambag niya ay ang maitala sa kasaysayan na ang tunay na traydor ay ang mga pasistang militar ng ating gobyerno.

    Ngayong bagong taon,para kay Lester ang pinakamataas na sirit ng kwitis,pinakamalakas na pagsabog ng paputok at pinakamaliwanag na siklab sa kalawakan bilang pagbigay-pugay sa kanyang "well-lived" life!

     

     

    ANAKBAYAN

              T I M O G      K A T A G A L U G A N

     

    PRESS RELEASE

    DECEMBER 27, 2010

     

    REFERENCE PERSON:

    NEIL MACUHA (Contact number: 09993850584)

    Deputy Secretary General, Anakbayan-TK

     

     

    Bangkay ng kabataang pinaslang sa Occ. Mindoro, natagpuan na,

    kaibigan at kapamilya, hinaras ng militar

     

    "Basag ang mukha sa may bahagi ng panga, may tama [ng baril] sa tagiliran at namatay ng mulat." Ito ang deskripsyon sa larawan ng bangkay ng isang kabataang nasawi sa nakaraang opensibang atake ng militar sa Occidental Mindoro noong Disyembre 23, 2010.

     

    Si Stephen Lester Barrientos, 19 taong gulang at aktibong miyembro ng Southern Tagalog Cultural Network (STCN) ay napaslang  sa  San Jose, Occidental Mindoro kung saan nagsagawa ng isang opensibang operasyon ang Armed Forces of the Philippines’ 80th Infantry Battalion (IB).

     

    "Patuloy ang aming pagkundena sa panlilinlang ng AFP sa mga mamamayan at sa kanilang pekeng ceasefire. Dito natin nakikita ang pagiging desperado ng AFP na tugisin ang mga rebelde na kahit sa gitna ng isang napagkasunduang ceasefire at sa presensya ng mga sibilyan ay umaatake sila,” ani Neil Macuha, deputy secretary-general ng Anakbayan-Timog Katagalugan.

     

    Natagpuan ang labi ni Barrientos, alas-dos y media ng hapon, Disyembre 26, sa Maxima Funeral Homes, Sitio Bayutbot kung saan siya diumano inilibing ng mga militar. Matapos maipa-autopsy ay napag-alamang nagtamo ng dalawang tama ng baril si Barrientos, isa sa kaliwang balikat at isa ay sa kanang bahagi ng dibdib.

     

    Matapos maipa-embalsamo ang bangkay ay nilakad na ng mga kaibigan at kaanak ang papeles upang maiuwi ito sa Laguna kung saan nanirahan si Barrientos.

     

    Pandarahas ng militar

     

    Ngunit ayon kay Macuha, ang pagresponde sa pangyayari at paglalakad ng papeles ay hindi naging madali para sa mga kaanak at kaibigan ni Barrientos. Simula nang dumating ang mga ito sa Occidental Mindoro ay nakararanas umano sila ng pandarahas sa mga militar sa lugar.

     

    Ulat ng isang kaanak, pasado alas-kwatro ng hapon noong Disyembre 26 din ay naganap ang interogasyon sa kanila ng mga military. Habang nakasuot ng full battle gear ang mga ito ay tinatanong diumano sila ng kung anu-ano tulad ng kinaroroonan ng magulang ni Barrientos, tirahan niya at dahilan kung bakit napadpad ito sa Occidental Mindoro, at habang tinatanong sila ng mga militar sa isang kubo ay kinukuhanan pa diumano sila ng mga larawan.

     

    May apat na taong kahina-hinalang paligid-ligid sa lugar na pinagparadahan ng kanilang dyip at limang metro mula dito ay may truck na may lulang anim hanggang walong militar. Dagdag pa dito, sila ay binantaang haharangin sa isang checkpoint sa kanilang pagbalik sa Laguna.

     

    Mariin namang pinabulaanan ni Macuha ang inilabas na impormasyon sa media ng AFP na miyembro ng New People’s Army (NPA) si Barrientos.

     

    “Si Lester ay isa lamang anak na gustong magdiwang ng pasko kasama ang kanyang ama sa  Occidental Mindoro. Ginagamit na naman ng militar na katwirang NPA ang casualties ng kanilang mga operasyon, ngunit ito ay gasgas na at lantad na ang kanilang pasistang katangian sa mamamayan.” ani Macuha. #

     

    -----------------------------------------------------------------

     

    Para sa isang kasama na hindi ko gaanong kakilala
    ni Jessie Barcelon


    “Kasama, ang galing mo pala bumigkas ng tula”.

    Ito ang pinakamemorableng salitang binanggit sa akin ni kasamang Lester ng minsang magkasabay kaming magtanghal sa kampuhang magsasaka noong Oktubre. Sa totoo lang, hindi ko pa sya kilala sa pangalan nya noon.Pero popular sya para sa akin, dahil lagi ko syang napapanood kapag may mga mobilisasyong magsasaka. Ang totoo n’yan, nitong International Human Rights Day lang sya pinakilala sa akin ng pormal ni Rani. Si Rani ay kababata ni Lester at dati nya ring nakasama sa isang pangkulturang organisasyon. Ang kwento pa nga ng sa akin Rani, dati na raw silang may nabuong relasyon ni kasamang Lester. Hahahahahaha. Nakakatuwang isipin!

    Si kasamang Lester, isang kasama, artista ng bayan, at mabuting anak ng bayan. Nakilala sya sa pagiging mahusay na mandudula at artista sa bawat pagtatanghal. Malaki ang mga mata, nakalabas ang mga ipin at maitim. Yan ang katangiang pisikal na bumabagay sa mga ginagampanan nyang karakter bilang goons ng mga mapagsamantalang panginoong may lupa. Pero sa kabila nito, isang masayahing kasama at may dedikasyon sa gawain para sa kultura at mamamayan. Mga katangiang ‘di pangkaraniwan sa mga kabataan sa ngayon. Isang artistang hindi kumikita sa kanyang talento, bagkus ay nagsasalarawan sa tunay na kalagayan ng lipunan. Isang anak na piniling maglingkod hindi lang sa sariling pinagmulan sa halip ay piniling maglingkod sa malawak na aping mamamayan.

    Marahil nga’y napakabata pa niya ng agawan ng buhay noong Disyembre 23. Pinaslang ng mga walang kaluluwang reaksyunaryong militar, kahit pa sya ay sibilyan at layon lang dumalaw sa kanyang ama. Dinahilan pa ng mga militar na may engkwentro daw na naganap sa pagitan nila at ng mga NPA. E kung hindi ba naman sila isa’t kalahating BOBO, ceasefire kaya ng mga panahon na yon. At ayon mismo sa mga masang naroon, talagang sinadya ang operasyong militar sa kanilang Barangay noong araw ding yon. At ng may namatay, sinangkalan nilang NPA ang mga kasama ni Lester. Nakakagalit isipin, naiyak nga ako nung mabasa ko yun sa facebook noong madaling araw ng Disyembre 25. At kung bakit, dahil sa simpleng dahilan na sya’y isang kasama, isang kapwa artista at isang kakilala.Naiiyak nga ako habang isinusulat ko ito ngayon. Marahil kagaya ko, naiiyak din ang kanyang mga kasama, ang mga kakilala,at kanyang mga kapwa artista. Luha ito malamang ng lungkot at kagalakan. Lungkot sapagkat nabawasan ang aming hanay bilang mga manlilikhang sining. Galak,sapagkat kami ay lubos na nagpupugay sa kanyang dakilang ambag sa pakikibaka ng sambayanan.

    Habang ang mga damuhong militar at estadong ito na tayo’y aatras kapag tayo’y nababawasan. Lalo lamang nilang sinisilaban ang nagngangalit na baga ng paghihimagsik ng mamamayan. Sa pagkawala ng katawang lupa ng aming kasamang si Lester, mamumuhay sa puso ng bawat rebolusyunaryong artista ang espiritu ng kanyang dakilang buhay at paninindigang magiging sulo namin sa patuoy na paglalakbay. Marapat na sya ay bigyan ng isang pinakamataas na pagpupugay at parangal bilang artista, kabataan, rebolusyunaryo at mabuting anak ng bayan.

    At higit sa lahat ang pagtahak sa landas ng pagbabago ng lipunan at buong mundo.

    Ito ang dakilang buhay ni kasamang Lester Barrientos.
    Ang mabuhay at mamatay ng naglilingkod sa sambayanan!

    “Sa bawat galaw at
    indak mo kasama,
    malinaw mong sinasalarawan
    ang kagitingan ng masa.
    Sa bawat pagtindig
    at pagtaas ng iyong kamao,
    bumabaon sa dibdib
    ng mga mapagsamantala
    ang nagbabagang mga punglo.

    Sa iyong iniwang magulo
    at mapagsamantalang daigdig.
    Kami ang magpapatuloy
    sa paglikha,
    ng sabay nating pinangarap
    na mundong masagana
    at payapa”

    Hanggang sa muli kasamang Lester!
    Hanggang sa tagumpay!

     

     

     

               
         
    **          

     

    /p

      
     

    Google