KAWAGIB Moro Human Rights group

condemns AFP's bombing of civilian targets in
 Shariff Saidona Mustapha, Maguindanao

 

July 6, 2013

/p

/p
Photos courtesy of KAWAGIB
           
     


Kagawad Omar Dalimbang.tinamaan ng splinter ng bomba sa dibdib


Alimundo Alon, tinamaan ng splinter ng bomba sa binti
 
     
     

 

Ika-7 ng Hulyo taong 2013
Sulat Pahayag

KAWAGIB kinondena ang operasyong militar at pagkasugat ng 7 sibilyan sa Maguindanao

Probinsiya ng Maguindanao- Mariing kinukondena ng KAWAGIB Moro Human Rights ang pag-atake at pambobomba ng 2nd Mechanized Brigade, 45th IBPA at 7th IBPA sa mga sibilyan sa Brgy. Ganta, Shariff Saidona Mustapha, Maguindanao mula noong Sabado, Hulyo 06 na nagresulta sa pagkasugat sa 6 na mga sibilyan kabilang ang 2 bata at isang barangay kagawad.

Sa dokumentasyon ng KAWAGIB, ang mga biktima ay sina Kagawad Omar Kalimbang, Fatima Balilid at 2-taong gulang na anak na babae, 4 na taong batang lalaki, mag-asawang Alimundo Alon at Donna Alon at Nasser Kamid na tinamaan ng splinter ng mga bala ng 105mm mortar. Ang mga biktima ay isinugod sa hospital noong gabi ng sabado maliban sa isang 4-taong bata na daplis lang ang tinamong sugat.

Ayon kay Bai Ali Indayla, tagapagsalita ng grupo “napag-alaman mula sa mga biktima, na pumasok ang mga militar noong sabado sa Barangay Damabalas, Datu Piang upang maglunsad ng operasyon laban sa mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. Nagsimula ang bakbakan bandang alas-dos ng hapon na nagresulta sa sapilitang paglikas ng 107 na pamilya”.

“Bandang 6:30 naman ng hapon ay sunud-sunod na bumagsak ang mga bomba ng 105 mm mortar sa posisyon ng mga sibilyan malapit sa Ganta Elementary School kung saan nag-bakwet ang mahigit 100 na pamilya. Ang pagkasugat ng mga sibilyan ay bunga ng walang habas o indiscriminate na pambobomba ng mga sundalo. Ito ay malinaw na paglabag sa Karapatang Pantao at Internasyunal na Makataong Batas”, ani Indayla.

Dagdag ni Indayla, “Hindi dapat gawing target ang mga sibilyan dahil hindi sila partido sa armadong tunggalian. Kailangang itigil ng mga militar ang operasyon at umalis sa komunidad ng sibilyan upang matigil ang paglabag sa karapatang pantao at mabigyang daan ang imbestigasyon sa mga paglabag at mapanagot ang mga nagkasala.”

Kinondena rin ng KAWAGIB ang operasyong militar na ito lalo na at itinaon pa sa pagsisimula ng buwan ng pag-aayuno. “Ngayong linggo ay magsisimula na ang buwan ng pag-aayuno kaya’t doble pahirap na naman sa mamamayang Bangsamoro ang opensibang militar na dahilan ng sapilitang paglikas ng maraming sibilyan at pagkawasak ng kanilang pamumuhay”, ayon kay Indayla.

“Dismayado kami sa ipinapakita ng rehimen ni Noynoy Aquino lalo na sa pagharap sa usapang pangkapayapaan at sa pagbibigay ng hustisya sa mga mamamayang Moro. Magta-tatlong taon na ito sa posisyon ay hindi pa rin namin nakikita ang kaseryosohan nito kahit sa pagrespeto ng karapatang pantao, bagkus ikalawang pagkakataon na ito na naglunsad ng opensibang militar sa panahon ng pag-aayuno”, ani Indayla.

Maglulunsad ng kilos protesta ang KAWAGIB sa darating na ika-apat na State of the Nation Address o SONA ni Aquino sa Hulyo 22 upang ipanawagan ang hustisya para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao at singilin si Noynoy sa pangako nitong kapayapaan sa Mindanao na hindi pa rin naipapatupad sa loob ng tatlong taon na pamumuno sa bansa.###

Reperensya:
Bai Ali Indayla
Tagapagsalita ng KAWAGIB
0946.5015.477

 



Donna Alon, tinamaan ng splinter ng bomba sa binti
 
     


Bahay ng sibilyan sa brgy. Damabalas
 
     


Sa ilog na ito dumaan ang mga bakwet sakay ng bangka
 
           
=    

 

/p

  
 

Google