Book Launching:
RECCA: From Diliman to the Cordilleras

 

UP Quezon Hall, Diliman

 

April 22,  2015

/p

 

 

     
   
 
/p

/p
 
           
     
     
     

.
 

Mensahe sa Paglulunsad ng Aklat na Recca: From Diliman to the Cordilleras
Dr.
Judy Taguiwalo
Abril 22, 2015
Quezon Hall Lobby
University of the Philippines


Maraming salamat sa mga kontributor sa librong Recca: From Diliman to the Cordilleras. Napadali ang pamamatnugot sa librong ito bunga ng marami, mapagmahal at malamang mga tribute na isinulat ng mga kaklase, kaibigan, kasamahan, pamilya, asawa't anak, kapatid ni Recca at ang mga tribute na nagmula sa PKP, NDF, Makibaka at mamamayan ng Kalinga at mga samahang rebolusyonaryo sa Cordilleras


Maraming salamat sa mga kabilang sa mahabang listahan ng mga nagsulat at nagpadala ng parangal sa Facebook, sa dyaryo, sa pamilya na ngayon ay bahagi na ng librong ito. Outpouring ng pagmamahal at paghanga ka Recca, kay Ka Tet, kay Ka Bibo, Iding, Pinit, Tet.


At sa mga kontributor na wala rito, si Minnie Lopez na ngayon ay abogada na at bahagi ng National Union of People's Lawyers ay nasa Jakarta kaugnay ng adbokasiya nating magkaroon ng clemency para kay Mary Jane Veloso, kay Mary Ann Alejo na nasa Hongkong. Si Sarah Maramag, isa sa BFF ni Recca ay hindi makapunta dahil na rin sa pagmonitor sa sitwasyon ni Mary Jane Veloso. Sa mga GABRIELA USA laluna kina Val Francisco at kay Elaine Dizon, kay Dr. Epifanio “Sonny” San Juan, kina Joma Sison at Juliet de Lima, maraming salamat.


Sa anak ni Recca, si Diwin Jude Kenn Monte Bangibang at sa mahal na asawa, ni Recca na si Gabriel Kennedy Bangibang, isa sa halos 500 bilanggong pulitikal sa bansa. . Sa kapatid ni Recca na si Noel Jr. at siyempre sa sister kapwa sa dugo at sa paniniwala, si Jang na may mga akda sa koleksyong ito.


Maraming salamat Karl Frederick Castro sa napakagandang book design at cover. Hindi nakapagtataka na ikaw ang paboritong lay-out artist ni Ricky Lee sa kanyang mga akda.


Maraming salamat din sa Southern Voices Printing Press sa paglimbag sa aklat.

At maraming salamat sa mga kasamahan ko sa akademya sa kanilang mga rebyu ng libro: kay Dean Rolando Tolentino ng College of Mass Communication; kay Dr. Nathalie Africa-Verceles, Chair ng Department of Women and Development Studies ng College of Social Work and Community Development; kay Loujaye Sonido ng Department of English, College of Arts and Letters at kay Dr. Joi Barrios-Leblanc ng University of California-Berkeley.


Isa si Recca sa siyam na mga martir ng Lacub Abra: sina AJ Jaramillo, Brandon Magranga, Pedring Banggao, Robert Beyao, Robert Perez and Ricardo Reyes mga myembro ng NPA at ang dalawang sibiliyan na si Engineer Fidela “Delle” Bugarin Salvador at ang magsasakang si Noel Viste na pinaslang noong Setyembre 4 -6, 2014 ng mga tauhang militar ng 41st Infantry Battalion ng PA. (Basahin ang maiksing kwento tungkol sa kanila sa 
http://bulatlat.com/…/lacub-martyrs-a-source-of-light-love…/ )
 

Hindi ipinagkakaila ng kanilang mga mahal sa buhay na ang pito sa siyam, kabilang na si Recca, ay myembro ng NPA at kung gayon ay mga combatants sa rebolusyonaryong digma sa Pilipinas para isulong ang tunay na kalayaan at demokrasya. Pero ang paraan ng pagpaslang sa kanila ay labag sa International Humanitarian Laws at terms of engagement sa isang gera.


Tatlumpu't taong gulang si Recca nang namatay siya kaedad ni Andres Bonifacio noong pinaslang ang huli sa Cavite at mas matanda ng bahagya kay Maria Lorena Barros na pinatay sa Mauban sa edad na 28.


Sa ibang unang nakarinig sa pagkamatay ni Recca sa edad na 33, ang kagyat na reaksyon ay panghihinayang dahil napakabata pa niya.


May malinaw na sagot ang kapatid ni Recca na si Noel Jr. doon sa panghihinayang sa maagang pagkamatay ng kanyang kapatid:


Yes, she just lived for 33 years, which is very short given that many people live until 50 years, 80 years. But think about this: how many significant things have they been able to accomplish with their lives? My sister, she lived for only 33 years. That is a very short period but she was able to accomplish many things. (Noel Monte, Jr. “Isa siyang bayani”)”


At narito sa aklat na ito ang nakakaiyak, nakakatuwa, nakakamangha, nakakahangang pakikipagsapalaran ni Recca, iskolar ng bayan mula Diliman, ni Ka Bibo, Ka Iding, Ka Pinit, Ka Tet, Pulang kadre at mandirigma sa Cordilleras.

Ang librong ito ay pagpaparangal kay Recca at sa lahat ng mabubuting anak ng bayan na nakibaka, nakikibaka para sa hustisyang panlipunan at pagkakapantay sa isang bayang malaya, demokratiko at mapagkalinga.


Magwawakas ako sa mga salita ng ate ni Recca na si Jang:


I shall honor my sister’s memory, her struggle, her legacy, in this fight for justice. The status quo may not give us much to hold on to, but we grasp and fight with determination to give Recca and the martyrs of Lacub, Abra justice. We will fight. (From: 
http://bulatlat.com/…/lacub-martyrs-a-source-of-light-love-…- pride-to-their-families/ )

 


Dr. Judy Taguiwalo, Editor
Click here to play video -1
Click here to play vdieo -2
 
Prof. Bernadette Neri
Coordinator, UP Gender Office
Dr. Rhodora Gonzalez
Associate Dean of the UP College of Engineering
Click this link to play video
           
     
Editor Dr. Judy Taguiwalo and some of the contributors to the book
     

.
 

Mga Alaala at ang Talinghaga ng Paglalagablab
Dr. Joi Barrios-Leblanc
UC Berkely faculty member
Read by Dr. 
Cynthia N. Zayas of the Center for International Studies, UP Diliman


Maikling pagpugay lamang ito sa isang babae, na ayon sa kanyang mga kapamilya, kaibigan, kasama, mga nakasalamuha at napaglingkuran, ay maganda, mabait, at higit sa lahat, matapang.


Sa bawat akda ng koleksiyon, ang mga manunulat ay sabay na nagmamahal, lumuluha, nagmamahal, nagagalit, nagmamahal, at nahihikayat na ipagpatuloy ang kanyang paglaban. May umaalala kay Recca bilang paslit, may blockmate, may kaklase, may tagahanga, may nakasama sa rally at sa u.g., may mga kababaihan mula sa Abra, at may anak na naulila. Binubuo nila para sa ating hindi nakakilala kay Recca ang larawan ng isang aktibista – hindi lamang iyong nakakunot-noo at nakataas kamao, kundi iyong laging may ngiti sa pagbati, may taginting ang halakhak, umaawit at lumilikha ng sining, nahahaluan ng kabadingan ang pananalita, at gaya ng lahat, may problema rin sa pagbabalanse ng pamilya at gawain.


Mahalaga ang salaysay ng mga alaala, kahit na alam nating walang alaalang buong-buo at dalisay. Tinatanganan natin ang mga alaala hindi lamang dahil dapat balikan ang nakaraan sa pagsulong, kundi dahil pinagtitibay nito ang ating mga paninindigan. Mga aktibista tayo, mga kasama, pero tao lang din– nababalian ng braso kapag nadulas, nabubugbog kapag nahagip ng truncheon sa rally, pinapasuko ang katawan ng tortyur, sumasabog ang bungo kapag naasinta ng kaaway. Pero itinuturo sa atin ng alaala ni Recca ang pagkakaiba natin sa iba pang tao, lalo na iyong mga nagsisikap sikilin ang mapagpalayang kilusan. Laging naglalagablab ang pag-ibig natin sa bayan, sukdulang ikabuwal.


Sinusulat ko ito, bilang aktibistang hindi niya kahenerasyon, bilang babaeng nakadistiyero sa ibang bayan at hindi nakapaglingkod sa paraang kanyang kinaya, at bilang taong umabot na sa edad medya – at nagtatanong sa sarili kung bakit doble ang sakit sa dibdib kapag may kabataang unang pumapanaw. Habang binabasa ang mga akda, iniluha ko ang kanyang kamatayan tulad ng pagluha ko para kay kasamang Ishmama, kay Monico, kay Behn, lahat ng pumanaw at hindi ko man lamang naihatid sa hantungan.


Tama ang sinabi ng isa sa mga awtor. Lagi’y may lagablab. Nagpupugay tayo kay Recca dahil bawat patak ng ating mga luha ay langis sa apoy na laging may liwanag.


Joi Barrios-Leblanc
University of California Berkeley
Ika-20 ng Abril 2015

 

Dr. Cynthia N. Zayas ►►
Click here to play video
Kerima Tariman reads excerpts from a poem
Click here to play video
           
     
  Claudine Angelica Aseo
UPD Engg student, niece of Recca
 
     

.
 

Reflection ni Natsy Verceles, Department of Women and Development Studies, UP CSWCD
20 April 2014

binasa ni Tessa Trazona, DWDS Master of Arts in Women and Development major


Una kong narinig ang pangalan at pagkamatay ni Recca mula sa isang co-faculty sa UP CSWCD. Sinamahan niya ako sa smoking area ng kolehiyo, kahit hindi naman siya naninigarilyo. Malungkot siya, dahil katatanggap lang niya ng balita. Kilala niya si Recca, magkasama sila sa Alay Sining. Sa aking pagkabigla, dalawa lang ang tanong ko sa kanya: "Ilang taon na siya?" ("33.") "Mayroon ba siyang anak?" ("Isa.")


Ang agad na reaksyon ko ay instinctive: Sayang, napakabata pa niya. Kawawa naman ang anak na naulila sa ina. Ang pag-iisip na ganito ay mula sa mga perspektibo na ang pangunahing sukat ng buhay na well-lived ay ang kung gaano ito kahaba, at napakahalaga para sa anak na buhay ang kanyang ina, kahit hindi sila palaging magkapiling.


Nguni't matapos basahin ang mga taos-pusong pagpaparangal kay Recca, pati na rin ang mga liham niya, ito ang mga napagtanto ko. Una, hindi sayang, walang sayang - dahil ang buhay na pinagdesisyunan niyang ihandog sa paglilingkod ng mga magsasaka at katutubo sa Cordillera, at sa pagsusulong ng kanyang mga adhikain para sa masang Pilipino, ay ang tanging buhay na may kahulugan at kahalagahan para sa kanya. Hindi siya makakahanap ng katahimikan at kaligayahan kahit saan pa, kahit pinahaba pa ang kanyang buhay ng deka-dekada nguni't malayo naman sa pinili niya, gaano kahirap man ito, puno ng hamon at panganib. Sa pag-aagos ng dalamhati mula sa mga nagmamahal sa kanya dahil ang mga buhay nila ay napayaman at napabuti ni Recca, hindi talaga sayang, walang nasayang na saglit sa maikli nguni't napakaningning na buhay na ito.


Pangalawa, sa pagkawala ng isang ina dahil nanindigan siya, nagsakriprisyo at lumaban para sa mga naaapi, natututunan ng kanyang anak, kahit sa napakasakit na paraan, ang pinakamahalagang aral na maaaring iwan ng bawat ina sa kanyang mga anak. Ito ang pagkakaroon ng pusong may dalisay na pagmamalasakit sa kapwa at pagmamahal sa bayan, pusong inuudyok ng pananagutan sa mga higit na nangangailangan, ng pagdadamayan at pagkakaisa, ng altruismo at pagkabukas-palad. Sa gabay at pag-aaruga ng mga naiwan ni Recca - mga kamag-anak, kaibigan, at kasama - mananatiling buhay hindi lamang si Recca, nguni't pati ang kanyang mga pinaglalaban, sa isip, puso, at diwa ni Diwon. Matatag ang batang ito, hindi dapat i-under-estimate - nakuha pa niyang mag-first honors sa kabila nang sinapit ng kanyang ina.


Ang karaniwang imahe ng mandirigma ay matapang, mapangahas, at matibay - hindi lumihis dito si Recca - pero sa pagbabahagi ng mga taong mapalad na nakilala siya, na-humanize siya ng husto. Napag-alaman natin na ang kanyang kagitingan ay mahigpit na nakakawing sa mahabagin niyang puso, sa kanyang pagiging mapagmahal at mapagkalinga. Ang taglay niyang puso ay balisang-balisa sa kawalan ng panlipunang at pang-ekonomiyang hustisya - kaya't wala nang naiwang pagpipilian kundi ang ialay nang buong-buo ang buhay para sa bayan. At hindi lamang sa pamamagitan ng pandirigma niya inialay ito, ginamit niya ang malawak at malalim na kakayahan at kaalaman sa pagbibigay ng konkretong mga tulong na nagpaginhawa sa buhay ng mga taga-Cordillera at nagpayaman sa kanilang mga isipan at diwa.


Napatawa at napaiyak ako ng aklat na ito - mas napaiyak kaysa napatawa, at higit dito, napahanga. Iilan ba - mahal na mahal man ang bayan, galit na galit man sa sistemang umiiral - ang magsasakripisyo ng ganito, ang mag-aalay ng sariling buhay ng walang pag-aalinlangan, ang magtatambal ng ganap at lubos ng pansariling hangarin sa pagpapalaya ng masang Pilipino kahit hindi naman nagmula sa mga ito?


Pagpupugay kay Recca. Mananatili siyang buhay.

 

◄◄ Ms.Tessa Trazona, DWDS Master of Arts in Women and Development major
Click here to play video



Raia dela Peña, matalik na kaibigan ni Recca
Click here to play video


From the Facebook wall of Judy Taguiwalo:

Si Raia Dela Pena, isa sa matalik na kaibigan ni Recca,  nagbasa ng excerpt ng kanyang kontribusyon sa libro. "Di ko naman akalain na magiging matalik kong kaibigan si Recca. Magandang mabait kasi. Masayahin. Sanay ako sa mga maangas na kaibigan. Yung matatapang na malakas ang dating or mga tahimik pero rakenrol, hindi yung chummy na sunshiny na mga personalidad. She was a tall pretty girl, popular at crush ng bayan. Favorite nya si tweety bird. Hindi din kami niyan magka-batch or magka-org, sa dami ba naman ng mga aktibista nung panahon na iyon, tipong hi and goodbye lang kami niyan lagi sa Vinzons sa gitna ng mga kampanya at mga prodwork at mga command meeting." (Para kay Recca)
 

           
     

Prof. Louise Jashil R. Sonido of the UP Department of Comparative Literature  

Click here to play video

 
     

.
 

MEETING RECCA

Review of RECCA: From Diliman to the Cordilleras(J. Taguiwalo, ed.)

Louise Jashil R. Sonido | 22 April 2015

 

For someone who loves literature — I am a Comparative Literature graduate, and a composition and literature teacher — I am deeply aware of moments when words fall short. This is probably inappropriate to say at a book launch, but today I am in aunique position to review a special book — one that understands thatit, on its own, is not the tribute, but the lives that it brings together in its pages.

 

I never met Recca, but each time I attend a gathering commemorating her, I am always struck and deeply moved by the continuing vividness of her life — ofher — in the lives of others. In the same way, this book curates poems, essays, letters, political statements, reports, articles, and photographs to insist upon the fact of Recca’s history, upon the truth and reality that such a life had been lived. Of a little girl who grew up, saw the world and didn’t look away; who read books and wrote letters and gossiped with friends; who, probably between class recitations and paper submissions, went out on the streets to raise her fist and cry out for justice; who one day made a choice, bought Coke and chocolates as instructed, and brought these with her to the Cordilleras, where she met the warriors who would become her comrades; who learned a new language in a new land in order to teach and learn from the masses; wholearned the new eloquence of strategies and formations andthe smell of gunpowder; who eventually died deep in the heart of the mountains that had scarred her, taught her, strengthened her, and loved her.

 

I never met Recca, but confronting her now, in the pages of this book, I begin to see our lives in tangents.Recca served in the Cordilleras. My political awakening was during a Cordillera Day, year 2009. I have met people whose lives she had touched. I walk the streets she had walked, listen to the songs she had sung, call the calls she had called.I have cried for her, even if I haven’t met her, because of who she is in the lives of the people who remember her. These tangents perhaps have no greater significance other than the fact that they show us just how simple, how accessible, and how close to us the revolution truly is, and, with it, the sheer simplicity of its many faces and the uncompromising fire of its principled rage.

 

I never met Recca, but at the same time that the various contributions to the anthology textualize her, produce her as an image of strength, humility, industry, courage, and revolutionary inspiration — the “Lorena Barros of our time” — they also make her familiar, alive, almost tangible even to those who don’t know her.In including raw letters, un-posed photographs, archived articles, graduation pictures, handwritten notes, and autopsy reports, the anthology becomes deeply personal as well as violently political. The revolution is made up of letters between sons and mothers, of cultural performances among the masses, of crude blackboards and alphabet lessons, of hydraulic technologies set up to harness electricity for remote communities — and, in between, of talks about haircuts, jokes, and how the family must be doing.

 

RECCA: From Diliman to the Cordilleras is not just the story of Recca’s life. It is evidence of a life that had been lived in the best way possible: in the service of others, rooted in and strengthened by the love of the people.Most of all, the anthology is not mere commemoration but a testimony to a life that continues in the lives of others. Certainly, the wealth of contributions are testament to the extent of Recca’s love.

 

I never met Recca — and yet, in a way, I have.For in the same way that Reccalived her life not for herself but for others, after death, she is not the personal memory of some but part of the collective imagination of our continuing revolution.We forge on.

 

Salamat, Recca.

 

Magpapatuloy kami.
 


Noel O. Monte, father of Recca
 
           
     
     
     
 
==          
     

Dance: "Fireflies in the Forest" (poem of martyr AJ Jaramillo) performed by Recca's niece Via Leigh Monte Hernandez
Click here to see video
 
           

.
Ang Rebolusyon ay Magtatagumpay
Dean Rolando Tolentino, UP College of Mass Communications
Rebyu ng Recca: From Diliman to the Cordilleras, Judy Taguiwalo, editor (Southern Voices Printing Press, 2015)
 

Sa maraming estudyante sa UP, ang identidad nila ay nakalagay sa kanilang student number. Ang kay Recca ay 97-09060. Sa maraming estudyante sa UP, ang skolar ng bayan ay sapilitan lamang ipinapataw sa kanilang pagkatao sa taon ng paglagi rito. Busy sa burgis na orgs sa kanilang burgis na aktibidad para sa kanilang burgis na aspirasyon. Si Recca ay piniling makibaka. Sa maraming estudyante sa UP, naging opsyon ang pagiging aktibista. Si Recca ay namundok, piniling talikdan ang kanyang naka-set na buhay para makidigma para sa pagpapalaya ng bayan.


Ang koleksyon ay makabuluhan dahil makikita—sa sinulat hindi ni Recca kundi ng kanyang pamilya, mga kasama, kapanalig, at organisasyon--ang reenactment ng transformasyon ng buhay ni Recca, ang naging kahalintulad na buhay nito sa iba, at ang naging epekto ng kanyang pagpili (choice) sa iba pang mga aktibista, mandirigma at organisasyong mapagpalaya. Transformasyon ito dahil may makabuluhang pagbabago sa pagkatao ni Recca, at ang ambag ng kanyang pagkilos sa kilusang kanyang kinabibilangan.


Tatlo ang antas ng operasyon ng reenactment o muling pagsasabuhay sa koleksyon. Pagsasabuhay ito dahil muling binubuhay ang substansya ng buhay ni Recca na kumilos sa kilusan at namatay sa pagtatanggol nito. Una, kung paano tinalikdan ni Recca ang kanyang dati’y inaakalang kumportableng buhay at ilaan ito para sa pagpapalaya ng sambayanan. Narito ang mga akda hinggil sa mga yugto ng kanyang buhay sa pakikibaka. Ito ang politikal na personal ng buhay ni Recca, o kung paano ang nosyon ng politikal (ng pagbabagong-hubog ng sarili) ay integral sa pag-unawa sa pagkatao’t pagkilos ni Recca. Dito, exemplaryo ang buhay ni Recca para sa pagkaunawa ng kahalintulad na mga buhay, at pinagdadaanang iba’t ibang buhay sa pakikibaka.


Mahalagang mailarawan sa pamamagitan ng pagsama ng mga litrato at ibang mas personal na ulat hinggil kay Recca na tao ito: may kasaysayang humubog sa pinili nitong gawin at gawain. At sa humanistiko’t liberal na demokratikong antas, walang dapat karahasan na nagaganap sa tao. Pero lampas dito, si Recca ay tulad lang natin, may politisisasyong tinanggap para makapagbagong-hubog at buhay sa kilusan. At lampas pa rito, dakila ang buhay ni Recca dahil inalay ito para sa sambayanan.


Ikalawa, binibigyan-representasyon sa koleksyon ang komunidad ng kapwa aktibista’t mandirigma, pawang kinakalinga ang pagkilos tungo sa historikal na pagbabagong panlipunan—nauna, kahenerasyon, sumunod na mga henerasyon na nabubuhay tulad ng buhay na pinili ni Recca. Matutunghayan sa mga akda ng kapwa individual at organisasyonal na aktibista’t mandirigma ang pamayanang binubuo ng at nabubuo sa rebolusyonaryong kilusan. Na marami ang tulad ni Recca sa iba’t ibang antas ng patuloy na pagkilos ang isinasaad nito. Ito ang pamayanan o pagkabuo ng nagkakaisang-hanay ng mga aktibista’t mandirigma sa kilusan, kung paano sa iba’t ibang panahon at espasyo ng pakikibaka, nagkakaroon ng afirmasyon dulot ng pagsiklab ng naging buhay ni Recca.


Exemplaryo ang buhay ni Recca para sa pagkaunawa ng pagkapamayanan sa rebolusyonaryong kilusan. Ang kabawasan ng isa’y nagdudulot ng kabawasan sa lahat. Ang buhay ni Recca ay nagdudulot ng pag-alingawngaw ng pamayanan ng rebolusyonaryong kilusang kanyang pinag-alayan. Ginugunita ang buhay ni Recca bilang pag-alaala sa pamayanang nagdulot ng transformasyon sa kanyang buhay. Namumutiktik sa dami ng kontributors, pawang mga entidad ng aktibismo, ang koleksyon. Nauunawaan ang pamayanang handang gunitain at imemorialisa ang maigsi’t maningning na buhay ni Recca, isang buhay na tinangkang kitlin ng fasismo ng estado.


Ikatlo, ang koleksyon ay representasyon ng gawaing kultural sa rebolusyon. Matutunghayan sa mga akda ang rebolusyonaryong transformasyon ng mga individual na pagkatao sa pagpapalaya ng sambayanan. Ang sentral na impetus ng bawat akda sa koleksyon—kung bakit inakda ang individual na akda’t ang mismong koleksyon—ay ang kamatayan ni Recca bilang pulang mandirigma. Sa burgis na kaayusan, madaling maratay sa pananamlay at depresyon sa pagkilos, at kung bakit hindi kasing sexy ni Anne Curtis ang kilusan. Pero sa kultural na gawain—mapa-individual at mapakilusan man—ang kamatayan ay isang dakilang bagay, at ang pananamlay at pagkapilay ay nakakabig para sa rebolusyonaryong tapang at tatag.


Kultural ang makinasyon sa pagbabagong-aktityud sa kamatayan—normal na bagay ito, parating nandyan ang panganib, at magkaganoon, sa bahagi ng napaslang, ang kamatayan para sa bayan ay isang dakilang bagay; at sa ating naiwanan, ang higit pang tapang at pagpupursigi sa pagkilos kahit na patuloy na umiigting ang panunupil ng estado. Makabuluhan ang pagbabagong-hubog at aktityud dahil sa pangunahin, kultural ang larangan para magkaroon ng kabuluhan sa transformasyon.


Naalaala ko sa koleksyong ito ang Publikasyong-Iglap na ginawa ng CONTEND, mga serye ng polyeto’t libro na malikhaing tugon sa mga napapanahong isyu. Nailabas ang mga libro ng tula hinggil sa Hacienda Luisita massacre, isa hinggil sa pagpapatalsik kay Gloria Arroyo, at isa pa hinggil sa politikal na pagpaslang sa kanyang termino. Nailabas naman ang mga libro ng sanaysay hinggil sa neoliberal na edukasyon, isa hinggil sa pambansang demokratikong kasaysayan ng U.P., isa hinggil sa tugon ng mga akademiko sa politikal na pagpaslang, at ang pinakahuli, isa tungkol sa pamana sa pambansang demokratikong kilusan ni Bonifacio sa ika-150 na taon ng pagsilang nito.


Natutuwa ako sa pagpapatuloy ng inisyatiba tungo sa pambansang demokratikong kultural na produksyon. Ang higit pang pagpapayaman ng pambansang demokratikong mga akda sa napapanahong isyu ay paglilinya ng pang-uring tunggalian sa kultural hindi lamang tungkol sa pagsusuri sa tematikong isyu kundi sa mismong produksyon sa media at sining. Sa ating mga inisyatiba, malawak at malalim ang balon ng karanasan, hindi lamang kayang ipantapat sa burgis na media at sining kundi sa kabuluhan ng anumang kultural na produksyon: na ito’y makapagpamulat, makapagpakilos, at makapag-organisa.


Patunay ang umuunlad at napapanahong koleksyon ng mga akda na kaya natin ito, at kakayanin pa ito nang may higit na tapang at pagpupunyagi bilang paggunita sa buhay at pakikibaka ni Recca, at ng marami pang mga katulad ni Recca—nakibaka, hindi natakot. Sa ating dumadaan at naglalagi sa U.P., si Recca ang panuntunan ng pagiging tunay na skolar ng bayan. Ang rebolusyon ang impetu ng pagabagong-hubog at buhay natin dito. Ang rebolusyon ang buhay na nag-uugnay sa atin dito sa akademya at sa labas. At kung gayon, ang rebolusyon ay magtatagumpay.

Pagbati sa mga bumuo ng koleksyon, na naglilinya ng pagbabagong-hubog sa rebolusyon. Pagbati lahat sa ngalan ng tagumpay ng rebolusyon.

 

UP CMC Dean Rolando Tolentino
Click here to play video

Ericson Acosta and Renato Reyes, Jr.
Click here to play video - 1
Click here to play video - 2

 


Prof. Roselle Pineda of the Department of Art Studies, U.P. College of Arts and Letters renders songs acapella including "Agbiag si Recca, bannuar ti umili"
 

           
     
  Friends of Recca gather for the book launching  
 
 
A photo of the Oblation at the start of the launching of the book, "RECCA: From Diliman to the Cordilleras"
 
           
THROWBACK
PAGPUPUGAY KAY KASAMANG RECCA, SEPT. 2014, UP campus
           
     
     
     

.
 

From: Facebook postings of Mon Ramirez
Kasamang Recca Noelle Monte: From Diliman to Cordillera and back

Updated about 7 months ago


After graduating from Manila Science High School as one of the silver medalists, Recca spent some years at UP Diliman as engineering student under DOST scholarship, as Iskolar ng Bayan and most especially, as political activist involved in issues such as the budget cuts of SUCs, VFA and ousting a President. 

Twelve years ago, she traveled to the Cordillera to work among the people. Last night at 8:30 she returned; or, rather, her son and sister brought back her ashes to UP Diliman where her family, friends and comrades gave her a most militant salute and tribute. She packed in 33 years a very productive and meaningful life devoted to serving the people, truly a patriotic Iskolar ng Bayan to the core. 

Tonight and every night up to Friday more friends and comrades will pay tribute to Ka. Recca.

Recca joins the list of alumni and former students of my college, the UP College of Engineering, who devoted their lives to serving the people with great patriotic fervour burning. That includes Magtanggol Roque, BSChE '64; Floro Balce, Antonio Hilario, Mariano Lopez and Ruben Lunas -- all EE students; Wright Molintas and Arnulfo Resus, GE students; Edwin Laguerder and Vergel Landrito, CE students; and Bayani Lontok who first enrolled at UP Diliman and transferred to UPLB for his Agricultural Engineering course.

Details on the martyrs from Melchor Hall (UP College of Engineering) can be read in an article I wrote for the 2012 alumni yearbook. Here is the link:
https://www.facebook.com/notes/mon-ramirez/bantayog-ng-mga-bayani-martyrs-from-melchor-hall/10152736970708466

 




     
     
           
     
     
     

.
 

From: Facebook postings of Mon Ramirez, Sept. 9, 2014
----------------------

"It is actually a consolation that they did not die with just a whimper but faced the enemy with the thunderous response of a people in resistance in the heart of the mountains of Abra, Cordillera, Bukidnon, and elsewhere; in the various fronts they have painstakingly built through decades of mass work. And this is why their deaths weigh upon us heavy as the mountains they have sought refuge in. Here, where their blood was spilled, the stories of the nameless among us shall now bear names and grow roots among the people. And the weight of their pent up resolve built from the sacrifices of those before shall bear down upon the cities from the countryside in a torrent of just retribution.

"But now we grieve.

"We grieve for the loss of friends who have carried the heaviest burden among us and for us. We grieve for the loss of fathers and mothers who now have the terrible burden of burying their sons and daughters who are much too young. And so we retreat into the quick comfort of old friends where, draped in the windows of their hearts, is also the same black flag of mourning.

"No words are necessary here - just the same knowing look of bereavement and yet also the shared renewed commitment that indicate the ever burning and unrelenting fire of revolution in our eyes." 

--- Excerpts from Black by 
Arnold Alamon
http://www.sunstar.com.ph/cagayan-de-oro/opinion/2014/09/09/black-364459






































 

 

   
     
           
           
     
     
     
           

 

/p

  
 

Google