National Sectoral Groups Strengthen Picket Lines
of Striking Workers of Tanduay


  Tanduay Strike - Part I   ■  Tanduay Strike - Part II      ■  Tanduay Strike - Part III   ■ Quotes:Tanduay Striikers


 

Cabuyao, Laguna

 

Posted: May 27, 2015

/p

 

 

     
 
 
/p

/p
Photos courtesy of Southern Tagalog Exposure and PAMANTIK-KMU
           
     
     
     

.
 

Bakit kailangang suportahan ang laban ng mga manggagawa ng Tanduay?

- Bagong Alyansang Makabayan

https://scontent-hkg3-1.xx.fbcdn.net/hphotos-xfp1/v/t1.0-9/11025659_990072561043089_4787495365948297677_n.jpg?oh=a1f2731dda9559e922e9a0e1c03fc2cf&oe=55F2372A

Simula Mayo 18, 2015, itinayo ng 397 manggagawang kontraktwal ng Tanduay Distillers Inc. (TDI) ang piketlayn sa Gate 2 ng Asia Brewery Compound upang ipanawagan sa kumpanya ni Lucio Tan ang regularisasyon  ng mga manggagawang lima hanggang labing-isang taon nang nagtatrabaho sa kumpanya. Malaon nang ginagammit ang kontraktwalisasyon para panatiliing mababa ang sahod, walang benepisyo at walang union ang mga manggagawa. Ginagamit din ito para bigyang katwiran ang malawakang tanggalan ng mga manggagawa. Kaya na lang makatwiran at makatarungan ang ginawang paglaban ng mamamayan.

Subalit ang walang palyang isinusukli ng kumpanya sa panawagang ito simula nang ilunsad ang piketlayn ay ang matinding pandarahas sa mga manggagawa sa pamamagitan ng mga security guard at bayarang goons. Halos araw-araw nagaganap ang pambabato ng bato at bubog, panunusok ng mga bakal, panghahampas ng tubo, at pambobomba ng tubig na may buhangin, na nagbunsod na ng napakaraming bilang ng mga sugatan sa hanay ng mga manggagawa.

Ito ay malinaw na manipestasyon ng pagkaganid ng mga kapitalistang handang manakit at mandahas, mapanatili at maprotektahan lamang ang kanilang limpak-limpak na tubo.

Si Lucio Tan, isa sa itinanghal na pinakamayaman na Pilipino ng Forbes Magazine, ay walang ikalulugi kung ireregularisa niya ang mga manggagawang kontraktwal, kahit pa bigyan niya ng buwanang bonus ang mga ito. Dahil sa bawat P1.00 kinikita niya sa Tanduay na likha ng mga manggagawang ito ay P0.00331 lamang ang napupunta sa bawat manggagagawa. Kaya’t hindi nakapagtataka na umabot sa mahigit P10B at P12B ang kanyang kabuuang kita sa Tanduay noong 2013 at 2012.

Ang laban ng mga manggagawa ng Tanduay ay laban sa mga mapang-abusong kapitalista. Ang laban ng mga manggagawa ng Tanduay ay laban ng bawat manggagawang naghahangad ng kaligtasan at kasiguraduhan sa trabaho. Ang laban ng mga manggagawa ng Tanduay ay laban ng bawat mamamayang nagnanais ng katarungan.

Nanawagan kami sa lahat na makiisa at sumuporta sa labang ito.

Ipinananawagan ng BAYAN na huwag tangkilikin, o i-boycot, ang mga produkto ng Asia Breweryna pangunahing pagmamay-ari ni Lucio Tan.

Ilan sa mga produkto nito ay ang mga sumusunod:

Tanduay Liquors
Beer na Beer Pale Pilsen
Cobra Energy Drink
Absolute Distilled Drinking Water
Summit Natural Drinking Water
Vitamilk Soy Milk
Coco Fresh

REGULARISASYON, IPAGLABAN!

MANGGAGAWANG KONTRAKTWAL, GAWING REGULAR!

WELGA SA TANDUAY, MAKATARUNGAN!

https://fbcdn-sphotos-d-a.akamaihd.net/hphotos-ak-xta1/v/t1.0-9/11264890_990076184376060_2073833760662873685_n.jpg?oh=d62bb3a46ec28b5e8a765aaa4df235f0&oe=55C32D81&__gda__=1438859016_5a0946c3a017688ed56899ac1de7f189

 

Bagong Alyansang Makabayan
     
     
           
     
     
     


Kilusang Mayo Uno

.
Support the strike of Tanduay workers in Cabuyao, Laguna!
Fight for the regularization of 397 contractuals!


Starting May 18, 2015, workers from the Tanduay Distillers Inc. in Cabuyao, Laguna, Philippines are on strike for their regular jobs and just working conditions.

Three hundred and ninety-seven workers, or 90% of its total workforce, have been working as contractual workers for 5 to 11 years now – with a meager wage of P315 (set to be lowered to P255 because of the Two-Tiered Wage System), no benefits (medical, sick leave, vacation leave or even bonuses), and no job security (they can be dismissed by the company anytime).

This is ironic since Lucio Tan, primary owner of Tanduay, is listed on 2014 as Forbes Magazine’s 2nd Richest Filipino with a net worth of $6.1 billion or P270 billion. Tanduay Distillers Inc. alone, earned net sales of P10 billion and P12 billion on 2013 and 2012 respectively. Each day, Tanduay workers create an estimate of P15 million worth of products. This means, per P1 profit of Tanduay Distillers, only P0.003 goes to wages which will be divided to 397 workers!

Workers have petitioned for an investigation from the Department of Labor and Employment (DoLE) since Tanduay Distillers Inc. has been employing workers under the guise of 2 agencies (Global Skills Providers Multi-purpose Cooperative and HD Manpower Service Cooperative). Labor Only Contracting is illegal under the Labor Code of the Philippines and yet even DoLE has turned a blind eye to the pleas of the workers.

It is saddening that the same workers who make alcoholic beverages such as Long Neck, Lapad Five Years, Jamaica, Green Tea, Asian Rum, Compañero, London Gin, Gin Capitan, Rhum Cocktails, Island Mix and many others – are the same workers who are deprived of their just wages, benefits and job security. They are the same workers who, day by day, have families who are struggling through poverty.

Is this what business tycoons like Lucio Tan want as a future for Filipinos who offered their sweat and blood for honest work?

All freedom loving citizens should enjoin us because only through our collective spirit and principled action can we help the the 397 contractual workers in their just cause for regularization!

Sign petition here

 

           
     
     
     

.
 

May 18, 2015

REFERENCE PERSONS

Roque Polido (09204518863), Chairperson, PAMANTIK-KMU
Anse Are (09363265297), President, TUDLA

 

WELGA NG MGA MANGGAGAWA NG TANDUAY PARA SA REGULAR NA HANAPBUHAY AT MAKATAONG KONDISYON SA PAGGAWA! 

LUCIO TAN, IBIGAY ANG KAHILINGAN NG MGA KONTRAKTWAL NA TUNAY NA LUMILIKHA NG IYONG YAMAN!

 

Ganap na idinedeklara ng mga manggagawa ng Tanduay simula ngayon, Mayo 18, 2015, sa pangunguna ng Tanggulan Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA) ang isang WELGA PARA SA REGULAR NA HANAPBUHAY AT MAKATAONG KONDISYON SA PAGGAWA!

 

Sampu ng buong kasapian ng TUDLA at ng 397 manggagawang kontraktwal na bumubuo sa 90% ng kabuuang lakas-paggawa sa Tanduay Distiller Inc. dito sa Cabuyao, Laguna, KAMI AY MATAGAL NANG NAGTITIIS SA PAHIRAP NA KALAGAYAN SA LOOB NG PABRIKA!  Karamihan sa aming mga kontraktwal ay 5 hanggang 11 taon nang nagtatrabaho ngunit nananatiling kontraktwal hanggang sa kasalukuyan – patuloy na nakapako sa napakababang sahod na P315 na maaari pang bumaba sa P255 floor wage dahil sa iskemang Two-Tiered Wage System, patuloy na walang natatanggap na makabuluhang benepisyong magtataas sa kalidad ng buhay ng aming pamilya, at higit sa lahat, patuloy kaming nasasadlak sa kawalang kaseguruhan sa trabaho dulot ng Labor Only Contracting o LOC ng kapitalistang Tanduay na iligal! 

 

Tulad ng mga manggagawa ng Kentex sa Valenzuela na namatay kamakailan sa sunog dahil sa kawalan ng safety protocols, talamak din sa loob ng aming pagawaan ang kakapusan sa Personal Protective Equipment (PPE). Madalas kaltas pa sa aming sahod kung kukuha ng PPE kaya’t maya’t maya ang naaksidente at nasusugat sa bubog dahil sa mga nababasag o sumasabog na bote. Ayaw naming magaya sa mga manggagawa ng Kentex na huli na at namatay dahil hindi naagapan ang ganitong problema, hangad din namin ang ligtas na kondisyon sa paggawa! 

 

Dagdag pa rito, dilawan at nagbubulag-bulagan ang nakatayong unyon sa loob ng aming pagawaan kaya’t hindi umuunlad ang aming kalagayan.

Maayos naming sinunod ang paghahain ng petisyon para sa regularisasyon sa Department of Labor and Employment o DoLE, subalit mismong mga inspektor ng DoLE ay bayaran at kasabwat ni Lucio Tan! Sa pagsusumite ng resulta ng kanilang inspection noong Abril 28, inutil sila Jennifer Taip at Daisy Ramos sa mga pruweba ng paggamit ng LOC ng kumpanya at sa halip, tinawag pang “legal” ang dalawang agency ng Global Skills Providers Multi-purpose Cooperative at ang at HD Manpower Service Cooperative. Ang aming paglalantad sa kabulukan ng DoLE at ang kanilang pakikipagkuntsaba sa Tanduay ay lalo pang nagluwal ng panunupil sa aming mga manggagawa: ngayong Mayo 16, kumpirmadong ang higit 200 sa amin ay iligal na tatanggalin dahil lamang sa aming paninindigan para sa tama at makatarungang kondisyon sa paggawa!

 

Bago pa ito, samu’t saring panunupil na ang nararanasan namin mula sa management – kabilang na rito ang 5 araw na forced leave simula noong Abril 24, at ang sapilitang pagpapapirma sa waiver na mag-aatras sa aming laban para sa regularisasyon. Makailang beses nang binabantaan ang aming kasapian na tatanggalin o ‘di kaya’y berbal na inaabuso sa pagtatawag na “walang utang na loob”. Paano ito nangyaring kami pa ang “walang utang na loob” gayong dekada na kaming naninilbihan subalit wala man lamang kakapiranggot na ibinalik sa amin ng kumpanya sa napakalaking tubo na nakuha nito dahil sa aming likhang-produkto? Noong 2012 at 2013, umabot ng higit P10 BILYON at P12 BILYON ang Net Sales ng kumpanya, ibig sabihin walang pang gasingko sentimos ang nakukuhang pakinabang ng manggagawa mula rito! Si Lucio Tan mismo na hinirang ng Forbes Magazine bilang pangalawa sa pinakamayamang Pilipino sa kasalukuyan, ay nagkakahalaga ng $6.1 BILYON o P270 BILYON ang ari-arian! Kaya hindi kami naniniwalang mahirap maibigay ng Tanduay management ang aming kahilingan para sa regularisasyon, ito’y kapiraso lamang kung ikukumpara sa araw-araw na supertubong nahuhuthot nila dahil sa sagad-sagaring pagpapahirap nila sa amin.

 

Kaya buong lakas at tiwala naming ilulunsad ang WELGA PARA SA REGULAR NA HANAPBUHAY AT MAKATAONG KONDISYON SA PAGGAWA! Sapagkat ito na lamang ang aming nalalabing armas upang makamit ang katarungang matagal na naming hinahangad. Ngayon, kailanpaman, hinihingi namin ang suporta ninyong mga kapwa naming manggagawa, maging ng iba’t ibang sektor ng mamamayan: mga estudyante, propesyunal, magbubukid, taong-simbahan, makabayang pulitiko, at marami pang iba – patunayan nating kayang-kaya nating gapiin sa pamamagitan ng nagkakaisang tinig ng mga Pilipino ang tunay na nagpapahirap sa ating lahi – silang iilang mayayamang tulad ni Lucio Tan na marapat nang magising at magkaroon ng katiting na malasakit sa ating lahat na bumubuhay sa kaniyang negosyo!

 

Sama-sama nating ipagtagumpay ang WELGANG ito, sapagkat hindi lamang namin ito WELGA, kundi WELGA ito para sa lahat ng manggagawang kontraktwal na nagnanais maging regular, WELGA para sa disente at nakabubuhay na sahod at kalagayan sa paggawa, WELGA para sa mas mabuting kinabukasan para sa ating pamilya at mga anak!

 

IPAGTAGUMPAY ANG WELGA PARA SA REGULAR NA HANAPBUHAY AT MAKATAONG KONDISYON SA PAGGAWA! LUCIO TAN, GANID SA YAMAN! 397 MANGGAGAWANG KONTRAKTWAL NG TANDUAY, IREGULARISA!

IPAGBAWAL ANG MALAWAKANG KONTRAKTWALISASYON! ITIGIL ANG PANUNUPIL SA MGA MANGGAGAWA!  

TUNAY NA UNYON NG MANGGAGAWA, ITAYO AT IPAGLABAN!

 

~TANGGULAN UGNAYANG DALUYANG LAKAS NG ANAKPAWIS SA TANDUAY DISTILLERS INC. (TUDLA)

MAYO 18, 2015


PAGKAKAISA NG MANGGAGAWA SA TIMOG KATAGALUGAN-KILUSANG MAYO UNO (PAMANTIK-KMU)

 

     
Rogelio Soluta - KMU Secretary General
     
Migrante International
           
     
     
     

.
STATEMENT
May 21, 2015
Makiisa sa welga ng mga manggagawa ng Tanduay!

Nakikiisa ang Anakbayan sa pakikibaka ng mga manggagawa ng Tanduay, na pinamumunuan ng Tanggulan Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA), para sa regular na hanapbuhay at makataong kundisyon sa pagawa. Ang Tanduay Distillers Inc. ay pagmamayari ng kilalang malaking negosyante na si Lucio Tan.

Ikinasa ng mga manggagawa ng Tanduay ang kanilang welga noong Mayo 18, 2015.
Lumahok dito ang 397 na kontraktwal na mga manggagawa na bumubuo ng 90% ng mga manggagawang nagtatrabaho sa Tanduay Distiller Inc. sa Cabuyao, Laguna. Karamihan sa mga manggagawang kontraktwal ay 5 hanggang 11 taon nang nagtatrabaho sa Tanduay pero nananatili pa ring kontraktwal. Ang mga manggagawang kontraktwal ng Tanduay ay sumasahod lamang ng P315 kada araw, at maaari pang bumaba ang mababa na ngang sahod sa P255 floor wage dahil sa iskemang Two-Tiered wage system na isang anti-manggagawang polisiya na pinapatupad ng rehimeng US-Aquino.

Ang mga manggagawa sa Tanduay ay malapit sa peligro dahil sa kawalan ng safety protocols. Ayon nga mismo sa mga manggagawa ng Tanduay, kapos din sila sa mga Personal Protective Equipment (PPE). Madalas ikinakaltas pa ng management sa kanilang sahod ang pagkuha sa PPE.

Wala ding nakukuhang benepisyo mula sa management ang mga manggagawa na maaari sanang makapagpataas ng kalidad ng kanilang buhay sa kagyat at sa kanilang pagreretiro. Dagdag pa, wala din silang kaseguruhan sa trabaho dahil sa iskemang Labor Only Contracting(LOC) na ipanatutupad ng Tanduay.

Kahit napakarami na ng kasalanan ng management ng Tanduay sa kanilang manggagawa, hindi tumindig ang kasalukuyang nakatayong unyon sa loob ng pagawaan. Pinaasa ng dilawang unyon na ito ang mga manggagawa ng Tanduay. Ang unyon na ito ay nag bingi-bingihan sa mga hinaing ng mga manggagawa.Bago ikinasa ang welga, nagpetisyon na para sa regularisasyon ang mga manggagawa sa Department of Labor and Employment (DOLE). Subalit pumanig ang DOLE sa management ng Tanduay, pinagtanggol ng DOLE ang paggamit ng LOC ng kumpanya.

Samu’t saring panunupil na ang nararanasan ng mga manggagawa mula sa management. Kabilang na rito ang 5 araw na forced leave simula noong Abril 24, sapilitang pagpapapirma sa waiver na mag-aatras sa paglaban ng mga manggagawa para sa regularisasyon, at bago pa man din magsimula ang welga,
 

     
           
     
     
     
           

.
STATEMENT
May 21, 2015

Makiisa sa welga ng mga manggagawa ng Tanduay!

Nakikiisa ang Anakbayan sa pakikibaka ng mga manggagawa ng Tanduay, na pinamumunuan ng Tanggulan Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA), para sa regular na hanapbuhay at makataong kundisyon sa pagawa. Ang Tanduay Distillers Inc. ay pagmamayari ng kilalang malaking negosyante na si Lucio Tan.

Ikinasa ng mga manggagawa ng Tanduay ang kanilang welga noong Mayo 18, 2015.
Lumahok dito ang 397 na kontraktwal na mga manggagawa na bumubuo ng 90% ng mga manggagawang nagtatrabaho sa Tanduay Distiller Inc. sa Cabuyao, Laguna. Karamihan sa mga manggagawang kontraktwal ay 5 hanggang 11 taon nang nagtatrabaho sa Tanduay pero nananatili pa ring kontraktwal. Ang mga manggagawang kontraktwal ng Tanduay ay sumasahod lamang ng P315 kada araw, at maaari pang bumaba ang mababa na ngang sahod sa P255 floor wage dahil sa iskemang Two-Tiered wage system na isang anti-manggagawang polisiya na pinapatupad ng rehimeng US-Aquino.

Ang mga manggagawa sa Tanduay ay malapit sa peligro dahil sa kawalan ng safety protocols. Ayon nga mismo sa mga manggagawa ng Tanduay, kapos din sila sa mga Personal Protective Equipment (PPE). Madalas ikinakaltas pa ng management sa kanilang sahod ang pagkuha sa PPE.

Wala ding nakukuhang benepisyo mula sa management ang mga manggagawa na maaari sanang makapagpataas ng kalidad ng kanilang buhay sa kagyat at sa kanilang pagreretiro. Dagdag pa, wala din silang kaseguruhan sa trabaho dahil sa iskemang Labor Only Contracting(LOC) na ipanatutupad ng Tanduay.

Kahit napakarami na ng kasalanan ng management ng Tanduay sa kanilang manggagawa, hindi tumindig ang kasalukuyang nakatayong unyon sa loob ng pagawaan. Pinaasa ng dilawang unyon na ito ang mga manggagawa ng Tanduay. Ang unyon na ito ay nag bingi-bingihan sa mga hinaing ng mga manggagawa.Bago ikinasa ang welga, nagpetisyon na para sa regularisasyon ang mga manggagawa sa Department of Labor and Employment (DOLE). Subalit pumanig ang DOLE sa management ng Tanduay, pinagtanggol ng DOLE ang paggamit ng LOC ng kumpanya.

Samu’t saring panunupil na ang nararanasan ng mga manggagawa mula sa management. Kabilang na rito ang 5 araw na forced leave simula noong Abril 24, sapilitang pagpapapirma sa waiver na mag-aatras sa paglaban ng mga manggagawa para sa regularisasyon, at bago pa man din magsimula ang welga,
 

 

Mayo 16 pa lamang ay kumpirmado nang higit sa 200 manggagawa ang tatanggalin ng management dahil lamang sa kanilang paninindigan na ipaglaban ang kanilang karapatan. Sa mismong pagputok ng welga, binomba ng tubig, pinagbabato at sapilitang pinaalis ang mga manggagawa, pero nanaig ang lakas ng sama-samang pagkilos ng mga manggagawa laban sa panunupil ng management at ng gobyerno.

Ang kalagayan ng mga manggagawa sa Tanduay ay naglalarawan sa kabuuang kalagayan ng mga manggagawa sa buong Pilipinas. Ang mga manggagawa na siyang nagpapagod para umunlad ang ating bayan ay patuloy na pinapahirapan ng mababang pasahod, kontraktwalisasyon, kawalan ng maayos na benipisyo sa trabaho, delikadong kundisyon sa paggawa, at kawalan ng karapatan sa pag-uunyon. Habang patuloy na lumulubog sa kahirapan ang mga manggagawa, nagpapakasasa sa yaman na nililikha nila ang mga kapitalista gaya ni Lucio Tan.

Sa kabila ng kalunus-lunos na kalagayan ng mga manggagawa patuloy parin ang ang atake ng rehimeng US-Aquino sa mga manggagawa. Patuloy ang paglikha at pagpapatupad sa kontra-manggawang mga polisiya sa ilalim ni Aquino. Lagi ring nakaantabay ang gobyerno ni Aquino na ipagtanggol ang mga kapitalista, at supilin ang mga manggagawang nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan.

Nararapat lang na makiisa tayo sa laban ng mga manggagawa ng Tanduay para sa regular na hanapbuhay at makataong kondisyon sa paggawa. Tulungan natin ang mga manggagawa ng Tanduay na ilantad and kanilang kalunus-lunos na sitwasyon, at ang sabwatan ng ganid na management ng Tanduay at ng bulok na gobyerno ni Aquino. Manghimok din tayo ng mas marami pang tao na tumungo sa piket upang makiisa sa welga. Tiyak na maipapanalo ang welgang ito gamit ang sama-samang pagkilos ng mga manggagawa at ng sambayanan.

Ang tagumpay na makakamit ng welgang ito ay hindi lamang tagumpay ng mga manggagawa ng Tanduay Distiller Inc., ito ay tagumpay din ng lahat ng mga manggagawa sa Pilipinas at isang hakbang pasulong sa tunay na pagbabago sa lipunan.

KONTRAKTWAL, GAWING REGULAR!
KONTRAKTWALISASYON, IBASURA!
KALUSUGAN AT KALIGTASAN SA TRABAHO, IPAGLABAN!
P16,000 MONTHLY MINIMUM WAGE, IPAGLABAN!
TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYANG UNYON NG MANGGAGAWA, ITAYO AT IPAGLABAN!
BALDOZ INUTIL, MAGBITIW SA PWESTO!
PAHIRAP SA MANGGAGAWA PANAGUTIN, NOYNOY PATALSIKIN!

Reference: Vencer Crisostomo, national chairperson, Anakbayan 09399207114
 

           
     
 
==          
     
     
           

.
 



ilps logo.jpg

 

International Release

20 May 2015

 

Violent dispersal of Tanduay picketline denounced

 

MANILA. We denounce Tanduay Distillers Inc. (TDI) owner Lucio Tan for the violent dispersal of striking workers at the Cabuyao, Laguna distillery. We hold the Aquino government accountable for the serious violation of human and labor rights.

 

“Lucio Tan is intoxicated with his own self-worth.  Having been a crony under the Marcos dictatorship, he acts like Filipinos are still under martial law,” ILPS-Philippines Chair Elmer Labog said.

 

At least 50 workers suffered cuts and bruises when company guards and hired goons attacked the picketline for two consecutive days since the strike started on May 18.

 

Workers were beaten with truncheons, blasted with water cannons, and pelted with rocks and glass bottles from inside the factory.  The local police merely looked on a few meters away.

 

An indignation rally was held at the Cabuyao municipal hall yesterday.

 

Workers have long petitioned that 397 contractual workers be regularized in accordance with the law.  Instead, the government's labor department declared the labor contracting agencies as "legal".

 

As the picketlines effectively shut down the plant, and with the mounting pressure on the company in the publicized case, the labor office is now changing its tune.  It has "discovered" that the contracting agencies have "expired contracts".

 

At a hearing called by the government's National Conciliation Mediation Board yesterday, Mr. Richard Teng, manager of the Tanduay plant, refused to take responsibility for the mess asserting that he was only an "observer" on the labor dispute when in fact the company hired the workers from those labor-only contracting (LOC) agencies.

 

The Labor Secretary or the President himself has assumed jurisdiction over strikes in the past.  In confronting the second-richest man in the country, however, both have remained reticent on the labor dispute.###
 

 

-- 

I L P S   
Philippine Chapter

Office Address:
2/F IBON Center, 114 Timog Avenue 
Quezon City 1103,  PHILIPPINES
Tel: +63 2  9277062
E-mail: 
ilps.phils@gmail.com

Website: www.ilps-phils.com

Facebook: www.facebook.com/ILPSPhils

Twitter: www.twitter.com/ILPS_Phils

 

-- 

I L P S   
Philippine Chapter

Office Address:
2/F IBON Center, 114 Timog Avenue 
Quezon City 1103,  PHILIPPINES
Tel: +63 2  9277062
E-mail: 
ilps.phils@gmail.com

Website: www.ilps-phils.com

Facebook: www.facebook.com/ILPSPhils

Twitter: www.twitter.com/ILPS_Phils
 

All U.P. Workers Union
     
Youth Groups
     
     
           
Tanggulan Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA)
           
     
     
     

.
Media Release
25 May 2015

Lucio Tan, Baldoz hit over non-stop violence vs. Tanduay strike

National labor center Kilusang Mayo Uno condemned business tycoon Lucio Tan and the Labor Secretary Rosalinda Baldoz today for the non-stop harassment and violence being inflicted by hired goons on the striking workers of Tanduay Distillers, Inc. based in Cabuyao, Laguna.

The labor group said the striking workers and their supporters, who are calling for the regularization of the company’s 397 long-time contractuals, have been attacked by Tan’s hired goons in an effort to destroy their picketline while the Labor Department does nothing.

KMU cited an incident last Saturday wherein the striking workers and their supporters were chased by hired goons who beat them with sticks, threw rocks at them, and destroyed the windshields and windows of their vehicles.

“Lucio Tan’s and Baldoz’ cruelty to workers knows no boundaries. After working together to exploit the Tanduay workers for years, they are now brutally attacking the workers’ picketline,” said Lito Ustarez, KMU vice-chairperson.

The labor leader said that eight days after the workers launched their strike, the Labor Department has done nothing to stop the violence against the workers, which is widely shared in social networking sites. 

“This is the same complicity that was shown by the Labor Department with the capitalists of Kentex who also kept their workers contractuals for years. This is the same complicity that ensures that capitalists get their profits at the expense of workers,” Ustarez added.

Ustarez was referring to the owners of Kentex Manufacturing, Inc., who violated labor standards by keeping their workers contractuals and whose violation of occupational health and safety standards killed more than 72 workers in a factory fire last May 13.

Reference: Lito Ustarez, KMU vice-chairperson, 

     
     
           
     
     
     

.
 

PRESS RELEASE

May 24, 2015

Reference Persons:
Anse Are (09273957876), President, TUDLA
Roque Polido (09204518863), Chairperson, PAMANTIK-KMU

 

Tanduay workers mark 1 week on strike, vow to intensify struggle for regularization

 

CABUYAO, LAGUNA – After one week of unrelenting violence from Lucio Tan’s security groups and hired goons, the Tanduay workers on strike vowed to intensify their struggle for the regularization of 397 contractuals saying that Lucio Tan “can never defeat the united strength of the workers and the people”.

 

Anse Are, president of Tanggulan Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA) condemned the new wave of repression from the Tanduay management when yesterday, March 24, two consecutive incidents caused injury of 20 workers and supporters.

 

Security forces and goons violently dispersed a separate protest of TUDLA who were joined by around 100 supporters from the National Capital Region (Bagong Alyansang Makabayan, ACT Teachers Partylist, All UP Workers’ Union, Anakbayan, Anakpawis Partylist among others). At around 4:30PM, 200 security forces and goons mercilessly beat the protesters and threw rocks at them which even shattered a jeepney windshield. When the protesters returned to the picket line at Gate 2 at 5:30PM, the protesters were again bombarded with firetruck water, human excrement, and stones.

 

“Lucio Tan obviously has all the power and money to hire a whole army to protect his interest. Instead of giving in to the demands of workers who created his wealth, he tramples on our right to organization and freedom to express our grievances. We are not afraid and we vow to fortify our ranks in the coming days,” Are stressed.

 

Meanwhile, the workers express their gratitude to the people’s organizations which travelled across provinces just to give solidarity to the workers as well as the nearby communities of Laguna who sympathize with their struggle.  One vendor, for example, gave several watermelons today to show support to the exhausted and hungry workers.

 

Also, at around 1:30PM today, workers from Sagara Metro Plastic Industrial Corporation conducted a solidarity program at the picket line. According to Ariel Velasquez, a worker of Sagara and chairperson of the Liga ng Mga Manggagawa Para sa Regular na Hanapbuhay, contractual workers from all over the country should unite to put an end to the exploitative conditions of companies.

 

“We see ourselves with the struggle of Tanduay workers, since their issue is no different from ours. The Aquino government’s policies on contractualization kills Filipinos and the only way to have a decent life is to fight for our rights,” Velasquez said.

 

Sagara’s workers were supposedly set for Certification Elections (CE) last April 8. But the Department of Labor and Employment unjustly cancelled their CE because of a memorandum issued by Malacañang (Presidential Decree 20-2011).

 

The workers continue to urge the local government of Cabuyao headed by Mayor Jun Hemedes and Vice-Mayor Atty. Mel Gecolea as well as the local Philippine National Police to stand with the workers in holding Lucio Tan accountable for his crimes. #
 

     
     
Nitz Gonzaga, KMU Vice Chair for Women's Affairs
Felix Pariñas, UP-All Workers Union President
           
     
Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap
  Rogelio Soluta, KMU Secretary General
     

.
 

PRESS RELEASE

5/23/2015

 

Youth groups condemn Tanduay Distillers management over strike repression

 

Youth groups Anakbayan, League of Filipino Students, and Student Christian Movement together with other sectoral organizations gathered at Tanduay Distillers Inc-Cabuyao Laguna to support the worker’s strike led by the Tanggulang Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA).

 

Anakbayan supported the workers’ calls for regularization and wage hike. They also condemned the Tanduay management for their strike repression.

 

“These workers have all the reason to launch a strike against Tanduay. Most of these workers have been working in Tanduay for 5 to 11 years, yet they are still contractual. They receive below minimum wages while Lucio Tan rakes in billions in profit,” said Vencer Crisostomo, Anakbayan National Chairperson.

 

“Aside from low wages, the management has also failed to provide workers with Personal Protective Equipments. Because of their contractual status most of these workers does not receive any substantial support and benefits from the management,” Crisostomo added.

 

Since the day when the strike was launched, the workers and their supporters has been continually harassed by Tanduay’s security forces and hired goons. 

 

According to Kilusang Mayo Uno, the goons threw rocks at the protestors and harassed them by, for an example, illegally confiscating a DSLR camera.

 

“Dahil sa takot na mawalan ng malaking tubo walang alinlangan si Lucio Tan at Tanduay management sa paggamit ng dahas laban sa mga manggagawa at kanilang mga taga-suporta,” said Crisostomo.

 

The youth leader called on the Tanduay management to submit to the calls of their workers.

 

“Lucio Tan and the Tanduay management should submit to the calls of their workers because without their workers have primarily contributed their labor for the company’s development. It is only just for the Tanduay workers to call for better working conditions,” said Crisostomo.

 

The youth leader stated that the plight of the Tanduay workers proves the deplorable situation of every Filipino worker under the Aquino administration.

 

“Sa Ilalim ng kontra-manggagawang administrasyon ni Aquino, patuloy nag kontraktwalisasyon, ang pambabarat sa sahod, ang kawalan ng trabaho, ang hindi ligtas na kundisyon sa pagawa, ang kawalan ng benepisyo, at ang patuloy na pag atake sa karapatan ng mga manggagawa na mag-unyon,” said Crisostomo.

 

“Walang ibang pinagsisilbihan ang administrasyon ni Aquino kung hindi ang mga gaya ni Lucio Tan,” said Crisostomo.

 

Anakbayan and other progressive organizations vowed to continue the fight against for the rights of Filipino workers and called for Aquino’s ouster.

 

“Aquino has long been the scourging Filipino workers with his anti-worker policies. We cannot just stand idle at this injustice. We must oust this anti-worker president and build a government that will forward national industrialization,” Crisostomo concluded.

 

Reference: Vencer Crisostomo, 09399207114, @venzie
 

Sammy Malunes, RILES Network  
     
     
           
   
Sol Pillas, Migrante International Lengua de Guzman, BAYAN Sarah Raymundo, UP Diliman faculty
     

.
 

LIGA NG MANGGAGAWA PARA SA REGULAR NA HANAPBUHAY (LIGA)

PRESS RELEASE
MAY 23, 2015

 

Recent NCMB hearing result, new round of labor repression verify correctness of strike; 

Urged more ‘contractual’ workers to do the same

 

REFERENCE PERSON

Ariel Velasquez
Chairperson
Liga ng Manggagawa para sa Regular na Hanapbuhay (LIGA)
09273957876

 

The events in the past two days gave all the more reasons for the workers of a distillery plant at Laguna to endure and push forth with the now-six-day-old strike.

 

Yesterday, regional organizations from different sectors and provinces were present for a multisectoral protest at the picket line. Today,  they are joined by a delegation from the national multisectoral organizations, led by the Bagong Alyansang Makabayan and national labor center Kilusang Mayo Uno (KMU).

 

Workers’ alliance Liga ng Manggagawa para sa Regular na Hanapbuhay (LIGA) chairperson Ariel Velasquez said that this will be an additional surge of energy for the striking workers.

 

“Day after day, we have more people coming in the picketline and sharing their support for the workers, knowing their plight; it is such a breath of fresh air compared to the plain violence from the mercenary goons, anti-worker policemen and callous local government,” said Velasquez.

 

On the other hand, the results of last Thursday’s hearing at the National Conciliation and Mediation Board (NCMB) brought more problems than it solved: with the management and a contracting agency only presenting its lawyers, only one contracting agency presented its job offering description – and even this was deprived to the workers, as it pulled it out counter to the recommendation of the arbiter.

 

Firm in their stand, the workers call for the management to be held accountable and face the workers at the board hearing, and push for the regularization of the 397 contractual workers under the company plant in Cabuyao.

 

Since the distillery workers’ strike, more associations and unions for workers deemed by the capitalist as contractuals have been formed and registered to the Department of Labor and Employment, guaranteed by the Constitutional right to organization.

 

These unions were formed in Manco Synthetic, Manila Cordage, Inc., Karzai, and just recently, in Asia Brewery Inc., where neighboring distillery workers strike.

 

Velasquez heads the alliance of such formations here.

“There is no question that the workers’ unity is spreading throughout factories in the region, as contractualization policies continue to spread in here,” added Velasquez.

 

Velasquez ended that such is the serious matter of contractualization, that is fought against by the workers, that it is not only an isolated case, but a national issue.

 

“It is undeniable that the nation now employs contractual, and not regular workers. It is then imperative for the people to show their unity. In the continuing call for justice for the slain Kentex workers, those who live in such conditions now unite to fight the common enemy that is the government’s continuing policy of contractualization and cheap labor in the nation,” concluded Velasquez. ###

Rita Baua, BAYAN International Desk
     

 
           
     
  Clemente Bautista, KALIKASAN  
     
  League of Filipino Students  
           
           
           

 

/p

  
 

Google