San Juan residents on ‘red alert’ today

vs demolition of their homes

 

January 25, 2011

 

Features poems by:

 

Noel Sales Barcelona, Pia Montalban, Rommel Forbes-Aguila, Stum Casia and Rogelio Ordońez
 

/p

 

 

     
   
   
     
     
/p

/p
Photos courtesy of BAYAN - NCR
           
     


San Juan residents on ‘red alert’ one day before actual demolition of their houses
SAMANA tells PNoy: ‘Emulating mom on awarding us our land will be your best birthday gift to Cory!’
 

Reference: Arnold Repique, SAMANA President

One day before the actual demolition of their houses that is scheduled tomorrow, the Samahan ng mga Mamamayang Nagkakaisa sa Barangay Corazon de Jesus (SAMANA) today said that they were on ‘red alert’ and were all set to defend their rights to decent housing, livelihoods and social justice. January 25 marks the actual day of demolition in the said community as declared by San Juan City Mayor Guia Gomez during past dialogues between the residents and the city government.

The group also intensified their preparations today as 1,800 more households will be displaced if the planned demolition will succeed tomorrow. It can be recalled that some 200 homes were already destroyed last June 28, 2010 to pave the way for the completion of the construction of a new city hall and planned establishment of the government center of San Juan.

In their day-long protest today, SAMANA staged a rally inside the Pinaglabanan Shrine compound and burned an effigy with huge images of President Benigno Simeon Aquino III, SJ Mayor Gomez and son, Representative Joseph Victor Ejercito riding in a mock white Porsche 911. A solidarity cultural night and an overnight vigil were also staged as part of their preparations for the demolition on Tuesday.

‘We are extremely disappointed over the inaction and negligence of PNoy over our concerns. For the longest time, we asked help from the President and had consistently lobbied petitions to the Palace, but not even a single response from them came,’ says Arnold Repique, SAMANA president.

Repique added, ‘PNoy must be true to his words on his inaugural address and start fulfilling his promise that his government will be not be deaf and numb to the clamor of his people and that his administration will be willing to listen to the demands of the poor. He must do something on our issue and must stop giving broken promises.’

Just as former President Corazon Aquino is about to celebrate her 78th birthday also tomorrow in time of the demolition in San Juan, Repique further tells PNoy, ‘Emulating your mom on awarding us our land will be the best birthday gift you can give her.’

SAMANA said that the land of Barangay Corazon de Jesus has already been awarded to them by past administrations of Cory and Gloria Macapagal-Arroyo through Executive Order 164 and Presidential Proclamation 54, respectively. They also said that if PNoy truly wants to prevent violence to spark between the residents and the demolition team tomorrow, he must start stepping in over this issue and must immediately give categorical statements favoring them.

Finally, SAMANA vows to defend their homes at all cost and that they will wage the new and higher stage of battle in Pinaglabanan. ‘Like what our heroes fought before here in Pinaglabanan against Spanish colonizers in our glorious past, the modern-day sons and daughters of San Juan will once again revolt for our legitimate demands for decent housing, livelihood and social justice,’ Repique ended. ###
 

     
           
     
     
     

 

TULOY ANG LABAN PARA SA KATIYAKAN SA PANINIRAHAN! MABUHAY ANG MGA RESIDENTE NG BRGY. CORAZON DE JESUS!
by GABRIELA | A National Alliance of Women

on Sunday, January 23, 2011 at 7:10pm

Isang mainit na pagbati ang pinapaabot ng Pambansang Pamunuan ng GABRIELA sa mga residente ng Brgy. Corazon De Jesus, San Juan, na kasalukuyang humaharap sa pagtatanggol sa karapatan sa paninirahan. Pinakamataas na pagpupugay sa Samahan ng mga Mamamayang Nagkakaisa sa Corazon de Jesus (SAMANA -CDJ) sa pagbubuklod ng pagkakaisa at pamumuno sa pagkilos ng mga residente. Gayundin, sa lahat ng mga organisasyon lalo na sa GABRIELA-CDJ, sa pagiging aktibong bahagi ng lumalakas at lumalawak na laban.

Sa gitna ng panggigipit at nakaambang marahas na demolisyon, ipinamalas nyo ang tapang at kapasyahang isulong ang makatwiran at lehitimong pakikibaka para sa karapatan sa katiyakan sa paninirahan. Nasa inyo ang lahat ng katwiran para ipagtanggol ang karapatan laban sa mga walang respeto sa batas at karapatang pantao. Nilalabag nila ang mismong konstitusyon ng bansa na nag sasaad na “ Hindi dapat bawalan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman” (Seksyon 6, Artikulo III) at ang dalawang proklamasyon (PP 164 at PP54) na nagbibigay sa inyo ng karapatan sa lupa. Ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan at armadong pwersa upang wasakin ang inyong hanay. Marapat lang na ito’y biguin at hadlangan.

Ang inyong suliranin ay kahalintulad ng mga kaso ng iba pa nating kababayan na pinagkakaitan ng karapatang mabuhay dahil sa mga programa’t patakaran ng Gobyerno na nagluluwal ng dumadausdos na kita, kawalang trabaho at kasalatan sa serbisyong panlipunan. Dama ng kababaihan at bata ang mas matinding epekto dahil sa dagdag na karahasan dulot ng mababang katayuan sa lipunan. Kaya’t ang inyong laban ay bahagi ng pangkahalatang laban para sa kabuhayan at hustisyang panlipunan. Nawa’y panghawakan ninyo ang natipong lakas at isanib sa lakas ng mamamayan tungo sa pagkakamit ng tagumpay! Kaisa ninyo ang GABRIELA sa inyong laban! Mabuhay kayo!

Para sa Pambansang Kalihiman,
Lana Linaban
Pangkalahatang Kalihim
GABRIELA
 

     
           
     
     
     

 

xMGA TULANG ALAY SA PAKIKIBAKA NG MGA MAMAMAYAN NG BARANGAY CORAZON DE JESUS
by Bayan-ncr Chapter on Sunday, January 16, 2011 at 6:18pm

AY, HUSENG BATUTE!
Noel Sales Barcelona, Kilometer 64 Poetry Collective

O Huseng Batute
Ikaw na makata ng pagibig sa bayan:
maatim mo kayang hindi tulaan
ang nangyayaring kabusabusan ng iyong mga kababayan?
Wala na ang mga dayuhan
subalit saklot pa rin ng mapag-imbot
ang 7,107 pulo ng bayang minsan mong pinag-alayan
ng berso at tagulaylay.
Hayun! Hayun ang iyong mga kababayang
Walang matirhan sa lunang isinunod sa marangal mong pangalan!
Para silang mga dagang kanal
na nagsisipagpulasan dahil sa pagdating
ng traktora, pison at maton
na wawasak sa kanilang mga tahanan!
Ay, naku, Huseng Batute!
Hindi baga magngitngit ang puso mo
Kapag nabatid mong ang nagpapabigat
ng puso ng iyong mga kababayan
ay nagsasabing kababayan at kabayani mo rin?
Ay, Huseng Batute! Magbangon ka sa iyong libing
at saksihan ang krimen
sa bayan mong ginigiliw!
Ay, Huseng Batute! Magbangon ka sa iyong hukay
at huwag ka nang sumulat ng mga tagulaylay
Kundi awit ng isang digmaan
at gisingin mo ang puso at isip ng iyong mga kababayan
at ipagtanggol muli ang malayang pamumuhay
sa kanilang lupang sinilangan
kagaya nang pinangarap mo noong araw!

 

     
           
     
     
     


SA PUSO NI HESUS SA BARANGGAY JOSE CORAZON DE JESUS
Pia Montalban, Kilometer 64 Poetry Collective

Sa pananampalataya mo, Guia
nasusulat
na sa puso ni Hesus
nananaha'y pag-ibig
sa mga aba

mga biktima
ng pagsasamantala:

manggagawa sa empresa
pagawaan at pabrika
magaaral sa pampublikong paaralan
babae, lalaki, bata, matanda
magulang, anak, bahagi ng pamilya,
pa-
milya
ng
tao.

Duon din nama'y isinasaad
na ang pwersa ng kadiliman
na puno ng kasakiman
ay dito, dito nagngingitngit
sa puso ni Hesus
na bukal ng awa at pag-ibig.

At sa puso ni Hesus
na narito--
naririto
sa Baranggay Jose Corazon de Jesus.

Ikaw, Guia
ay Pariseo at Eskriba
Mapagpaimbabaw
Lingkod bayang
tagawasak ng kabahayan
Lingkod bayang
magnanakaw ng kabuhayan
Demonyitang nagkukunyaring
mananampalataya
Lanseta sa puso ni Hesus
Lanseta sa pusod ng Baranggay Jose Corazon de Jesus.

At kahit kami'y di mo gayang nakapagsisimba linggo-linggo
Kawal kaming titindig sa wasto at makatao
Kawal kaming magliligtas sa binaboy mong puso ni Hesus
Kawal kaming susugod sa pusod ng iyong munisipyo
Kawal kaming magtatanggol sa Baranggay Jose Corazon de Jesus.

 

     
           
           
=          
==          
     
     
           

 

KUNG BAKIT KAILANGANG MAGHANDA
Rommel Forbes-Aguilar, Kilometer 64 Poetry Collective

Kailangang maghanda
Sapagkat mayroong dapat paghandaan
Hindi nga lang ito kasal o binyagan
Hindi ito pagdiriwang ng ika labing walong kaarawan

Kailangang maghanda
Sapagkat mayroong dapat paghandaan
Hindi ito engrandeng kapistahan
O hindi naman kaya’y Kapaskuhan?

Kailangang maghanda
Sapagkat mayroong dapat paghandaan
Nagbabadya na ang unos sa ating kabuhayan,
Mistulang baha na lulunod sa ating kinabukasan!

Kailangang maghanda
Sapagkat mayroong dapat paghandaan
Dahil nagbabanta na ang kapahamakan,
Na dulot ng mapagkunwaring kaunlaran!

Kailangang maghanda
Sapagkat mayroong dapat paghandaan
Tulad ng demolisyon sa ating mga tahanan
Para maitayo ang munisipyo ni Gia’ng gahaman!

Kailangan na nating maghanda
Sapagkat malapit ng magpantay ang timbangan
Sa pagitan ng mga buwitreng sundalong bayaran,
Sa kisig at giting ng tunay na hukbo ng mamamayan!

Ito ang bisperas ng pagbabago ng sistemang panlipunan
Na magmumula sa pusod ng kanayunan,
Tiyak na aabot ito sa lugar ng Pinaglabanan
Kung kaya’t dapat natin itong pinaghahandaan!

 

     
           


DAKILANG BAYAN NG SAN JUAN
Stum Casia, Kilometer 64 Poetry Collective

Anong dakilang bayan itong
sa slogan ay nagbibihis masa?

Taon taong nakukuhang
magpabasbas kay Juan Bautista.

Pero mapagbigyan lang ang kapritso
ng high-end na pamilya

papaliparin ang mga
di-pa-artista-si-erap
doon na nakatira.

At si Huseng Batute,
matahimik kaya ang kaluluwa

Ngayong dadalhin sa malayong planeta
ang mga inampon
ng dakilang pangalan niya.

           
     
     
     
     

 

Sa Estasyon Ng Paglalakbay
January 23, 2011 by plumaatpapel
Rogelio Ordońez

(Tula)

naghihilamos ng hamog
makulimlim na umaga
nginangasab ng abuhing pusa
nahuling daga sa basura
nakatanghod asong gala
sa mangkok ng lugaw sa ponda
sa sulok ng mata ko
naglalambadang dalawang anino
nakausling mga tiyan
nagkikiskisang mga katawan
umaalong mga dibdib
lumalangoy na mga bisig
sa dagat ng karimlan
anino ko’y nakahiga sa upuan
isip ko’y naglalakbay sa kawalan
pitada ng tren hinihintay
bubulaga na ang araw
sa silangang hinarangan
ng gusaling nakabara sa pananaw.

wooo! wooo! wooooo!
rikitik… rikitik…rikitik… woooo!
mga katawa’y nagkabuhay
mga bagahe’y nagbanggaan
mga paa’y nag-unahan
sa bungangang naghihintay
dugo ko’y kumiwal
sa namanhid na mga ugat
saan ako maglalakbay?
patutunguha’y di alam
pira-piraso na
mga larawang isinabog
ng sumisikdong amihan
ngunit naglalagablab pa rin
apoy ng pagsinta
sa la tierra pobreza
habang tinutupok
natuyong mga layak at damo
saanmang burol at sabana
at dinidilaan ng apoy
imperyo ng dusa’t pagsasamantala
at ako, akong manlalakbay
ng makulimlim na mga dekada
ay naiwang nakatunganga’t nakanganga
sa estasyong inulila
ng dumagundong na tren
sakay ang mga kaluluwang
maglalakbay
saanman hahantong ang pag-asa

at ako, akong manlalakbay
sa kawalan
ay muli’t muling hihimig
ng awitin ng pakikibaka
sa estasyon ng pagsinta!

 

     
           
           
**          

 

/p

  
 

Google