FQS@45
The January 26, 1970 mass demonstration in front of Congress
as reported by the Manila Times, the leading newspaper before martial law.
 

Posted: February 3, 2015

/p

 

 

     

The January 26, 1970 mass demonstration sparked a series of rallies in the last week of January and several days in February and March that are now known as the First Quarter Storm of 1970 (FQS 1970).  The Manila Times, the leading newspaper in the decades before martial law, and other newspapers had the mass demonstration in front of Congress where Marcos delivered his State of the Nation Address as their banner headlines.

   
 
/p

/p
The photos and news clippings were scanned from the pages of the Manila Times of January 27, 1970
           
     
     
     

.
ITANONG MO KAY PROF: Podcast on FQS Commemoration 2015
(Part 1)

“Pumutok ang First Quarter Storm noong Enero 26, 1970 nang sinalakay ng mga pulis ang mga 10,000 demostrador sa harap ng Kongreso nang natapos ang state of the nation address ni Marcos. Sa unang kwarto ng taong 1970, mula Enero hanggang Marso, bumalikwas ang mga kabataan at iba pang mamamayan para labanan ang mga anti-mamamayan, anti-nasyonal at anti-demokratikong patakaran ng rehimeng Marcos at Estados Unidos. Sa bawat linggo, 50,000 hanggang 100,000 ang nagtitipon sa ibat-iang assembly point sa national capital region, sa Bonifacio Monument sa Caloocan, Tondo, Quezon City, Sampaloc, Pasay, Pasig Makati at ibang lugar.

Nagmamartsa ang mga demostrador at dumadagsa sila sa converging point. Daan-daang libong mamamayan sa dinadaanan ng mga martsa ang nagbibibigay suporta sa mga demostrador. Madalas na dumagsa ang mga nagmamartsa sa Plaza Miranda at pagkatapos tumutuloy sa harap ng Kongreso, ng Malakanyang o embahada ng Estados Unidos. Ang Kabataang Makabayan ang tampok na namuno sa kabataan. Kahit na gumagamit ng dahas ang rehimen para guluhin at supilin ang mga marta at rali, lalong lumalakas ang kilos masa at ang propaganda sa pambansang saklaw at sa mga lokalidad.” – JMS

(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)

Published on Jan 24, 2015
ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015

1. Ano po ang ibig sabihin ng First Quarter Storm o FQS ng 1970?

JMS:Pumutok ang First Quarter Storm noong Enero 26, 1970 nang sinalakay ng mga pulis ang mga 10,000 demostrador sa harap ng Kongreso nang natapos ang state of the nation address ni Marcos. Sa unang kwarto ng taong 1970, mula Enero hanggang Marso, bumalikwas ang mga kabataan at iba pang mamamayan para labanan ang mga anti-mamamayan, anti-nasyonal at anti-demokratikong patakaran ng rehimeng Marcos at Estados Unidos. Sa bawat linggo, 50,000 hanggang 100,000 ang nagtitipon sa ibat-iang assembly point sa national capital region, sa Bonifacio Monument sa Caloocan, Tondo, Quezon City, Sampaloc, Pasay, Pasig Makati at ibang lugar.

Nagmamartsa ang mga demostrador at dumadagsa sila sa converging point. Daan-daang libong mamamayan sa dinadaanan ng mga martsa ang nagbibibigay suporta sa mga demostrador. Madalas na dumagsa ang mga nagmamartsa sa Plaza Miranda at pagkatapos tumutuloy sa harap ng Kongreso, ng Malakanyang o embahada ng Estados Unidos. Ang Kabataang Makabayan ang tampok na namuno sa kabataan. Kahit na gumagamit ng dahas ang rehimen para guluhin at supilin ang mga marta at rali, lalong lumalakas ang kilos masa at ang propaganda sa pambansang saklaw at sa mga lokalidad.

 








 

     
     
           
     
     
     



Published on Jan 24, 2015
ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015
(Part 2)

“Makabuluhan ang First Quarter Storm ng 1970 sa kasaysayan ng pagkilos ng mga kabataan at sambayanang Pilipino dahil ipinakita ng pagbabalikwas na ito na kaya ng masang tumindig para sa mga pambansa at demokratikong karapatan, magtipon ng lakas at kumilos para labanan ang brutal na rehimeng Marcos. Sa pamamagitan ng FQS, lumakas ang mga organisasyong masa na may katangiang pambansa-demokratiko hindi lamang sa National Capital Region kundi sa buong bansa. Kumalat ang mga protesta sa mga prubinsya.

Ang FQS ng 1970 ay naging inspirasyon ng sambayanang Pilipino sa paglaban sa palubhang pagsasamantala at pang-aapi ng rehimeng Marcos. Sa panahon ng martial law, laging iniisip ng mga tao na dating kaya ng masa na gumawa ng FQS at kung gayon kayang gawin muli ang ganito para ibagsak ang pasistang diktadura. Ang FQS ang historical antecedent ng Edsa uprising at iba pang pag-aalsa na nagpabagsak sa pasistang diktadura. Ipinakita ng FQS kung paano gumawa ng ahitasyon at propaganda at magtipon ng maraming tao sa pamamagitan ng mga martsa at rali.” – JMS

Published on Jan 24, 2015
ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015

2. Ano po ang kabuluhan nito sa kasaysayan ng pagkilos ng mga kabataan laban sa mapang-api at anti-mamamayang mga patakaran mula kay Marcos hanggang sa kasalukuyan?

JMS: Makabuluhan ang First Quarter Storm ng 1970 sa kasaysayan ng pagkilos ng mga kabataan at sambayanang Pilipino dahil ipinakita ng pagbabalikwas na ito na kaya ng masang tumindig para sa mga pambansa at demokratikong karapatan, magtipon ng lakas at kumilos para labanan ang brutal na rehimeng Marcos. Sa pamamagitan ng FQS, lumakas ang mga organisasyong masa na may katangiang pambansa-demokratiko hindi lamang sa National Capital Region kundi sa buong bansa. Kumalat ang mga protesta sa mga prubinsya.

Ang FQS ng 1970 ay naging inspirasyon ng sambayanang Pilipino sa paglaban sa palubhang pagsasamantala at pang-aapi ng rehimeng Marcos. Sa panahon ng martial law, laging iniisip ng mga tao na dating kaya ng masa na gumawa ng FQS at kung gayon kayang gawin muli ang ganito para ibagsak ang pasistang diktadura. Ang FQS ang historical antecedent ng Edsa uprising at iba pang pag-aalsa na nagpabagsak sa pasistang diktadura. Ipinakita ng FQS kung paano gumawa ng ahitasyon at propaganda at magtipon ng maraming tao sa pamamagitan ng mga martsa at rali.

(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)

 







 

     
     
           
     
     
     

.
 

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on FQS Commemoration 2015
(Part 3)

“Magmula pa FQS ng 1970 galit na galit na si Marcos sa Kabataang Makabayan. Alam niyang matatag at militanteng kalaban niya ito. Alam niya ring ang KM ang pasimuno sa mga protesta sa buong bansa. Nang sinuspindi ni Marcos ang writ of habeas corpus noong 1971 pinag-aaresto niya ang ilang lider ng Kabataang Makabayan at gusto niyang sindakin ang buong KM at sambayanang Pilipino. Pero patuloy pa rin ang magiting na pagkilos ng KM laban sa rehimen. Sa pagdeklara ng martial law noong 1972, ginawa ni Marcos na ilegal ang KM at pinilit ito na mag-underground. Pinaghuhuli, tinotorture at pinagpapaslang ang mga KM na inaabutan ng kalaban. Sa gayon, karamihan ng mga nasa Bantayog ng Bayani ay mga lider at myembro ng KM. Ang KM naman ay nakatulong nang napakalaki sa pagpapalawak ng CPP, NPA at NDFP sa buong bansa.” – JMS


Published on Jan 24, 2015
ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015

3. Bakit po naging iligal ang Kabataang Makabayan o KM?

JMS: Magmula pa FQS ng 1970 galit na galit na si Marcos sa Kabataang Makabayan. Alam niyang matatag at militanteng kalaban niya ito. Alam niya ring ang KM ang pasimuno sa mga protesta sa buong bansa. Nang sinuspindi ni Marcos ang writ of habeas corpus noong 1971 pinag-aaresto niya ang ilang lider ng Kabataang Makabayan at gusto niyang sindakin ang buong KM at sambayanang Pilipino. Pero patuloy pa rin ang magiting na pagkilos ng KM laban sa rehimen. Sa pagdeklara ng martial law noong 1972, ginawa ni Marcos na ilegal ang KM at pinilit ito na mag-underground. Pinaghuhuli, tinotorture at pinagpapaslang ang mga KM na inaabutan ng kalaban. Sa gayon, karamihan ng mga nasa Bantayog ng Bayani ay mga lider at myembro ng KM. Ang KM naman ay nakatulong nang napakalaki sa pagpapalawak ng CPP, NPA at NDFP sa buong bansa.

(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)








 

     
     
           
     
     
     

.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on FQS Commemoration 2015
(Part 4, last part)

“Ipagbunyi ang FQS bilang dakilang tagumpay ng kabataang Pilipino at sambayanan sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Parangalan ang mga martir ng FQS. Gunitain ang mga sakripisyo, pakikibaka at mga tagumpay ng mga lumahok sa FQS. Ipagbunyi ang pagpanday ng FQS sa maraming bayaning kalalakihan at kababaihan na nagpatuloy ng pakibabaka sa panahon ng martial law at hanggang ngayon.

Ang mga prinsipyo at layunin ng FQS ay buhay ngayon sa isip at damdamin ng ating mga kababayan na nais magkamit ng ganap na pambansang kalayaan, demokrasya, hustisya sosyal, pag-unlad, kasaganaan at kapayapaan.” – JMS

===

“Dapat magpatuloy ang KM. Nagpatuloy naman ito sa underground sa panahon ng martial law at pagkatapos. Nananatili ang pangalan na Kabataang Makabayan kahit na ito ay gumaganap ng papel ng Communist Youth League. Ipinagpapatuloy ng KM ang rebolusyong Pilipino sa hanay ng kabataan. Gusto nitong magwagi ang bagong demokratikong rebolusyon at kasunod nito umpisahan ang sosyalistang rebolusyon.” – JMS

Published on Jan 26, 2015

ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015

4. Sa inyo po bang pagtingin, dapat pa bang magpatuloy ang KM? May mahalaga bang papel ang kilusang kabataan sa buong laban ng mamamayan?

JMS: Dapat magpatuloy ang KM. Nagpatuloy naman ito sa underground sa panahon ng martial law at pagkatapos. Nananatili ang pangalan na Kabataang Makabayan kahit na ito ay gumaganap ng papel ng Communist Youth League. Ipinagpapatuloy ng KM ang rebolusyong Pilipino sa hanay ng kabataan. Gusto nitong magwagi ang bagong demokratikong rebolusyon at kasunod nito umpisahan ang sosyalistang rebolusyon.

5. May mensahe ba kayo sa darating na paggunita sa FQS?

JMS: Ipagbunyi ang FQS bilang dakilang tagumpay ng kabataang Pilipino at sambayanan sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Parangalan ang mga martir ng FQS. Gunitain ang mga sakripisyo, pakikibaka at mga tagumpay ng mga lumahok sa FQS. Ipagbunyi ang pagpanday ng FQS sa maraming bayaning kalalakihan at kababaihan na nagpatuloy ng pakibabaka sa panahon ng martial law at hanggang ngayon.

Ang mga prinsipyo at layunin ng FQS ay buhay ngayon sa isip at damdamin ng ating mga kababayan na nais magkamit ng ganap na pambansang kalayaan, demokrasya, hustisya sosyal, pag-unlad, kasaganaan at kapayapaan.###

(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)





 

 

     

 

 

 

AWIT NG KABATAANG MAKABAYAN

Lyrics by Jose Ma.Sison
Music by Felipe de Leon, Jr.

Kami ang kabataang makabayan
Bisig ng manggagawa´t magsasaka.
Lakas at pag-asa ng buong bayan
Sa lunsod at sa mga lalawigan.

Aming layuni’y paunlarin ang ating bayan
Ibagsak ang asenderong salot ng bayan.
Kami’y lumalaban sa kaaway ng bayan
Mapang-aping kapitalistang dayuhan.

Kami ang kabataang makabayan
Sagisag at ningning ng kalayaan.
Kami ang kabataang makabayan
Apoy ng pagkakaisang walang hanggan.

 

           

 

/p

  
 

Google