A Tribute to Papo de Asis

Pintor, Artista ng Bayan

1949 - 2005

 

January 28, 2005

/p

 

     
   
/p

/p
Ph
           
     
     
     

 

Welcome Message ng Concerned Artists of the Philippines (CAP)
 

Papo de Asis, pintor, artista ng bayan, kasama. Kasama sa pakikibaka laban sa Diktadurang U.S.-Marcos at mapanlinlang na administrasyon ni Aquino. Kasama sa paglikha ng sining biswal na sumalamin sa interes ng batayang masa; sining biswal na nagmulat at nagsilbing inspirasyon ng milyong mamamayan para sa patuloy na pakikibaka.
Patuloy ang pakikibaka ni Papo, bagamat nagsa ibang bansa na. Itinuloy niya ito sa pamamagitan ng bisa ng kanyang pinsel at talas ng kanyang ideolohiya.
 
Maaring mayroon siyang mga pagkakataon na naglumbay (sa takbo ng mapanghamon na kalagayan), ngunit kailan man ay hindi nawalan ng pagasa sapagkat si Papo ay kasama.
 
Si Ka Papo—nabuhay at bumitiw sa mundo natin na mahigpit ang hawak sa pambansang demokratikong adhikain.
 
Mataas na pagpuri ang binibigay ng Concerned Artists of the Philippines sa mga likha ni ka Papo-- kasama na sa kasaysayan ng sining. Mas mataas na pagpupugay para sa diwa ng buhay ni ka Papo, artistang kasama sa kasaysayan ng pakikibaka ng masang Pilipino. 
 

 

 


 

     
     
           
Rock and metal sculpture by Rey Contreras presented by Tala to the family of Papo
 
     
     

 

Sculptor: Rey Paz Contreras
Century old molave hardwood
Sculpture is an artist statement towards the advancement of Filipino people's art

 

           
=          
==          
     

     
     

 

Si Papo
 
Bago pa ang matitingkad na pakikibaka ng prinsipyo, nauna na ang pakikihamok sa sining ng buhay. Si Papo ay lumaki sa Dumanggas Iloilo; nag aral sa kolehiyo bilang Enhenyero; sa hirap ng buhay ay hindi nakapagtapos; nagsundalo lumuwas ng Maynila para mag training;nag-AWOL;
 
Napadpad sa Ermita mga huling taon ng dekada 60’ at nag apprentice sa mga beteranong pintor sa Mabini – puso ng sining biswal.
 
Mulat si Papo sa katotohanan ng tiranya sa lipunan. Siya ay biktima bilang isang artista ng sining biswal, nais makahulagpos sa kalakaran na idinidikta ng kinang ng salapi at hindi ng pagkakaunawa at pagpapahalaga sa katotohanan at ng buhay.
 
Pumasok ang Dekada 70: Panahon ng mainit na kilos protesta laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo.
 
Ngunit nung 1972 ang mga pulang bandila ay sinaplotan ng itim –nag-Martial Law. Bawal humindi! Huli ang makikipagtunggali! Patay ang aayaw. Buhay ang taya ng mga nakikibaka para sa paglaya.
 
Ang kilusang lumalagablab ay yumuko at dumapa sa bangis ng estado. Ang kilusan ay yumuko-- para umilag sa kamay na bakal ng diktadurang US-Marcos. Ito ay dumapa—para gapangin ang mga mamamayang sasama sa kilusang lihim.
 
1975 -- panahon nung ang Mabini ay dinudumog ng turista—karamihan ay mga sundalong Amerikanong nag-a-R & R mula Vietnam; panahon nung matumbok sa salapi ang bulsa ng mga pintor—dahil sa pag-usbong ng mga inutang ng Diktadura US-Marcos para takpan ng palamuti at kulay ang dugo ng mga masang nakikipagtunggali.
 
Dama ng mga pintor ang pangangailangan magpinta para mabuhay; ganun din upang itaas ang kanilang sining bilang isang paraan ng pamamahayag ng katotohanan at pag-asa.
 
-CAP/2005
 

 

 

 

▲   Creating a Mural  
     
Paliwanag ni Dina Po tungkol sa mural na ginawa nila para kaya Papo
     
           
▼  Remembering Papo  ▼
           
     
Wilson Ma Pol Mesina Eunice,  eldest daughter of Papo
   
   

VIDEO CLIPS

 

■  Pagbabahagi nI Eunice, Anak ni Papo

 

■  Pagbabahagi ni Bogie Tence Ruiz, kaibigang pintor ni Papo

 

■  Pagsatula ni Jess Santiago ng pahayag ni Papo 

 

■  Paliwanag ni Dina Po tungkol sa mural na ginawa nila para kaya Papo

  Jess Santiago
     
     
Emcees: Alex Umali and Dina Po of CAP Gene de Loyola Orly Castillo
     
     
Cap Reyes Adi Baens Santos Bogie Tence Ruiz
     
     
Chitoy Zapata Nanding Josef, CAP Chair Direk Joel Lamangan
     
     
Neil Doloricon    
     
     
Joe Cuaresma Eggay Fernandez Nikki Legaspi, curator of the National Museum
     
     
     
Marie Enriquez, Karapatan Chair Rita Baua, BAYAN CAP 2011 calendar, October, features Papo
     
     
     
           
**          

 

/p

  
 

Google